Thursday, February 16, 2006

I'M BACK! (kunyari)

Pasensya na at talagang ang tagal ko nang nawawala dito sa blog world. Ang totoo niyan ay wala pa akong mai-post dito dahil karamihan ng materials ko na balak ko sanang ilagay dito ay naisip ko nang i-print as a book. Sa ilang buwan kong pagri-research ay nakabuo ako ng mga konklusyon na napaka-unique talaga ng komiks ng Pilipino kumpara sa iba. Noong mga unang linggo ko ng pagri-research ay nakatuon ako sa mga American comics theorists tulad nina Scott McCloud at Will Eisner, ngunit habang tumatagal, nalalaman ko na mali ang path na pinupuntahan ko. Nalaman ko na walang kayang magdikta sa komiks ng isang kultura kapag isang side lang ang ating tinitingnan (lalo pa nang maging 'authority' sa sarili nilang pananaw ang mga librong 'Comics and Sequential Art' at 'Understanding Comics'). At tiyak ko rin na pagmumulan ng debate, lalo na ng mga taga-komiks, ang matagal ko nang pinagpipilitan na ang 'sequential storytelling' ay hindi 'ultimate rule' at 'goal' ng komiks. Para sa akin, ang komiks ay 'visual literature' na kailangan pa nating pag-aralan. Kung may maitutulong kayong inputs or ideas, puwede lang kayong mag-post dito.

Ang 'Diosa Hubadera' ay balak ko ring i-print as hard copy, baka xerox lang, at ititinda ko sa susunod na Komikon. Mas gusto kong mabasa ito ng readers sa isang upuan lang para maramdaman nila ang mismong ibig sabihin ng kuwento. Sa tingin ko kasi, mali ang ginagawa kong step kung bihira ko itong inilalagay dito sa blog.

4 Comments:

At Monday, February 20, 2006 7:54:00 PM, Anonymous Anonymous said...

^^

gudlak po sa mga plano nyo.

kung ilalabas na po sa market yung libro , paki-post po dito sa blog nyo yung details kung san avaiable na mabili at kung magkano.

 
At Monday, February 20, 2006 11:22:00 PM, Blogger erni said...

hi randy,
nadalaw muli ako. kung balak mong isaaklat ang diosa hubadera, baka makatulong ako. may kilala akong printer, yung nagpprint ng catalogs namin sa BNSP. baka mabigyan nya tayo ng magandang deal. kung may maitutulong ako... nandito lang ako.. hehehe.
MORE POWER BRO. =)

erni

 
At Tuesday, February 21, 2006 10:58:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

jason-
tingin ko end of the year pa matatapos ito.

erni-
thanks. baka unahin ko i-print ang book ko about komiks, yung diosa, pinag-iisipan ko pa. baka xerox na lang. baka wala kasing bumili. wehehehe

 
At Saturday, March 04, 2006 2:15:00 PM, Blogger Unknown said...

hehehe bigyan mo ko compli ha hehehehe

 

Post a Comment

<< Home