Tuesday, January 24, 2006

PAANO AKO GUMAWA

May nag-post 3 months ago pa, nagtatanong kung maglalagay ako dito ng tutorials kung paano mag-drawing. Pasensya na at hindi ko magagawa ‘yun dahil sangkatutak na ang information ngayon kung paano mag-drawing. Maglibot ka lang sa bookstore, magsasawa ka dahil isang buong sections na ang tungkol sa ganito.

Dito lang sa internet, mag-type ka lang ng ‘how to draw’ sa search engine ay sasakit ang ulo mo sa dami ng puwede mong i-download na lessons.

Naisip ko lang na ibahagi na lang sa inyo kung paano ako personal na gumagawa ng artworks. Of course, hindi rin naman ito ang malimit na pattern na ginagawa ko. Usually, kumporme sa assignment na napupunta sa akin. Nag-aadjust ako kumporme sa oras na bakante, pag medyo matagal-tagal pa ang deadline, medyo nagpupulido ako. Pag naman nagmamadali ay binabawasan ko ang sipag. Aaminin ko, marami akong trabahong madalian dahil pinipilit ko lang umabot sa deadline. Pero this past few months, ang tinatanggap kong assignments ay paisa-isa na lang. Ang totoo nga niyan ay ang tagal-tagal ko nang hindi nakakagawa ng komiks. Takot pa kasi ako ngayon sa deadline, baka mapasubo ako dahil pukpukan pa ang sched ngayon sa day job ko.

Anyway, ito lang ang isa kong ‘tutorial’ na maibibigay sa inyo:


Sinisimulan ko siyempre sa sketch. Masyado akong rough maglapis, lalo pa pag alam ko na ako ang magtitinta ng gawa ko. Hindi ko na pinupulido ang ilang bagay dahil alam ko na rin naman kung saan ko ibabagsak ang rendering ng mga ito. Pero kung alam ko na iba ang mag-I-ink ng gawa ko, pinipilit kong puliduhin at linawan ang mga lines. Dahil mahihirapan ang inker na sundan ito (at baka bugbugin pa niya ako). Blue pencil nga pala ang ginagamit ko dahil may katamaran ako minsan sa pagbubura ng nilapis ko (ang kagandahan kasi ng blue pencil, kahit di mo na burahan, hindi naman kita sa printing).




Sa example kong ito, pure brush ang ginamit ko (Pentel brush—nabibili ito sa mga bookstore). Mas sanay kasi akong gumamit ng brush sa totoo lang kesa sa pen dahil mahigpit noon ang teacher ko (si Hal Santiago), hangga’t maari ay ayaw niya kaming pagamitin ng pen. Kung mapapansin niyo, ang dami kong render sa ink na wala naman sa lapis ko. Sabi ko nga, pag alam ko na ako naman ang magtitinta ng gawa ko, hindi ko na pinupulido ang lapis.



Pagkatapos kong tintahan ay nilagyan ko ito ng wash—combination ng traditional wash at computer. Sa traditional, yun ding ink na ginamit ko sa pagtitinta ang gamit ko dito. Kumukuha lang ako ng kaunting patak tapos inilalagay ko sa isang baso, pagkatapos ay lalakgyan ko ng maraming tubig para maging mapusyaw ang pagkaitim niya. Iyon na mismo ang ginagamit ko sa pag-wash. Syempre, kapag nag-wash ka, kailangan ay meron kang knowledge sa shades and shadows para alam mo kung saan mo ipapatak ang grayscale sa drawing mo.


At ikaapat, dahil kukulayan ko ang drawing na ito, mas pinili kong gawin na lang ito sa computer para mas mabilis (dahil wala na rin naman akong pangkulay talaga—watercolor, poster color). Photoshop ang ginagamit ko. Kasisimula ko pa lang kaninang umaga ng pagkulay nito, tingin ko ay aabutin pa ako ng isang linggo dito. Pero at least, may idea kayo kung paano ang stages ng paggawa ko ng artwork.

Sana ay makatulong ito kahit paano. Ang maibibigay ko lang na payo ay napakasimple, magpraktis ng magpraktis. Mag-ipon din kayo ng mga references. Ang dami-daming magagaling na artist, bahala na kayong pumili kung anong style ang gusto nyo. Gawin niyo silang guide para hindi agad kayo maligaw. Concentration at disiplina, iyon ang magandang simula.

10 Comments:

At Tuesday, January 24, 2006 1:48:00 PM, Blogger Unknown said...

parang ang dali ahhh pero mahirap pa rin sana matuto rin ako niyan hehe. Musta? pasensya na ngayon lang uli napadalaw

 
At Tuesday, January 24, 2006 11:25:00 PM, Blogger Dennis Villegas said...

Malinaw ang iyong pagtuturo Randy, marami akong natutunan. Siguro dapat regular mong gawin itong tutorial dahil sa palagay ko mas madaling maintindihan yung lesson mo kaysa dun sa ibang aklat sa bookstore. Salamat!

 
At Wednesday, January 25, 2006 6:07:00 AM, Blogger Wyn said...

This is good stuff Randy. I hope you post more tutorials soon.

I remember before we flew to Australia way back, I bought a whole heap of Pentel brush pens from National Bookstore just to be sure I have enough supply and in case I won't find one here.

 
At Wednesday, January 25, 2006 11:48:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks, thanks...more tutorials soon...:)

 
At Wednesday, January 25, 2006 1:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

wow! this is all so amazing, i did not know alot of this.

 
At Wednesday, January 25, 2006 1:17:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

thanks anonym...

 
At Wednesday, January 25, 2006 1:40:00 PM, Blogger erni said...

hi randy. sensha na ngayon lang me nakadalaw. ang galeeeng. lookin' forward to meeting you... magkape tayo one of these days.
God bless.

 
At Wednesday, January 25, 2006 6:30:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

hmmm! gonut donuts tayo...

 
At Monday, February 06, 2006 6:30:00 PM, Blogger Rei Kyo said...

Ganda ng version ng Darna!

 
At Wednesday, February 08, 2006 4:03:00 PM, Blogger Ner P said...

randy, galing ng pag ka render mo ah. bilibs talaga ako sa yo.

 

Post a Comment

<< Home