Wednesday, November 11, 2009

QUIZ NIGHT

Nauuso ngayon sa mga bar ang quiz night, na-invite lang ako ng mga kaibigan na sumali. Ang sistema ay maglalaban-laban ang mga team (kahit ilan) tapos may itatanong ang host sa stage. Usually ay mga trivia questions. Nangamote kami nu'ng Italian and Fench food category na, pero mataas naman kami nu'ng 'about Pacquiao' na ang tanong hahaha. Sumunod namin ay ang archeology category.

Sixteen teams ang sumali at panglima kami wohoooo! Hindi na masama dahil first time lang naming dumayo sa ganitong event. Nanalo kami ng gift check sa isang class na resto sa Serendra. LU nga pala ang team na ginamit namin. Tinanong kami ng host kung may ibig bang sabihin ang LU, sabi namin ay 'Loosers Underdog' hahaha. Pero ang totoo, ang ibig sabihin nu'n ay 'Luneta Universtiy'.

1 Comments:

At Thursday, November 12, 2009 3:43:00 am, Blogger Randy P. Valiente said...

Kuya KC, ayaw mag-appear ng comment mo :( weird! O nga, bagong pakulo ito ng mga bar na nagsasawa na sa banda, sayawan at hubaran :D.

 

Post a Comment

<< Home