Friday, November 07, 2008

ANG PAGKU-KOMIKS

Isang interesting na article para sa seryosong papasok sa paggawa ng komiks:

Making The Time

Chris Eliopoulos

"There’s a difference between an amateur and a professional. The amateur works when the mood strikes. The professional works." continue..

Sinagot naman ng isa pang comics creator na si
sa ScriptGraphicsArtPremier Yahoo Group:

"I agree, stop being a comic fan and start being an artist.

Invent projects to work on even when you are not expected to, and don't spend all year on it.
Forget making masterpieces and produce. It is the sophisticated beholder who determines the masterpiece and not you. Quit complaining that you need an inker, letterer, penciler or writer. If you can't complete a finished work of some sort by yourself then you are just a component of something else and not a full artist or writer.

Oh and writers, chill-out with the movie script format stuff, serious comic artists or directors look at that stuff and think to themselves, "I can do that! Why do I need him?" and yes, even in the professional world this happens. A great concept is fine, but can fall flat if you do not have the skills to execute it well.

And lastly, stop worrying about making a lot of work without a chance of being "discovered" , because it almost always happens that opportunity knocks on a Monday and the company, group or institution will want, ( and they seem to always want! ) the stuff you finished just last week, ready to go by Wednesday. You have to constantly produce. "

Sinagot pa ulit ni


"Creating something is not rocket science and finding the time, when we all have the same 24 hours a day, is not that hard. To get what you want you have to know what you're willing to give up. Do you play your PlayStation 3 four hours a day? Not anymore you don't. Make it one hour. Watch 20 hours of TV a week? Not anymore, make it 6. No reason to eliminate the stuff you love to create comics or whatever it is you want to do. Just reduce the time
you spend on it.

I had knucklehead students who, when there was a 20 page paper to do, would play Final Fantasy...even skipping a few days of school to play the game. Guess where they are now? Good luck paying 30 grand in student loans on minimum wage. Less fantasy, more reality. You can do anything you put your mind to, you just gotta sacrifice nonsense in
your life and get to work."

Sinabi na nilang lahat. Natutuwa lang akong basahin.

14 Comments:

At Sunday, November 09, 2008 12:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mawalang galang na po.
Sang ayon naman ako sa mga sinasabi dito. Tanong ko lang po sana kung bakit wala ka Randy na sariling comics na self published (indie)?

Kung talagan gugustuhin pwede namang mag release ng comics every 3 months,every 4 months, every 5 months o kahit every 6 months. Bakit po kayo wala?

Kasi pwede naman pala kayo mag sulat ng story,mag pencil, ink, letter , etc...

Pasensya na po
nag tatanong lang

 
At Sunday, November 09, 2008 1:49:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

O nga no, ba't di ko naisip yan heheh.

Ito ang sagot ko:

Matagal ko nang binabalak na maglabas ng komiks, 90s pa. Kung ako ang maglalabas, ang nasa isip ko ay business side ng komiks (sino ba ang ayaw kumita sa paggawa ng komiks?). Pero hindi ito madali. Kailangan mong i-devote mo ang panahon mo para maging successfull ito, kailangan mong makipag-deal sa kung kani-kaninong ahente, distributors, may mga legality issues pa. Kailangan mong mag-sacrifice ng maraming bagay sa buhay mo, kailangan mong maging businessman.

Hindi ko rin kayang maging independent publisher dahil mahirap din ito. Kailangan mong magtrabaho ng husto, ibuhos mo ang lahat ng panahon at kakayahan mo na hindi ka nababayaran, na kung tutuusin ay ikaw pa ang maglalabas ng pera. At hindi mo rin naman alam kung makakabawi ka dahil limited din naman ang distribution mo--sa conventions at comics shops sa mall lang.

For practicality reason, 'yan ang sagot ko. Sinong independent publisher ngayon ang nabubuhay DAHIL LANG SA INILALABAS NILANG KOMIKS? Yung honest na sagot.

Hindi pa ako handang sumugal at kailangan ko pa ng mga projects na mababayaran ako sa pagod ko. Umuupa ako ng bahay, marami akong binabayaran (at may pinapaaral akong pamangkin).

Hindi ibig sabihin na wala akong regular na komiks na lumalabas ay hindi ko pinapahalagahan ang industry. Nagku-contribute pa rin naman ako sa mga kaibigan dito lalo na pag may time. Ang dami kong nakilalang indie players noon pang 90s, pero karamihan sa kanila ay wala na ngayon, nasa ibang field na. Pero andito pa rin ako for almost 20 years. Still alive and kicking heheh!!!

Ito lang pagsusulat ko sa blog ng mga articles at pagbibigay ng mga views ko sa komiks ay isa nang palatandaan na karugtong na ng buhay ko ang komiks. Ina-update ko ito 3 times a week, minsan mas marami pa. Palatandaan na kahit pagod ako sa maghapong paggawa sa mga projects ko, naiisip ko pa rin na mag-share ng nalalaman ko sa mga readers dito pagdating ng gabi bago ako matulog. Hindi ito independent komiks, ito ay ang mga experiences at nalalaman ko na ibinibigay ko sa inyo ng libre.

Drama 'no :D
makapag-artista na nga lang hahaha

 
At Sunday, November 09, 2008 3:29:00 PM, Blogger pamatayhomesick said...

pang- telenovela ang dating..ha ha ha.

@anonymous,
bisita ka sa pamatay homesick meron add na istorya tungkol kay randy valiente.

 
At Monday, November 10, 2008 1:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

mawalang galang po uli.

Ika nga ni Carlo Vergara.

Kung gusto talaga maraming paraan.
Kung ayaw talaga maraming dahilan.

 
At Monday, November 10, 2008 1:55:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Korek!

At sino naman kasi may sabi sa 'yo na gusto ko?

Kuntento pa ako sa ngayon na maging contributor ng mga publications dito ng mga editors na kilala ko. Bili ka ng susunod na issue ng Funny Komiks, may labas ako :D

 
At Monday, November 10, 2008 4:06:00 PM, Anonymous Anonymous said...

oo nga naman, anonymus. hindi ibig sabihin wala kang self-publish na komiks ay hindi ka na legitimate komikero. mababaw na argument yan. may kanya-kanya tayong contributions sa industry, iba-iba nga lang :)

peace.

 
At Monday, November 10, 2008 4:22:00 PM, Blogger humawinghangin said...

i think ang katutumbukan na naman ng point nung unang anonymous e, OBLIGASYON ni randy v, at nang ibang may alam sa komiks na ibangon ang industriya ng komiks. haay naku.

hirap maging "guru" boss randy no? laging naipapako sa krus. :D JK

jim

 
At Monday, November 10, 2008 4:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

anonymous.. wala naman akong sinabing hindi legitimate na komikero si Randy ah. Hanga nga ako sa contribution nya eh. paki basa na lang nang mabuti ang mga sinabi ko.

ang tanong ko lang po ay bakit hindi sya nag pupublish. Nakakalungkot nga lang talaga ang dahilan. :-(

Nakakalungkot at nag fall sya sa pangalawang sentence si Carlo Vergara :-(

 
At Monday, November 10, 2008 6:16:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Jim/Humawinghangin

Hindi naman, Ayoko naman gawing OBLIGASYON yun ni Randy. Okey lang naman sa akin yun. Desisyon kasi nya iyon and I respect him for that.

Kung dyaan ka masaya edi supurtahan taka.. :D

 
At Monday, November 10, 2008 6:30:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Maghunos-dili kayong dalawang anonymous hahah. Wag niyo ko pag-awayan, isa lang ang puso ko :D

Anonymous 1--alam ko ang gusto mong puntuhin. Pero sabi ko nga, wala pa yan sa priority ko ngayon, kasi kung gugustuhin ko naman, gagawin ko talaga, hindi na ako kailangan pang pilitin at pangaralan. siyempre may mga plano na long term at short term, may mga decisions na pinaghahandaan. Ang pagsi-self publish ay isang obligasyon sa ayaw mo man at sa gusto dahil nakataya ang panahon at pera mo.

Kung sakali bang maging regular artist ako sa Marvel or DC, o kaya ay makapasok sa malalaking animation studios abroad, puwede mo ba akong sabihan na "gumawa ka ng komiks dito'? Malalaman mo ang sagot sa sarili mo kapag dumating ka sa point na maraming magagandang opportunities at offers na dumarating sa yo at hindi mo na alam kung paano mo pa isisingit na gumawa ng sariling komiks na isi-self publish mo pa.

Someday, kapag nangunguyakoy na lang siguro ako sa isang upuan, darating din ako sa puntong yan ng pagsi-self publish:)

 
At Tuesday, November 11, 2008 7:24:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Bakit na lang Marvel, DC? Meron namang Dark Horse at Image di ba? Ba't di dun?

Syanga pala, pwede po ba kayo magkwento tungkol sa pag-submit nyo sa Funny Komiks? Sino nakausap nyo? Ano mukha ng office? Ano editorial policy nila? Pwede bang magsubmit sa kanila ng bagong cartoon features? Magkano binayad? Pag tanggap nila submission mo, kanila ba copyright sa gawa? Sino ba may-ari ng Infinito Publishing?

Salamat.

 
At Tuesday, November 11, 2008 10:18:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Si Aloy ang editor ngayon ng Funny, siya rin ang editor ko noon sa West Publication. Yung kaibigan kong artist ang nakipag-coordinate, inalok din kasi ako na magsulat ng short story.

 
At Tuesday, November 11, 2008 3:57:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Indie? Hindi na nga nag-aahit yan ng balbas at bigote nya, mag-indie pa? hahahaha.

wala ng panahon ang kumag na yan sa sarili sa dami ng trabaho nya. kaya napaka-imposible ang indie sa panahong mas importante ang andalu.

Sori pero 2 times na kameng nag-indie ni randy. ung ikalawa hindi natapos, dahil namulubi kame pareho. Ang titulo: "SA PILING NI ALLONA". Pampainit hehehe.

Tol, naalala ko nang gumawa tayo ng unang attempt naten ng indie. kasama sila arman campos at mike sacay. May mga materyales tayo para sa isang isyu, kaso walang pondo at naging busy ang lahat. sayang iyong mga kwento at drawing naten.

baka gusto nyang makita. i-post kaya naten?

 
At Wednesday, November 12, 2008 3:15:00 PM, Anonymous Anonymous said...

maraming pera kailangan para maging publisher...yun ang totoo..

 

Post a Comment

<< Home