Friday, September 19, 2008

BIRDFLU KOMIKS

Kinomisyon ako ng isang US-Philippines NGO para gumawa ng series of komiks na ipamimigay sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas. Ang subject: BIRDFLU. Noong una, akala ko ay madali lang dahil ‘information material’ lang naman ito at hindi na kailangan pang super-detalye ang drawing. Pero sa unang meeting pa lang ay naibigay na rin sa akin ang assignment para gumawa ng kuwento na ilalagay sa komiks.

Inalok din ako kung open ako na mag-travel sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para mag-attend ng mga seminars at forums tungkol dito. At para sa research na rin. Siyempre tatanggihan ko pa ba ito? Libre pasyal, libre hotel, libre pagkain, at may bayad pa ang araw ko.

Unang meeting, sa Clark, Angeles, Pampanga. Ang kaharap ko ay mga beterenaryo, health officials, at mga tao sa mga poultry farm galing ng Minalin, Pampanga. Two days ang seminar/forum, nakatanga lang ako sa isang tabi, nakikinig lang sa kanila. Hindi ako maka-relate sa usapan. Panay ang banggit nila sa ‘AI’, akala ko Amnesty International o artificial intelligence, iyun pala ‘aviation influenza’ na mas kilala nga sa ‘birdflu’.

After lunch, nang unang araw, medyo nagugustuhan ko na ang usapan. Napaka-interesting pala ng paksang ‘birdflu’ lalo pa ang mga kaharap mo ay knowledgeable tungkol dito. Ang dami kong natutunan tungkol sa virus na hindi ako aware noon. Gaya halimbawa, na madali mong malaman ang manok na may birdflu dahil sa mga sintomas, samantalang sa pato o bibe ay mahirap itong ma-detect. O kaya naman, doon ko lang din nalaman na mayroon palang 8 steps ng tamang paghuhugas ng kamay ayon sa mga doktor.

Maganda ang naging daloy ng seminar dahil pakiramdam ko ay involved ako kahit pa observer lang naman ako sa mga pinag-uusapan nila. May mga time kasi na isinisingit nila ako sa usapan at kung gusto kong magtanong as an ordinary person na zero talaga ang alam tungkol sa virus.

Pagkatapos ng unang araw ng meeting, nagpunta kami sa Duty Free. Pero wala akong nabili, e halos kasing-presyo lang din ng SM sa Manila. Saka hindi talaga ako mahilig sa shopping unless kailangan talaga sa bahay.

Pagkatapos ng galaan ay kumain kami sa isang local chicken restaurant. Nagkalat ang mga foreigners. Akala ko e tapos na ang ganitong era sa Clark, ang dami pa rin pala. May mga nakakalat pa ring babae sa kalye. Pero ang nakatawag sa akin ng pansin ay ang daming kabataang mga anak ng foreigners. “Ang daming mestiso at mestisa dito, ‘no?” sabi ng kasama ko. “Mga artistahin ang mukha, ‘no? Parang mga anak mayayaman, pero mga mahihirap lang ang mga ‘yan.”

Pag-uwi ng gabi, naisipan kong mag-night swimming sa hotel, ang problema, hanggang 10pm lang pala ang smimming pool. Kainis!

Second day, tuloy pa rin ang balitaktakan tungkol sa birdflu. Enjoy na ako dahil officially kasama na talaga ako sa discussion dahil naghihimayan na kung ano ang magiging silbi ng komiks, ng posters, ng flipcharts, sa isyu ng birdflu. Siyempre tamang paliwanag naman ako kahit anik-anik lang naman ang alam ko hehehe.

Sa kabuuan, magandang experience. Dagdag kaalaman. At walang dapat pagsisihan dahil napakasarap talaga ng pagkain sa hotel. Okay lang sa akin na mag-meeting ng buong araw, basta super talaga ang pagkain.

Next week, sa ibang probinsya sa Visayas naman ang lipad ko. Kaya malamang na magiging madalang ang bisita ko dito sa blog sa mga susunod na linggo.

5 Comments:

At Saturday, September 20, 2008 4:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Pwedeng bang sumama diyan ? iyan talaga ang training/expertise ko, science/technical writing para sa mass audience.... kailan ka ba nandito sa Iloilo City ? papunta akong Naga City sa Sep.25 eh, baka conflict ang schedule. Sino ang nagbabankroll nito ? please advice, thanks.

Auggie

 
At Sunday, September 21, 2008 11:19:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Pakitanong na din kung me plano ang birdful komiks na maglagay ng TRIVIA section para sa SARS. Alam mo naman na me training/expertise din ako dyan. He he. :)

Auggie

 
At Monday, September 22, 2008 10:06:00 PM, Anonymous Anonymous said...

pa-burger ka naman!

sarap ng buhay mo, a!

 
At Tuesday, September 23, 2008 1:45:00 PM, Blogger Reno said...

Kaya ka ginanahan after lunch kasi nakakain ka na. hehe.

 
At Wednesday, October 01, 2008 5:09:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Tara tol! idrawing na naten yan! kating kati na kamay ko sa bagong raket!

 

Post a Comment

<< Home