ZEN
Tuwing hapon ay nakukuha ko pang mag-jogging pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Kasama ito sa pagri-relax ko. Madalas kong nadadaanan ang building na ito na may pangalang ZEN Mansion. Inisip ko, baka ang may-ari nito ay Japanese o kaya ZEN Buddhist.
Noong mid-90s ay may nakilala akong practitioner ng ZEN Buddhism. Dahil sa curiosity ko kung paano sila nagsasagawa ng meditation, nagtanong ako kung pwede akong umattend sa kanilang gathering. Pinagbigyan naman niya ako. Ang kanilang center ay sa Paco, Manila. Pagdating ko doon ay dalawang estudyante lang ang nadatnan ko.
Tinuruan ako ng breathing exercise, ngunit ang pinakamahirap ay ang mismong meditation. Think of nothing. Kapag may pumapasok na thoughts sa isip, palampasin lang ito. Kapag naisip mo naman na hindi ka dapat nag-iisip, mali rin ito dahil nag-iisip ka pa rin. Ang hirap-hirap ng proseso ng self-enlightenment.
Kunsabagay, lahat naman ng relihiyon, mahirap ang proseso ng pagpunta sa langit o nirvana. Pero ang twist ng ating pagiging mortal na tao: Gusto nating makarating sa langit pero takot naman tayong mamatay.
After a year na madalas kong madaanan ito ay lumipat ako sa ZEN Mansion, hindi lang dahil gusto ko ang pangalan ng building kundi dahil tahimik din ang buong lugar.
Doon ko nalaman na kaya pala ZEN Mansion ang pangalan ay dahil ZENAIDA ang pangalan ng may-ari nito.
Minsan, may mga bagay na ginagawa kong malalim. Hindi naman pala.
2 Comments:
Ang kagandahan pa, may coffee shop sa ibaba. All you have to do is go down and have a cup, or maybe have breakfast or snack.
Nassan ba itong ZEN MANSION na ito? Very tight kasi ang shot, hindi ko makita ang AMBIENCE. I-Zoom Out mo nga ang eksena para masaya. Magandang setting ba para sa isang murder-mystery? :)
Ito naman ang Sam Kee Building sa Vancouver Chinatown. This is known as THE NARROWEST BUILDING IN THE WORLD.
farm1.static.flickr.com/64/196870128_d0467290...
Ito namang isa ay nasa Gastown sa downtown Vancouver, known as the flat-iron building, para kasing plantsa ang shape. www.foundlocally.com/vancouver/Images/Gastown...
Ginawa itong location sa THE CHANGELING with George C. Scott. The film says it is Seattle, but it was filmed in Vancouver.
JM-
Sa Sta. Mesa ito, Internet shop ang nasa baba. Wala ako kuha ng buo e, sa cellphone ko lang ito kinunan. Tahimik itong area ko, lalakad ka pa ng malayo bago mo marating ang main road. Lahat ng pumapasok dito ay puro sidecar lang.
Post a Comment
<< Home