Monday, December 29, 2008

ABUSO SA KAPANGYARIHAN

Isa sa dahilan kung bakit marami ang walang tiwala sa ating mga pulitiko ay ang pagiging abusado nila sa kapangyarihan.

Kukulo ang dugo mo kapag nakakabasa ka ng ganito:

The World Has Gone Crazy

Nai-cover na rin itong dalawang malalaking tv network:

GMA News
ABS CBN News

Naisip ko, siguro sa lugar nila ay puro sila siga at sanay makipagpatayan. Ang mahirap dito ay dadalhin pa nila ang ganitong sistema sa Antipolo.

Tsk...tsk...2009 na pero marami pa ring hindi sibilisado. Marami pa ring nabubuhay bilang barbaro.

5 Comments:

At Monday, December 29, 2008 9:28:00 PM, Anonymous Anonymous said...

magandang ehemplo ito na malaman natin na ang mga pinoy pala ay pwedeng magtulungtulong na damayan mula sa mga taong mapang api. tapos na ang marcos era.

huwag nyo na iboto ang mga ganitong klaseng tao.pero bakit nga ba nailuklok pa sila?

 
At Tuesday, December 30, 2008 5:51:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

"tapos na ang marcos era"

Matagal na, di bah? Pero may nabago ba? Ilang taon nang nakita natin ang aral ng madidilim na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas, pero may nabago ba?

Wala.

Ang dapat nang baguhin ay ang atittude ng bawa't mamamayan. Alisin sa mentalidad natin na KARANGALAN pang ituturing kung MALAKAS sila sa nakaupo sa puwesto, o sila'y mga pulitiko at NANGINGINIG ang mga mamamayan dahil sa taglay na kapangyarihan ng mga ito.

Para mabago ang lahat ng kabulukan sa bansang Pilipinas ay dapat mumang alisin ang mga bagay na nakaakibat sa mga kabulukan nito.

1. Wasakin ang PALAKASAN attitude
2. Wasakin ang sobrang pagka AWESTRUCK sa mga nasa position ng gobiyerno. Ano ba ang kaibhan nila sa mga ordinaryong mamamayan? Bawasan natin ang pagbibigay ng IMPORTANSIYA sa mga pulutiko na karamihan naman ay mga CORRUPT.

3. Bakit napakarami pa ring mga mamamayan na haling-na-haling sa paghanga sa mga taong YUMAMAN dahil nagnakaw sa gobiyerno? Lagi kong naririnig ito sa mga umpukan ng mga pinoy. Parang inilalagay pa nila sa PEDESTAL ang mga taong: 'Hoy, malakas iyan!" "Naku, ang yaman niyan dahil sa pagiging pulitiko."

At kung anu-ano pang mga kabalbalan na tunay namang tulirong pag-iisip ang ipinaiiral.

4. Laging isaisip ang mga KAAPIHANG sinapit ng mga biktima, tulad ng 2 foreign teenagers na pinaslang ni TEEHANKEE in cold blood at walang kadahi-dahilan.

4. Huwag limutin ang BABAING BUNTIS na walang pakundangang BINARIL ng isang TUTA lang ng politiko - na dahil lang sa PARKING SPACE SA SEMENTERYO ay walang habas na kinitlan ng buhay ang isang ina!

Ngayon ay harapin ninyo ang mga nakaupo sa puwesto sa pagbibigay ng kalayaan kay TEEHANKEE na dapat ay hindi na LUMAYA kaylan man.

Itong BUGBUGANG ganito ay hindi pa ito ang huli. Rest assured na may mga mangyayari pa.

Mga mamamayan lamang ang dapat na maging WATCHDOG sa mga taong ganito na mga pusakal at maiitim ang budhi.

 
At Wednesday, December 31, 2008 8:14:00 AM, Anonymous ROMIWORKS┬« said...

Ginalit na naman ninyo si TheCoolCanadian uminit tuloy ang ulo naging TheHotCanadian hehe kaya itong mga pesteng pulitiko na ito ang akala talaga nila may nagagawa sila sa panunungkulan nila at meron nga ang pagiging abusado at pagiging magnanakaw naku pati ba naman sa pinakamataas na posisyon dito sa pilipinas na binansagang reynang tungaw na may nunal e aktibo sa pagnanakaw hangga't nakaupo at gusto umupo pa ulit para tuloy-tuloy nga naman ang pambubulsa sa totoo lang magmula kay tabako di na ako nagnais pang bumoto dahil wala namang kaamor amor itong mga gagong pulitiko nagsisipag-away pa e pare-pareho lang naman nangangarap na makapambulsa rin - kawawang pilipinas matagal ng pinagloloko ng mga animal na pulitikong ito - RAMDAM ANG KRISIS!!!

 
At Wednesday, December 31, 2008 12:37:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Romiworks®

Ikaw nga ba ito? Ang one and only na poging Romiworks? :)

Ang tagal mong nawala, my man. Nang mabasa ko ang pangalan mo, hindi lang ako naging cool, naging COLD pa. He-he.

Nandiriyan ka pa rin ba sa China?
Kung hindi naman, eh, nasaan ka na ngayon? Matagal kang nawala, ah.

 
At Wednesday, December 31, 2008 7:53:00 PM, Anonymous ROMIWORKS┬« said...

Musta sir TheCoolCanadian dito ako ngayon sa Pinas nagbakasyon muna baka next year na ulit ang plano ko sa China namiss ko ang Pinas baka isingit ko itong komiks isa sa mga gawain ko nagkita kami ni pareng randy sa komikon ang saya at iba pang mga active sa komiks. :)

 

Post a Comment

<< Home