PALAISIPAN BILANG PILIPINO
Nang unang lumabas ang press release ng ginagawa naming pc game na ‘War of the Worlds’ sa GamesMaster Magazine, mas nasabik pa akong mabasa ang reaksyon ng mga mambabasa sa mga susunod na issues ng magazine na ito.
Tama ang aking hinala noon, Pilipino ang unang magbibigay ng komento sa aming development team na ipinagmamalaki kong ‘all Filipino’. Una niyang pinuna ang quality ng graphics na ginagawa namin. Accepted para sa akin ang kanyang sinabi, na masyado daw pixelized ang pagkakagawa ng mga characters namin. Sa isang wala pang karanasan sa 3d application lalo na sa game designing, iyon kaagad ang unang mapupuna sa trabaho namin. Bibigyan ko na lang ng kaunting pahapyaw kung bakit ‘pixelized’ ang mga characters (pati na ng ibang games) sa mga compute games. Unang-una, ang bawat computer games ay may tinatawag na ‘game engine’. Dito tumatakbo ang kabuuan ng game. Dito nakalagay ang lahat ng makikita sa game—environment, characters, artificial intelligence, special effects, cinematics. Sa madaling salita, para itong container na nilalagyan ng kung anu-ano. At sa ayaw man natin at sa gusto, talagang napupuno ito. Kaya may mga games na sobrang bagal kapag pinatakbo sa mababang ‘specs’ na computer.
Ang solusyon dito ng mga game developers ay bawasan ang mga ‘polygons’ (ito ‘yung bawat himaymay at parte ng lahat ng models at environments). Kaya nagiging ‘pixelized’ ang mga characters ay dahil sa paggamit ng ‘low poly’ models. Kaya naman pulido ang mga graphics sa pelikula ay dahil wala naman silang engine na ginagamit—diretso na kaagad sila sa camera. Pero dahil under development pa ang game namin, marami pang puwedeng mangyari para mapaganda ang isang ‘low poly model’ (ngunit technicalities issue na ito, at wala na akong balak ikuwento dito).
Ang talagang punto ng comment nu’ng sumulat sa magazine ay ang mismong theme ng game namin. Pinalalabas niya na hindi katanggap-tanggap sa lipunang Pilipino ang ginagawa namin dahil hindi daw ito nagpapakita ng pagka-Pilipino natin. Ano nga ba naman ang title namin? War of the Worlds—galing sa nobela ni H.G. Wells. Ang setting ay sa New York. Ang mga characters ay sina Sgt. Armstrong, Lt. Yeager, etc. Talagang walang ‘touch’ ng pagiging Pilipino.
Parang nanermon pa ‘yung letter sender, ikinahihiya daw namin ang pagiging Pilipino. Kesyo kolonyal daw ang mentalidad naming lahat. Mabuti pa daw ‘yung game na ‘Anito’, Pinoy na Pinoy ang pagkakagawa. Sa mdaling salita, bad trip siya sa aming lahat dahil puro nga naman kami Pilipino pero wala man lang kahit kaunting pagka-Pilipino sa gawa namin.
Mabuti na lang at naroon ang editor ng GamesMaster at sinagot na rin kaagad niya ang sulat. Ito ang bungad niya du’n sa letter sender: ‘Ever heard of a Pinoy trait called ‘talangka mentality?’
Napapalakpak tuloy ako.
Sinundan pa nu’ng editor. Bakit ‘yung Half Life, mga Amerkano ang gumawa, bakit hindi naman tungkol sa Amerika ang theme? Yung Far Cry, gawa ng mga German, pero hindi naman tungkol sa Germany ang theme. Yung sangkaterbang online games dito sa atin (Ragnarok, MU, Rose Online, etc.) na kinababaliwan ng mga kabataan ay puro gawa ng Koreans pero hindi naman tungkol sa Korea ang theme. Ang mga Hollywood movies na gawa lahat sa Amerika, sa tingin ko kaya panonoorin mo pa kung ang lahat ng theme ay tungkol sa bansang Amerika?
Ang punto ko dito, nag-uusap tayo dito tungkol sa ‘entertainment’ at hindi sa pagiging ‘makabayan’ natin. May malaking kaibahan ang ‘commercial’ sa pagiging ‘nationalist’.
Sa mas malalim na point of view, minsan ang pagkahumaling natin ng sobra sa sinasabing 'identity' ay nagpapahiwalay sa ating role as a human being.
At minsan din, nagkakamali tayo sa sinasabing 'pagmamahal sa bayan'. Ngunit ang totoo, masyado lang tayong nagiging 'regionalista'.
Kaya pagdating sa paggawa ng komiks, asahan ninyo na makakatagpo din tayo ng ganitong sitwasyon.
3 Comments:
sino un upakan natin
sino un upakan natin
tama ka dun kaibigan. sana'y matapos na ang game na yan ant mapakita ang kagalingan natin mag Filipino. di dapat hayaan mgpdala sa mga tapon ng iba..masaya ako malaman na gumagawa na rin tayo nag games. Inumpisahan sa Anito lalo pa sana umunlad kagalingan natin sa baong industriya na ito.
Post a Comment
<< Home