THAILAND ADVENTURE
Pagbaba pa lang ng airport sa Bangkok ay na-weirduhan na ako sa sitwasyon. Makikita mo kasi ang mga Thai people na kamukha mo pero iba ang salita, tapos hirap silang mag-English, kung meron man ay hindi kayo magkakaintindihan dahil sa tono ng salita nila. Pakiramdam ko ay nasa ibang dimension ako.
Unang napansin ko ay ang mga kalsada nila, maluluwag at sistematiko, although meron daw trapik pero hindi ko naranasan. Ikalawa ay ang pagiging honest ng mga tao, nakailang beses akong sumakay ng taksi at, kung ang metro ko ay pumatak ng 43 Baht (pera nila), at nagbigay ako ng 45, talagang isusukli nila ang 2.
At ang higit sa lahat na natutunan ko ay ang kultura na buhay na buhay pa rin sa kanila. Sa panahon ngayon ng internet at cable, karamihan ng bansa sa buong mundo ay nagiging 'Westernize', ang Thailand ay nananatili sa kulturang kinagisnan kahit pa nga pinapasukan pa sila ng mga MTV, McDonald's, at Hollywood films. Naisip ko, sa Pilipinas, kapag pinasukan na tayo ng ibang kultura (lalo na Western), wala tayong pakialam kahit mabura pa ang sariling atin sa ating buhay. Ang Thailand ang isang magandang halimbawa ng modernisasyon tungo sa papaunlad na bansa na hindi nagsa-suffer ang sariling identity.
Mas magandang ang mga larawan ko ang magsalita kung ano ang naging karanasan ko:
Sa airport pa lang ay sasalubong na sa iyo ang 'demon gate-guardian', isang karakter sa kanilang relihiyon at kultura.
Isa sa pinakamadaling daan sa pag=travel around the city ay sa pamamagitan ng BTS (ang katumbas sa atin ay MRT).
Mayroon din silang mga tinda sa kalye--barbecue, fishball, ice drop at itlog ng pugo (na pinirito).
Mayroon silang lugar na tinatawag sa Chatuchak, weekend market ito kung saan parang halos isang buong baryo ang tindahan ng kung anu-ano--mula damit, ulam, libro, appliances, at kung anu-ano pa ang mabibili sa napakamurang halaga. At puwede pang makipagtawaran sa mga tindera. Mayroon din silang tinatawag na Night Market kung saan hanggang magdamagan din ang tindahan. Mayroon ding lugar na tinatawag na Si Lom, kung nagkalat rin ang mga paninda, mga night clubs area ng mga gays--sinasabing sikat daw ito sa gay community sa buong mundo, at night clubs na nakabukas ang mga pinto at kitang-kita mo ang sangkatutak na mga dancers na naka-bikini. May mga manghihila sa iyo para panoorin ang 'pussy pingpong', hindi ko alam kung ano ito, pero ang sabi ay pingpong ball daw ito na ipapasok sa 'kuwan' ng babae.
May mga restaurant na ang unang ihahain sa iyo ay mga dahon-dahon na hilaw. Hindi ko alam kung para saan ito, nalaman ko na pinapapak pala ito habang kumakain ka o kaya ay bago i-serve ang inoorder mo. Sa napasukan kong resto, ang palabas sa tv ay Muay Thai (Thai Kickboxing), sobra ang suporta nila sa martial arts nilang ito, maraming mahilig sa kanila. Nagtataka ako, bakit iyong Arnis natin dito sa Pilipinas, kakaunti ang nagkakainteres.
May election ng pagka-Governor sa Bangkok, isa lamang ito sa mga kandidating nakita ko sa kalye. Right-hand drive nga pala ang mga sasakyan sa kanila. Kaya noong una ay nalilito ako kung paano ako tatawid sa kalsada dahil nakakapanibago na other side ang titingnan mo.
Ang Grand Palace ang isa sa pinaka-sacred place ng Buddhism. Dito matatagpuan ang Emerald Buddha, Reclining Buddha (sa sobrang laki ay nai-imagine ko na kasinlaki ito ni Voltes V kapag nakatayo), at kamangha-manghang architecture ng Thailand temples. Sobrang detalye ng mga bawat sulok ng mga building, hindi ko ma-imagine kung ilang taon tinapos ang mala-pantasyang lugar na ito sa laki at lawak ng lupang sinakop.
Bawal pumasok ang naka-shorts at sleeveless, pero may pinapahiram naman silang pantalon at sarong kung sakali mang may visitors na hindi alam ang patakarang ito. Ang templo ng Emerald Buddha ang pinaka-banal sa lugar na ito dahil bawal kunan ng camera ang alinman sa mga relics at designs dito, dito rin matatagpuan ang mga sangkatutak na gold sa altar.
Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na magpalitrato katabi ang isang Thai monk. Hindi ako religious person pero naniniwala ako na ang artist ay 'spiritual' by nature. Ang pagkakaroon ng 'spirit' ay mahalagang sangkap ng buhay na ito ano mang paniniwala at pilosopiya mayroon ka. Bumili ako ng Buddhist beads bilang souvenir.
Nang makita ko ang backpack na ito ay hindi ko na kaagad pinakawalan. sa presyong 500 baht ay natawaran ko ito ng 400. Hindi ba halatang mahilig ako sa komiks?
Isa sa pinakaimportanteng ginagawa ko sa ibang lugar na pinupuntahan ko ay ang alamin ang kanilang publication. Bumili ako ng sangkatutak na magasin, dyaryo, libro at komiks (kahit hindi ko naiintindihan ang sulat). Gusto kong gawan ng separate na review ito, lalo na sa kanilang komiks.
10 Comments:
next time sama ako ha! he,he
Comment lang dun sa sinabi mong napanatili ng Thailand ang kanilang kultura kahit napasukan na sila ng modern western civilization:
Dumating dito sa Pilipinas kamakailan ang 2 mag-asawang Amerikano na kaibigan ko. Sinamahan ko sila a pamamasyal sa mga Malls sa Manila, Greenhills, Alabang, at Makati.
Alam mo kung anong general comment nila? AT HOME daw sila. Kahit na iba ang mukha ng tao, ang pananamit raw, pananalita, pag-unawa, at mga kagamitan dito sa mga lugar na pinuntahan ay parang ganun daw sa States. U.S. TV shows nila nandito, movies nila, nandito sa Pinas, pagkaing fast food, nandito, fashion sense, nandito, slang language used, nandito, U.S. internet cafe's nandito, PATI RAW COMICS, nang bumisita sila sa COMICS ODYSSEY at nakita yung mga comics na TRESE, Ultracops, etc., nasabi nilang parang U.S. na U.S.
Talaga nga naman.
Pag bagsak ang ekonomiya at mahirap kang bansa, bagsak din pati kultura't individuality mo as a FIlipino.
Di siguro sa Thailand ano? Di naman sila mahirap dyan sa Thailand ano?
Kung kagila-gilalas ang Thailand sa pagkakaroon ng sariling identity, mas lalao akong NAGIMBAL sa MEXICO.
Bakit?
Katabi lamang ito ng US. GATE lamang ng border ang pagitan, pero hindi nagsasalita ng English ang mga Mexican. Hindi sumusunod sa uso ng USA, at pati pagkain ay Mexican pa rin ang makakain mo. Ang mga Pelikula nila ay totoong Mexico, at ang mga komiks ay hindi kopya sa west. At higit sa lahat, walang mga PUTAHAN na dinarayo ng mga turista, tulad ng nagaganap sa Thailand.
What more can I say?
VIVA MEXICO!
Yung pussy pingpong ay maglalaro siila ng pingpong gamit ang kanilang "kuwan."
Meron din daw yung maglalagay ka ng tip na perang papel sa bibig ng bote para sa mga dancers. Kukunin nila ang pera gamit ang kanilang "kuwan." Matindi pa roon, susuklian ka pa nila ng barya na galing din doon.
Dapat ma-feature ito sa Believe It Or Not! :P
Reno:
Long time no read! He-he.
Hindi ba't sa pelikulang Tagalog na ginawa ni Chito Roño, yung PRIVATE SHOW... ay ganito ang ipinakitang hanap-buhay ng babaing protagonist played by the young Jacklyn Jose, pero yung double niya ang gumawa nitong scene.
It so happened that the leading man in that film is my best friend, Joey Sanchez (Gino Antonio in local showbiz), kaya pinanood ko dito sa filmfest in the late 80s. May isa pa yatang scene doon na ROSARYO naman ang "kinakain" at "iniluluwa". Basta. It was so dehumanizing at nakakalungkot isipin.
And I'm glad that Joey has moved to Dumaguete City and got involved in TILAPIA farming. He was my closest friend at ka-sparring sa pag-wo-work-out namin noon sa YMCA diyan sa Arroceros, Manila. Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa pelikulang ito at saka yung love affair nila noon ni PEPSI PALOMA. This film by Chito Roño is tough to watch. I dare you to watch it :)
Randy,
Magaling ang Royalty sa Thailand sa Diplomasya, kaya hindi sila na-conquer kahit kailan. nang pumunta ako diyan noong 1995, masyado ng ahead sa atin ang Thailand sa economiya, altho' pareho noon ang palitan sa US dollars, both 22 Baht and Pesos. Napuntahan ko rin iyang Night market at iyang Jatuchak. Nakapag river cruising din ako diyan sa Chao Prhya river papunta sa ancient capital ng Siam , sa Ayutthaya. Pero ang masakit kong nadinig sa kaibigan kong Thai, ay yung tanong niyang: WHAT HAPPENED TO YOUR COUNTRY AUGGIE ? WE USED TO LOOKED UP TO THE PHILIPPINES IN THE 50s-60s, IN FASHION, CULTURE, SAVOIRE-FAIRE, ARTS, EDUCATION, INNOVATION, SCIENCE, AGRICULTURE.... NOW, THE PHILIPINES , HAS A LOT OF CATCHING UP TO DO....bilib na bilib pa naman sa akin yung grupo ,kasi ang galing kong mag English LOL ! napapiling na lang ako, hindi ko masagot....
Auggie
marami rin palang pagkakatulad ang pinoy dyan,pagkain at pasyalan panggabi...kultura nga lang ang pinagkaiba..
Hi JM...
Sayang at hindi nape-preserve ang mga pelikulang iyan dito. Ang hirap hanapin. Yung isang napanood ko na banned dito kaya't pirated na kopya lang ang napanood ko ay yung TORO (aka LIVE SHOW). Sobrang nakakalungkot ng kuwento. Depressed ako pagkatapos ko panoorin. If only the censors would look past the "bold" factor (which in TORO's case just really brings home the point on how low the lives of the protagonists have gone) they would see a great film. Sadly, that's not the case.
One more "bold" film I really liked (due to the story and screenplay) was SUTLA starring Priscilla Almeda. It's not too well-made technically, but the story was well-crafted.
Next time ikuwento mo sa blog mo yung tungkol sa love affair ni Gino Antonio at Pepsi Paloma. :P
randy,
pasilip ng thai comics pagbalik mo :)
Kuya KC,
iri-review ko dito ang komiks nila. marami akong natuklasan na interesting na bagay sa kanila.
Post a Comment
<< Home