A TALK WITH ALEX NIÑO & HANS BACHER
Biglang nag-text sa akin ang kaibigan kong taga-animation: "Randy, pupunta ka ba sa Friday sa Laurel House?"
"Anong meron?" reply ko.
"Magsasalita si Alex Niño kasama si Hans Bacher."
"Ha?! Andito siya?"
Kahit hindi na ako magkaugaga sa trabaho ay pinilit kong magkaroon ng rest day para lang makapunta. Friday ng 3pm, ako ang unang nakarating sa event. Nakausap ko ng kaunti si Mang Alex sabay pa-sign ng autograph ng 'Dead Ahead' comics at iba pang libro niya tungkol sa concept art.
Hindi masyadong na-promote ang event na ito kaya kaunting mga tagakomiks lang ang nakakaalam nito. Karamihan kasi ng nasabihan ay mga taga-animation, at tungkol naman talaga sa animation ang dahilan kung bakit naganap ang event na ito.








May natanggap akong impormasyon galing kay Tagailog na magkakaroon ng Komikon ngayon Mayo sa UP Bahay ng Alumni, hindi ko pa alam ang ibang detalye dito pero ang nag-organize nito ay Artists Den ulit. Iba pa ang regular na Phil. Komikon sa November.
6 Comments:
Waaaa, bakit di namin nabalitaan ito
huhuhu
Onga e, pero andun si Harvey Tolibao. Sya lang nakita kong taga GHG. Karamihan taga-animation na.
ngyak, di man lang nagsabi
Randy,
Saan ba umuuwi si Alex? sa San Sebastian Subdivision pa rin ba sa Tarlac ? pero ayon doon sa interview niya sa Tate, natabunan daw ang bahay niya ng 20 feet of Lahar, kaya saan ba siya nagpabahay ulit ? sa Maynila, saan siya tumutuloy ? siguro alam din ito ni Mang ess Jodloman, protege niya si Alex noong araw....
Auggie
late ko rin nalaman to, and pinost ko kaagad sa alamat mailing list pero late na rin yun
sayang... sana may kasunod pa.
Post a Comment
<< Home