Monday, September 29, 2008

UNDERGROUND RIVER ADVENTURE

Kasama ang college friend na Ayeene, boyfriend niyang si Harry, at pinsang si Lyd-lyd, pinuntahan namin ang Underground River sa Sabang, Palawan.

Ang layo ng lugar na ito from Puerto Princesa, mga tatlong oras ang byahe, ang dadaanan ay rough road. Ang mahirap pa, dalawang beses lang ang byahe sa loob ng isang araw. Isang 7am at 9am. At pag minamalas ka pa, isang byahe lang. Kaya siguradong kinabukasan ka na uuwi. At pag naiwan ka pa ng sasakyan, kinabukasan ka na naman uuwi.

Pagdating ng Sabang ay sasakay ng bangkang de-motor paputan sa bukana ng Underground River. At pagkatapos ay sasakay naman ng bangkang de-sagwan dahil kailangang protektahan ang tubig at mga bato.

Sabi ng bangkero, aabutin ng mahigit dalawang oras ang tatakbuhin namin hanggang sa dulo ng ilog. At kulang-kulang limang oras kung balikan. Kailangan din ng special permit para gawin namin iyon, kaya hanggang doon lang kami sa ilang metro ang layo mula sa entrance.

Nangunguna na ngayon ang Underground River sa listahan ng mga pinagpipilian sa New 7 Wonders of the World. Kaya kung gusto ninyong suportahan, puntahan lamang ninyo ito.

Narito ang maikling video ng pagpunta namin sa Underground River.



Unang gabi, nagkainan at inuman sa Centrale Bar: Harry, Ayeene, Jonet (kaibigan ko siya na nakatira sa Palawan), ako, Lyd-lyd.

Ang daan papunta sa Sabang, Palawan.

Ngayon lang ako nakakita ng kalabaw na nasa dagat.

Ito ang view sa tabindagat ng Sabang.

Bago makapasok sa UG River ay kailangan magsuot ng uniform (na may hard hat) para proteksyonkung sakali mang gumuho ang bundok sa itaas heheheh.

Ang entrance.

Ganitong mga rock formation ang makikita sa loob. Maraming nakakagulat na tanawin sa loob ng ilog, namangha ako doon sa area na tinatawag nilang 'cathedral' kung saan ang lawak sa loob at napakataas ng ceiling, sa paligid ay makikita ang mga hugis na parang santo at iba pang religious relics.

4 Comments:

At Tuesday, September 30, 2008 12:13:00 PM, Blogger Unknown said...

ay hindi mo ko sinama kainis ka! hehehe

 
At Tuesday, September 30, 2008 5:12:00 PM, Blogger kc cordero said...

ayos 'yung photo na may kalabaw, pilipinas talaga ang dating.

 
At Wednesday, October 01, 2008 5:06:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Sarap ng buhay pre. pasyal pasyal...
tapos ala naman pasalubong? hehe. :)

 
At Thursday, October 02, 2008 5:58:00 PM, Blogger pamatayhomesick said...

wow pare..the best ang adventure mo ngayon..kakaingit!

 

Post a Comment

<< Home