Saturday, March 06, 2010

SHORT COMICS REVIEW

Lumabas na ang 3rd and final issue ng Dead Ahead ni Alex Niño. Masasabi ko na ito ang pinakamagandang issue sa tatlo. Out of this world ang layout. Magkakadugtong ang mga pages na ito, noong una ko nga itong makita noong nagpunta sa Pilipinas si Mang Alex ay inisip ko kaagad kung paano ipi-print itong mahabang-mahabang pages, akala ko ay folded pages ang gagawin. Pinutol din ng Image dahil imposible talaga ang ginawang ito ni Mang Alex. Creativity at it's best!


Lumabas na rin ang second issue ng Joe the Barbarian nina Grant Morrison at Sean Murphy, isa ito sa mga titles na kinukolekta ko ngayon. Highly recommended ito hindi lang sa mga comicbook artist kundi pati na rin sa mga gumagawa ng storyboard. Napakaganda ng pagkakagawa ng bawat eksena na makakalimutan mong nagbabasa ka ng komiks, akala mo ay nanonood ka ng pelikula. Storytelling at it's best!

24 Comments:

At Sunday, March 07, 2010 4:43:00 AM, Anonymous Kapre said...

Randy,

iyong 2nd page ng JOE THE BARBARIAN na posted mo ay medyo nakakaintendi nga ang artist dito sa action directions ng storyboard, medyo cinematic ang kanyang drawings. Malamang storyboard illustrator ang artist na ito, hindi ko lang matiyak kung storyboard screen director ito dahil may mga napansin akong mga mali sa mga dibuho niya. Iba pala ang storyboard illustrator sa storyboard screen director.

Nakakaintendi rin ito sa tamang gamit ng neutral shot sa 2nd panel para baguhin ang action direction. Tama ang panel symbolism sa 2nd panel at mga cuttings niya sa 3rd, 4th at 5th pero mali lang ang mga panels symbolism sa huling tatlong panels niya.

Walang visual continuity ang 1st panel sa 2nd panel. Kailangan ang isang medium action shot na transition panel sa gitna ng 1st at 2nd panels.

Itong JOE THE BARBARIAN kung titingnan mo ay maiintendihan ang takbo ng storya kahit walang captions at dialogues. Ang mga komiks drawings ng mga sikat na mga pilipino artists na kagaya nina Lienil Yu, Alex Nino, Whilce Portacio at Francisco Coching ay hindi cinematic at ang gugulo ng mga action directions ng mga dibuho nila, kailangan mong basahin ang mga captions at dialogues bago mo maintendihan ang mga storya.

Ikumpara mo ang gawa ng dibuhista ng JOE THE BARBARIAN sa dibuho ni Alex sa itaas. Maganda at visually artistic ang mga dibuho ni Alex pero ang gulo ng visual storytelling niya na parang hilong lasing ang mga characters niya na nagrarambulan dahil nakainom ng SIOKTONG ng intsik, hhhhhhh.

Itong cinematic storyboarding, panels symbolism, transition shots, action directions, at iba pa sa komiks ang matagal ko ng itinuturo sa blog ko na ang mga ehemplo ay sa Chapter 52 at 41. Walang pilipino na komiks illustrators sa mga matatanda at kabataan ngayon at nuon ang marunong sa cinematic storyboarding sa komiks.

Kagaya nga ng sinabi ko na sa blog ko na MGA HARI NG KOMIKS, ang 2D ANIMATION ay kaisa na sa LIVE-ACTION FILM, kaya ang KOMIKS ay dapat kaisa na rin dito. Ito ang dapat futuro ng komiks, pero ang mga kabataan pilipino komiks artists ngayon ay ATRASADO pa ang mga dibuho nila at hindi pa kaagapay sa kasalukuyan stelo. Ang nasa mga utak kasi nila ay BUTINGTING pa rin ang mga ginagawa na kagaya ng mga matatandang dibuhista sa atin nuon.

 
At Sunday, March 07, 2010 8:37:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ginawa na ni Alex ito noon sa 1984-1994 ng WARREN PUBICATIONS. Nag wa-wild ang fans ni Alex sa North America noon!

Auggie

 
At Sunday, March 07, 2010 1:01:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Supremong Kapre:

Parang related naman ang first and second frames dahil REVERSE SHOT ito ng first frame. Sa first frame ay na-established ng writer at artist ang pagiging "loner" ng main character. Nakaupo sa likod ng bus at walang kausap.

Second Frame shows us the sad mood of the character who is about to step down from the bus.

Third frame ay extreior shot – re-establishing shot ng bus at pagbaba ng lalaking estudyante.

Fourth Frame ay CLOSER ANGLE ng estudyante (Zoom In) to reveal the the student's gloom and the girl who cares from the bus window.

Final Frame is medium shot of the girl from outside the bus window, revealing her concerns for the boy.

In a filmic expression, these frames are well thought-of and beautifully executed.

Maybe you can tell us the "right way" how these frames should have been laid out as a comic medium? I'm a little perplexed, because cinematically, these frames all look good to me.

 
At Monday, March 08, 2010 10:05:00 AM, Anonymous Kapre said...

JM,

tama ang cutting mula 1st panel hanggan 5th panel KUNG cinematic film itong Joe The Barbarian, kaso cinematic komiks ito.

Medyo may kaibahan ang CINEMATIC FILM sa CINEMATIC KOMIKS. Ang una ay gumagalaw at naipapaliwanag ang storya dito ng directions, actions at emotions ng mga gumagalaw na characters, at ang pangalawa ay hindi gumagalaw at naipapaliwanag naman ang storya dito sa tamang paggamit ng mga symbolic na mga angulo sa symbolic panels, directions, actions at emotions ng mga hindi gumagalaw na mga characters.

Sa cinematic komiks na Joe The Barbarian ay symbolic ang gamit ng eye level angles sa 1st at 2nd horizontal panels kaya ang implikasyon nito ay loner at sad siya. Bakit? Pero sa symbolic na angles sa symbolic rin na neutral vertical panels sa 3rd, 4th at 5th na ang implikasyon ng mga ito ay WALANG EMOTIONS ang mga characters. Dito pumaltos ang artist nito. Bakit? Basahin ang Chapter 51 sa blog ko tungkol sa tamang paggamit ng symbolic angles, panels at lines na may relasyon ang mga ito sa directions, actions, emotions at storya sa komiks.

Dahil cinematic komiks nga ang Joe The Barbarian kaya hindi rin masyado klarado sa viewer ang action mula sa panel 1 patungo sa panel 2. Dapat meron medium shot sa gitna ng dalawang panels na ito na tumindig si Joe mula sa upuan niya at palakad sa direction pakaliwa. Itong medium shot ay connecting panel ng 1st at 2nd para MAS klarado sa mga tumitingin.

Ang unang punto na tandaan palagi ng sinumang dibuhista sa komiks, dapat ay MABILIS MA-VISTA at MAINTENDIHAN kaagad ng tumitingin sa komiks kung ano ang nangyayari. Ang pangalawang punto, dapat isipin palagi ng sinumang dibuhista na ang ordinaryong viewer ng komiks ay TAMAD itong magbasa, parang BOBO ito, at madaling MATARANTA sa mga nagrarambulan at hindi maintendihan na mga storya ng komiks ngayon kung hindi babasahin ang mga captions at dialogues. Hinalimbawa ko na nga ang komiks drawings ni Alex, maraming nagusto sa mga gawa niya dahil artistic ito, pero ang totoo ay ANG GULO ng kanyang VISUAL STORYTELLING, dapat basahin mo ang captions at dialogues bago maintendihan ang storya.


HALA, punta kayong lahat sa Chapter 51 ng blog ko at basahin ang tungkol sa symbolic angles, panels at lines ng CINEMATIC KOMIKS na ginawa ko na nuong 1971 pa, 39 years na ang nakaraan. Napapagod na akong magpaliwanag sa inyo, paghahatawin ko na lang kaya kayo ng DOS-POR-DOS para maintendihan ninyo, hhhhhhh.

 
At Monday, March 08, 2010 12:43:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Supremong Kapre:

Okay, naunawaan ko ang ibig mong sabihin sa ibinigay mong paliwanag.

Ang nakikita kong shortcoming sa artist nito o maging ang sumulat ng script ay sa dahilang gumamit sila ng device ng "spatialization of time and dynamization of space" na kung sa pelikula ginamit ay madaling tanggapin ng viewer dahil nga sa ito'y gumagalaw through persistence of vision. Ang naging problema lang kung sususugin, ay nag-short cut sila sa Spatialization kaya nagkaroon ito ng abrupt transition. However, maski nagkulang ito sa in-between shots, naintindihan ko pa rin ang buong story, so despite the little problem, I think they still produced an acceptable feature.

 
At Monday, March 08, 2010 3:13:00 PM, Anonymous Kapre said...

JM,

acceptable na talaga itong Joe The Barbarian. Madaling intendihin ito ng sinuman lalo na ng viewer na meron cinematic background.

Ang problema ay karamihan sa mga dibuhista ay sila lang ang nakakaintendi sa mga drawings nila at hindi maintendihan ito ng ordinaryong viewer.

Dapat ang mga dibuho ay maintendihan ng viewer na gumagamit lang ng visual common sense. Halimbawa sa 2nd panel ay alam ng sinumang viewer na horizontal ang movement ng character dahil sa horizontal panel, etc.

Ngayon, tingnan mo ang overlapping panels na drawing ni Nino sa itaas, huwag mong basahin ang mga captions at dialogues, ni hindi mo maintendihan kung ano ang ibig sabihin ng drawing niya. Parang mga larawan ito na kinarambola at pinagtagpi-tagpi na walang ibig sabihin.

Ito ngayon ang dapat itanong ng mga dibuhista sa kanilang mga sarili, ano ang komiks storytelling? Ang dapat ba na nakakaintendi ay ang artist lang sa storya ng dibuho niya o ang viewer? Para sa artist lang ba ito o para sa viewer? Alin ang mas marami, ang artists o viewers? Ibinibinta ba ang komiks sa mga artists lang o sa mga viewers?

 
At Monday, March 08, 2010 4:27:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Supremong Kapre:

Very good point.

Nagdo-drawing tayo at nagsusulat ng script, PARA SA AUDIENCE, hindi para sa ating sarili bilang mga artists.

Mukhang kung minsan kasi ay nagiging masyadong INDULGENT ang ilang mga mangguguhit at manunulat, tulad din sa ibang mga manunulat at director sa pelikula, nawawala na tuloy sa katotohanan ng pagtapak sa lupa, at nakaangat na sa cloud 9. HHHHHH.

Mabuti na lang at pinupukpok mo kaming lahat ng iyong mga lecture na may kasama pang hambalos ng dos por dos.

:)

 
At Monday, March 08, 2010 7:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa mga cinematic-matic:

Panay ang emphasis nyo sa "storyboard" style ng pagko-komiks at hinihikayat nyo ang marami na mag-cinematic...Pero alam ba ninyo na GUIDE lang ang storyboards? Kadalasan iniitsa-pwera ito ng mga director pag-actual shooting. Kaya parang malabo na ihikayat ninyong "artform" ang storyboard.

Ngayon, para namang mali na i-categorize ninyo ang ganitong klase ng sequential narrative as "storyboard" o "cinematic". Kung mag-research lang po kayo ng mabuti, bago pa naging malaganap at mass-based ang modern/pamphlet style comics, AT DI pa masyado developed noon ang "film" technique, may mga individual comics creators, writer at artist combined, na gumagawa na ng kanilang sequential narratives na mala-"filmic". Hindi pa nga "comics" ang tawag dito kundi "pictorial narratives" na walang dialog o caption at mukhang mga wood-carved etched drawings. MAS NAUNA ANG MGA SILENT PICTORIAL NARRATIVES NA ITO KESA SA PINAGBIBI-BIDA NINYONG FILM!

Kaya please, wag nyo maliitin ang comics medium. Napakababaw naman kung ili-limit lang natin ang kakayahan ng medium ng comics sa "film" style o "comics in motion" style ek-ek.

OPEN YOUR MINDS! WAG ISARA ANG KWADRADONG MUNDO NG KOMIKS SA FILM LANG!

 
At Monday, March 08, 2010 8:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sorry ha? Pero hindi ko talaga mapalampas ang ignoramus comment na ang comics graphic sequential art ni ALEX NINO ay hindi cinematic at ang gugulo ng mga action directions ng kanyang mga dibuho at kailangan pa daw basahin ang mga captions at dialogues para maunawaan ang storya.

Kung magulo at di nauunawaan ang gawa ni Sir Alex, bakit ito nai-publish ng IMAGE? Bakit nagustuhan ito ni Randy at ng libo-libong taong bumili ng DEAD AHEAD?

Bakit yung nagsasabi na magulo raw mag-drawing si Sir Alex, e wala naang naipu-publish na comics niya ngayon? Daming tinuturo sa blog pero walang namang contemporary published comics work siya para mapatunayan niya ang mga pinagsasasabi niya. Di ba? Kung nai-publish siya ngayon using his imaginary drawing principles at maganda sales at critical reviews dito, pwede pa kami maniwala sa kanya. E...ang problema wala e.

Isa pa, masama bang basahin mo pa ang dialogue at captions para maunawaan ang naka-drawing? Kung bawat panel, siguro sasang-ayon ako. Pero kung maayos naman at nakaka-angat sa reading experience, bakit hindi? Mas nakaka-bobo nga kung walang salita, di ba? Senyales ito ng pagka sub-literate ng isang artist--este--tao pala. Hi hi hi hi.

 
At Monday, March 08, 2010 8:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Kaya bilib ang marami sa gawa ni Mang Alex, lalo nito naiaangat ang comics medium as a separate at distinct artform. Di ito kayang gayahin at gawin sa animation at film.UNIQUE, INNOVATIVE, at "magulo" daw (he he) ang sequential art at storytelling na ipinamalas sa DEAD AHEAD. Parang advanced borderless layout ala Will Eisner si Alex Nino. Galing.

 
At Tuesday, March 09, 2010 8:55:00 AM, Anonymous mvicente23@yahoo.com said...

anonymous:

Ayaw mo ng cinematic na komiks?

Puwes, wala ka nanag magugustuhang komiks dahil ang trend ng komiks ngayon ay cinematic.

 
At Tuesday, March 09, 2010 1:05:00 PM, Anonymous ROMIWORKS® said...

magdrowing tayo hehe!

 
At Wednesday, March 10, 2010 6:04:00 AM, Anonymous Kapre said...

Anonymous,

hindi kita pinatulan sa blog ni JM kaya hindi ako interesadong patulan ka rin dito dahil KAULULAN LANG ANG MGA IDEYA MO.

Pero pag-isipan mo ng malalim ito: Ang kinikita ng isang KOMIKS ILLUSTRATOR sa US sa ISANG TAON ay kinikita lang ito ng isang STORYBOARD ARTIST o FILM ILLUSTRATOR sa ISANG BUWAN. Ang range ng AVERAGE INCOME ng storyboard artist o film illustrator sa isang taon ay mula $100,000 hanggan mahigit pa sa $1,000,000. Kaya ang mga komiks illustrators dito sa US ay gustong pumasok lahat sa pelekula, pero hindi makapasok dahil karamihan sa kanila ay WALANG CINEMATIC BACKGROUNDS.

HALA, punta ka sa blog ko at matuto ka duon kung paano gumawa ng CINEMATIC KOMIKS dahil ito ang SEKRETO, TUNGTUNGAN at shortcut na DAAN patungo sa CINEMATIC FILMS kaysa mag-aral ka pa ng CINEMATOGRAPHY na aabutin ka ng apat na taon bago mo makabisa ito.

Huwag kang BOBO, anonymous, PAABANTI ang komiks patungo sa CINEMATIC KOMIKS pero ang utak mo ay PAATRAS. At pakinggan mo ang sinabi ni mvicente23 sa'yo na "ang trend ng komiks ngayon ay cinematic."

Pahabol sa'yo, anonymous na ANONYRAT, hindi obra sa'yo ang DOS-POR-DOS, dapat hatawin ka ng KUWATRO-POR-KUWATRO para sumulong na PAABANTI ang direksiyon ng TUKTOK mo. INUTIL!

 
At Wednesday, March 10, 2010 3:18:00 PM, Anonymous meng fabian said...

Paghahatawin ang makikitid ang utak at ayaw umintinde. :)

 
At Thursday, March 11, 2010 8:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"Ang kinikita ng isang KOMIKS ILLUSTRATOR sa US sa ISANG TAON ay kinikita lang ito ng isang STORYBOARD ARTIST o FILM ILLUSTRATOR sa ISANG BUWAN. Ang range ng AVERAGE INCOME ng storyboard artist o film illustrator sa isang taon ay mula $100,000 hanggan mahigit pa sa $1,000,000. Kaya ang mga komiks illustrators dito sa US ay gustong pumasok lahat sa pelekula, pero hindi makapasok dahil karamihan sa kanila ay WALANG CINEMATIC BACKGROUNDS."

Ano po ba ang ibig sabihin ng impormasyong ito, Gng. Kapre?

Ibig ba sabihin, dahil sa mas mataas ang bayad ng movie storyboard artist, mas superior sila sa komiks artist? Ganun ba? Malaking factor ba ang sahod?

Ibig ba sabihin, dahil sa laki ng kita ng movie storyboard artist, ang mainstream comics sa U.S. ay "testing ground" lang ng mga U.S. comics artist para maka-entra ultimately as storyboard artist ng isang pelikula? Kaya nila ginagawang "cinematic" ang halos lahat ng mga mainstream comics nila? Pang resume' lang nila ang mga "cinematic" comics nila para mapansin ng mga movie people?

Kung Oo, ito ba ang sinasabi ninyong "trend" ngayon sa U.S. mainstream comics? Na ang motivating factor lang e, pera? Na stepping stone lang ang pagiging comics artist para ultimong maging movie storyboard artist na malaki ang kita?

 
At Thursday, March 11, 2010 8:58:00 PM, Anonymous Joshua Clottey said...

"Sa cinematic komiks na Joe The Barbarian ay symbolic ang gamit ng eye level angles sa 1st at 2nd horizontal panels kaya ang implikasyon nito ay loner at sad siya. Bakit? Pero sa symbolic na angles sa symbolic rin na neutral vertical panels sa 3rd, 4th at 5th na ang implikasyon ng mga ito ay WALANG EMOTIONS ang mga characters. Dito pumaltos ang artist nito. Bakit? Basahin ang Chapter 51 sa blog ko tungkol sa tamang paggamit ng symbolic angles, panels at lines na may relasyon ang mga ito sa directions, actions, emotions at storya sa komiks.

Dahil cinematic komiks nga ang Joe The Barbarian kaya hindi rin masyado klarado sa viewer ang action mula sa panel 1 patungo sa panel 2. Dapat meron medium shot sa gitna ng dalawang panels na ito na tumindig si Joe mula sa upuan niya at palakad sa direction pakaliwa. Itong medium shot ay connecting panel ng 1st at 2nd para MAS klarado sa mga tumitingin."

Mang Flor, nabasa nyo ba ang BUONG script ng "Joe the Barbarian"? Yung gumawa kasi ng iisang sample comics page na yan, NABASA niya ang script, at presumably, NAIINTINDIHAN NIYA ang gustong ipahiwatig ng writer.

Bakit ninyo sasabihing pumaltos ang artist sa 3rd 4th at 5th panels e hindi naman ninyo NABASA ang script? Malay natin kung sinasabi ng script na dapat walang emosyon dito. BAKIT ninyo agad na nai-presume na DAPAT may emosyon dito? Dami-dami nyong "presumption" e, bare assumption lang yang mga pinagpupuputak nyo.

ALAMIN NYO MUNA ANG BUONG SCRIPT bago kayo pumutak. IISANG pahina lang yan ng "Joe the Barbarian' wag kayo masyadong presumptuous.

Isa pa, "cinematic" lang ba ang nag-iisang paraan para gumawa ng magandang komiks? Mga alipin na ba ang mga "artist" kuno sa "trend" at wala na silang mga artistic independence at originality?

Mang Flor, kilala nyo ba si CHRIS WARE? Hindi cinematic gawa niyan pero marami ang humahanga sa style nya. Randy, ba't di mo ipakita kay Kapre gawa ni CHRIS WARE para naman makarinig tayo ng mura sa kanya na dapat ihambalos ng dos por dos si Chris? Hhhhhhh:)

 
At Friday, March 12, 2010 6:19:00 AM, Anonymous Kapre said...

Piliin ninyo, alin sa dalawa ang gusto ninyo, may PANGALAN na kapos at minsan ay gutom pa o may PERA na maginhawa. Sa US mas importante ang meron PERA dahil maraming naging BUMS dito na may mga PANGALAN na walang mga pera ng tumanda na sila.

Ipalagay natin na maraming HUMAHANGA sa gawa ng isang komiks illustrator, pero ang kinikita niya bilang isang komiks illustrator ay hindi niya kayang papag-aralin ng mga ordinaryong karera na kahit kagaya ng ELEMENTARY TEACHER sa college dito sa US ang anak niya. Kaya pag 18 anyos na ang mga anak nila dito sa US ay ang iba ay pinalalayas na nila ito. Sa isang parte, kayang-kaya papag-aralin ng isang magaling na STORYBOARD ARTIST o FILM ILLUSTRATOR ang anak niya na maging ABUGADO o DOCTOR na ang gastos sa boarding, pagkain, mga libro, tuition at iba pa ay humigit-kumulang sa $70,000 sa isang taon.

Pansinin ang maraming mga matatandang dibuhista sa atin, may mga PANGALAN nga pero walang mga PERA. Tinamaan lang nuong nakaraan BAHA, ang iba sa kanila ay dapat tulungan na.

At pansinin rin ang libo-libong lumalabas sa Pilipinas na mga pilipino para magpa-ATSAY/ATSOY para kumita lang ng kapirangot na DOLYARES para guminhawa ang kanilang mga pamilya. Kayong mga kabataang artists na may panahon pa ay meron rin pagkakataon na kumita ng LIBO-LIBONG DOLYARES, samantalahin ninyo na matuto ng CINEMATIC KOMIKS patungo sa CINEMATIC FILMS dahil magandang preparasyon ito ngayon sa inyong pagtanda at matulungan rin ninyo inyong mga anak.

Iyong ibang nagtatanong, ang mga sagot sa mga tanong ninyo tungkol sa CINEMATIC KOMIKS ay sa blog ko. Kung hindi maka-intendi ng mga sinasabi ko duon ay hatawin ang mga tuktok ninyo ng DOS-POR-DOS para maka-intendi.

 
At Friday, March 12, 2010 6:57:00 AM, Anonymous Kapre said...

Bilib pala ako dito kay ANONYMOUS, ginamit pa ang pangalan ng boksingerong si Joshua Clottey para masabi na hindi siya anonymous, pati sarili ay niluluko niya.

Ito palang si anonymous ay pinagbibira rin sina Auggie, KC, JM at Wordsmith na patago sa blog ni JM. Mahilig itong si anonymous na gumamit ng salitang EK-EK. Alam na ninyo kung sino ito. I-google ninyo at malalaman ninyo kung sino itong si anonymous.

 
At Friday, March 12, 2010 8:43:00 AM, Anonymous Anonymous said...

"Ang range ng AVERAGE INCOME ng storyboard artist o film illustrator sa isang taon ay mula $100,000 hanggan mahigit pa sa $1,000,000. Kaya ang mga komiks illustrators dito sa US ay gustong pumasok lahat sa pelekula, pero hindi makapasok dahil karamihan sa kanila ay WALANG CINEMATIC BACKGROUNDS."

Napaka-oversimplified naman ng impormasyong yan Gng. Kapre. Siguro naman may mga qualifications iyan bago kumita ng ganyang kalaking pera. Ano ba ang official basis ng datum nyo? Saan nyo nakuha yan? Sarili nyo lang bang estimate yan? Ilan bang "AVERAGE" na storyboard artist ang nakausap nyo tungkol dyan? Lakas naman ng panindigan nyo sa datum nyo.

Ano ba ang ibig sabihin ng "average"? Nakailang taon ba sa trabaho ang storyboard artist para maging "average"?

Pano kung nagsisimula ka lang, ganyan na kaagad ang kita mo?

Unfair naman sa mga komikerong madaling mauto at masilaw sa ganyang mga oversimplified at nakasisilaw na statement tungkol sa pera. Maging specific at detailed naman po kayo. Sinasamantala kasi ang gullibility ng maraming komikerong nakapagbasa ng naipost nyo tulad nina Meng at MVicente.

 
At Friday, March 12, 2010 8:58:00 AM, Anonymous Contemplacion, F. said...

Kapre,

Imbes na maliitin nyo ang sining ng mga komikero, at para lalong ma-promote ang inyong "cinematic comics" o "motion comics" sa DVD (na ginagawa na ngayon ng Marvel at DC) bakit hindi kayo magtayo ng sarili nyong PHILIPPINE STORYBOARD MUSEUM para makita natin ang gawa ng mga unknown, talented at overpaid Pilipino storyboard artist?

Milyon-milyon ang nag-aabang dyan. Gusto nilang makita ang mga nag-gagandahang storyboard artworks na initsa-pwera ng maraming director at actor pagdating ng araw ng actual shooting. Ano tingin nyo sa idea na ito? Pwedeng kayo ang MUSEUM CURATOR nito. Hmmm?

 
At Friday, March 12, 2010 3:23:00 PM, Anonymous Kapre said...

Batay iyong mga suweldo sa SCREEN CARTOONISTS UNION dito sa US nuong nakaraan tatlong taon. Hindi ko alam ang bagong mga suweldo ngayon dahil wala pang bagong contract. Dapat alam ninyo ito dahil may animation sa Pilipinas at may mga animators na kilala kayo.

O baka binarat na naman ng mga studio diyan ang mga animators na kagaya ng isang artist nuon na binarat rin ang mga matatandang dibuhista nuon.

Ang clean-up storybooard artist ayon sa pay scale ng Screen Cartoonist Union ay $1200/week kaya ang kita niya ay $62,000 sa isang taon.

Ang journeyman ay $2000/week hanggan $3000/week, depende sa galing ng artist. Kaya sa isang taon ang kita nito ay $104,000 hanggan $156,000. Higit pa ang kita kung freelance dahil ang bayad ay $1000/page, more or less, ng screeplay, kayang-kaya tapusin ang storyboards ng dalawang script pages sa isang araw.

Mas higit lalong mataas ang kinikita ng mga storyboard artists sa live-action.

Alam na siguro ninyo kung bakit iyong matatandang dibuhista sa Pilipinas ay umalis sa komiks duon sa atin ng bigyan sila ng break sa komiks sa US. Nalaman nila na mas mataas ang pasahod sa animation kaya lumipat halos silang lahat sa animation. Nakasama ko nuon sa animation sina Redondo, Alcala, Alex, Nebres, Cruz, Tanghal, etc. Hindi sila natuto sa storyboard kaya nawalan sila ng trabaho sa animation.

Hindi ko pala minamaliit ang komiks, INAANGGAT ko ang komiks para maging CINEMATIC KOMIKS ito, mula pa nuong 1971 ay sinimulan ko na ito sa nobelang BLANCA-FLOR, ginamit ko rin ang cinematography sa komiks ng newspaper syndicated Spider-man mula nuong 1982 hanggan 1992.

Hindi kayo matuto mag-storyboard kung dadaanin lang ninyo sa tingin ito. Mag-aral kayo ng CINEMATORAPHY sa universidad o CINEMATIC KOMIKS sa blog ko kaysa magsayang kayo ng oras ninyo sa blog na ito ni Randy.

Sawa na ako sa blog na ito ni Randy, punta muna ako sa blog ni JM para mabuhay uli ang blog nito na medyo tepok na yata, hhhhhhh.

 
At Saturday, March 13, 2010 7:35:00 AM, Anonymous The Crab said...

So maliwanag na kaya nyo nasabing "trend" diyan sa mainstream U.S. comics ang "cinematic" look ay dahil sa PERA; laki ng kita ng pagiging storyboard artist pag pinag-praktisan ng comics artist ang pagkakaroon ng "cinematic" look ang comics.

Maliwanag din na kung NON-cinematic o ANTI-cinematic ang approach mo sa paggawa ng printed comics, e, wala kang kikitain na PERA at bum ka lang. Ayun.

Kaya pala kulang sa conceptualization, innovation, exploration, experimentation at originality ang maraming Pinoy komiks artist ngayon. PERA pala ang katapat. GUTOM ang iniiwasan. Iyan pala ang PINOY comics artist ngayon. Dapat mag-aspire para maging U.S. storyboard artist para malaki kita sa PERA. Stepping stone lang ang U.S. mainstream comics. PRAKTIKAL.

Tapos pag-gawa ng mga local "indie" komiks nila ang tataas ng presyo para me "prestige". Ganun.

Sige, salamat Sir Kapre. Talagang eye-opener talaga itong nailahad nyo. Lalo lang tumibay ang paniwala ng marami tungkol sa totoong lagay ng comics creativity at "industry-kuno" ng bansa.

MORE POWER sa inyo.

 
At Saturday, March 13, 2010 10:10:00 AM, Anonymous ROMIWORKS® said...

dami ko natutunan sa inyo :) Peace magkaisa tayo sa iisang mithiin at sa ikaaangat ng ating dangal sa larangang ginagalawan natin :)

 
At Monday, March 15, 2010 3:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ito talaga si ANONYRAT parang napaka -naive. Bakit ka gumagawa ng Komiks ? art for art sake ? hhhhhhhhhhh lumang tugtugin na iyan noy'Ego tripping? lalo na....

Syempre HANAPBUHAY. Ang Comics medium eh APPLIED ARTS, gaya ng INDUSTRIAL DESIGN, ARCHiTECTURE, INTERIOR DESIGN, CINEMA,etc. Kung gusto mo ng PURE ART, mag painting ka na lang o sculpture kaya. Pero kahit nga sa painting ngayon eh mi bahid na rin ng commercialism. Tingnan mo ang National Artist nating si BenCab, hindi pa tuyo ang pintura eh kini-crate na para sa Sotheby's para sa Galleries sa London, Singapore o LA. Ngayon, kung talagang MADATUNG ang parents mo at kayang sustentuhan ang mga kabaliwan mo eh di sumige ka. Wala ka naman sigurong mapeperhuwisyo....

 

Post a Comment

<< Home