Tuesday, December 02, 2008

DIGITAL PAINTING

Hindi ako fan ng mga makikinis na painting. Mas gusto ko iyong kita ang brush strokes, lalo na kapag oil ang gamit. Sinubukan kong gamitin ang Corel Painter pero nainis lang ako dahil nahirapan akong mag-adjust dahil matagal ko nang gamit ang Adobe Photoshop at kabisado ko na ang mga shortcuts.

Ang mukha sa itaas ay first coating ng digital painting na pinagpa-praktisan ko sa Photoshop. Medyo nahirapan akong palitawin ito na realistic, siguro kung ang reference ko ay totoong litrato baka makuha ko. Ang pinagkopyahan ko ay itong cover na gawa ni Francisco Coching. Gustong-gusto ko ang cover na ito, maganda ang pagkaka-compose, minimal pero may design. Sigurado ako na si Norman Rockwell ang naging impluwensya ni Coching dito.


Coching cover taken from Gerry Alanguilan's Philippine Komiks Museum.

2 Comments:

At Wednesday, December 03, 2008 3:08:00 PM, Blogger kc cordero said...

"Hindi ako fan ng mga makikinis na painting."

E, kung makikinis na dalaga?!

 
At Wednesday, December 03, 2008 3:12:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Pwede :D

 

Post a Comment

<< Home