STYLE VS. FLEXIBILITY
"Over the last couple of years having a style has become less important. Being effective, versatile and creative have become the main trends in the design business."
Nando Costa
Brazilian Graphic Designer/ Illustrator
Magandang palaisipan itong sinabi ni Nando Costa kung ikaw ay nasa advertising o kaya ay nasa conceptual art fields. Aplikable kaya ito sa komiks?
Kung ikaw ay seryosong illustrator sa komiks, ano ang mainam na gawin, ang maging flexible o mag-stick sa sariling style?
Palaisipan...
6 Comments:
Randy,
Kung Graphic Designer ka o commercial illustrator, o interior designer kaya mas appropriate ang FLEXIBILITY, pero kung Komiks artist/cartoonist/animator, mas preferable siguro yung mi sarili kang STYLE. Kasi yung sytle na iyun ang magsisilbing CALLING CARD mo.
Pero mi mga komiks artists na flexible, si yumaong Ading Gonzalez for example, naiiba niya ang mga style, depende sa script. Si Zuniga rin to a certain extent kaya maging flexible.
Auggie
Sa panahon ngayon, hindi lang naman komiks ang ginagawa ng mga artist. may book illustration, animation, cartoons, storyboards, ads, etc... kung ano ang dumating na trabaho.
so, mas advantage ang pagiging flexible.
Kahit sa comics, kailangan flexible ka. Halimbawa na lamang sina Danny Bulanadi at Romeo Tanghal. Hanggang dekada 90 nakakakuha pa rin sila ng inking jobs, kasi binabagay nila ang style nila ng inking sa kung ano ang uso sa panahon na kasalukuyan. Mas evident ito kay Bulanadi, nang tintahan niya si Paul Ryan sa Fantastic Four. Uso noon yung parang Jim Lee/ Scott Williams style, kaya't iyun ang ginawa niya. Malayo sa panahon noong 80s na tinintahan niya sa Micronauts si Gil Kane, kung saan kita mo ang characteristic na brushstroke ng mga Pinoy illustrators noon.
Sa tingin ko, mas kailangang flexible ka kapag nagtatrabaho para sa malalaking comics companies (tulad ng Marvel at DC), dahil madalas may sinusundan silang style na uso. Tulad sa Marvel ngayon, uso ang photo-realistic. Kung titingnan ang gawa ngayon ni Salvador Larocca sa Iron Man, malayo sa style niya noong late 90s na medyo cartoonish at manga-influenced.
Tulad ng style mo, Randy. Bagama't maganda at kakaiba, sa tingin ko ay hindi papatusin ng Marvel at DC. Masyadong experimental, unless na lang na sa Vertigo imprint ka siguro sumubok.
Tama ka diyan, Reno. Tingin ko kasi nasa hilig din, hindi ko talaga napi-feel na mag-drawing ng superhero kaya siguro yung mga influences ko wala sa linya ng mga superhero artists. Pero bukas ako sa possibilities na mabigyan ng ganung project, yun nga lang, hindi pa rin ako makagawa ng samples hanggang ngayon hehehe.
marami akong katrabaho dito na galing sa komiks,..para sakin mas aplikable kung galing ka sa komiks tapos mapupunta ka sa advertising,advantage ito.(opinyun ko lang to ha.)
talagang mahusay si tor pagdating sa story telling, mahusay kumasa isang pantas
Post a Comment
<< Home