Tuesday, December 27, 2005

INTERACTIVE KOMIKS

Nasa computer age na tayo kaya’t iba’t ibang medium na ang isinasabay ng ilang manlilikha dito. Kabilang ang komiks sa tinatayang sa mga susunod na taon ay mag-iiba na ang presentasyon. Malaking debate pa rin hanggang sa kasalukuyan kung ano nga ba ang mas maganda sa medium na ito, ang tradisyunal na papel o ang pagkakalathala nito sa digital version? Anu’t ano pa man ang mangyari sa komiks—mapunta man ito sa pader, sa papel, sa internet, at sa cd—hindi mawawala ang tunay nitong anyo—ang makapagbigay ng kuwento sa pamamagitan ng mga larawan.

Nakakuha ako ng isang kopya ng interactive komiks na ginawa ni Ricardo Tuazon Jr. kung saan ginamitan na ng makabagong graphics software ang komiks na kanyang ginawa. Ang ilang tauhan sa mga panels na ito ay gumagalaw, nag pa-pop-up ang ilang dialogues, at ang kapana-panabik dito ay mayroon nang kasabay na musika at sound effects. Sa kasalukuyan ay ini-eksperimento na rin ito ng Marvel Comics, at katulad ng ginawa ni Tuazon, sa mga susunod na panahon ay ilang Pilipino pa ang gagawa nito.

5 Comments:

At Wednesday, December 28, 2005 12:53:00 PM, Blogger Mmy-Lei said...

akala ko pde ring ma-download ng mga visitors mo!!!

 
At Wednesday, December 28, 2005 6:40:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

i have a friend na kasalukuyang gumagawa ng ganitong komiks, baka ipagbili niya sa market.

 
At Saturday, December 31, 2005 8:12:00 PM, Blogger Mmy-Lei said...

talaga! sana naman maisip nya yun! hihintayin ko yan ha!!!

 
At Sunday, January 01, 2006 12:50:00 PM, Blogger Gerry Alanguilan said...

Matatawag pa kaya itong comics kung ang mga retrato ay gumagalaw at ito ay may kasamang tunog?

Di ba animation na yun, o cartoons? Di na malayo yan dun sa mga Marvel cartoons na ginawa noong araw na parang cut-out lang ng mga drawings ni Jack Kirby na iniiscroll sa screen.

Wala namang problema kung may gagawa ng ganun. Ang cool nga e.

Pero sana wag lang tawaging comics kung ang ginagawa talaga ay animation.

 
At Monday, January 02, 2006 11:20:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

actually parang feeling ko nga e this is a new media (i will make a study of this). ito yung sinasabi ni scott mccloud sa book niyang 'reinveting comics' pero tama ka ger, hindi ito 'komiks' dahil animated na ang ibang scenes. hindi ko rin alam kung animation ito dahil pwede ka ring mag-interact at ikaw ang maglilipat ng mga pages dahil hindi sya tatakbo ng kusa kung hindi ka rin gagawa ng moves. as of now, siguro wala pa siyang malinaw na 'pangalan' dahil both comics and animation ay hindi siya kinikilala.

 

Post a Comment

<< Home