Tuesday, August 19, 2008

ANG NILALANG SA BANYO

Tuwing papasok ako sa banyo sa loob ng bahay namin ay natatawag ang atensyon ko ng pattern sa tiles. Ilang beses ko rin itong pinagmamasdan hanggang sa nakabuo na ako ng imahe sa utak. Naisip ko lang na i-share sa inyo at baka may mapulot kayo kahit kaunting ka-weirduhan sa akin.

Narito ang tiles:

Ito ang pattern na nakita ko:

Sinubukan ko siyang i-speedpaint sa Photoshop. At ito ang kinalabasan.

Bukod sa komiks ay enjoy ako sa pagiging concept artist. Mas makakapaglaro ka kasi sa utak ng mga kakatwang bagay. Ganito ang ginagawa ko kapag hindi ako kuntento sa mga references (magasin, libro, etc.), tumitingin na lang ako sa paligid-ligid at baka may maispatan akong interesting na subject.

Hindi ko alam kung saan ko gagamitin ang character na ito galing sa tiles ng banyo, basta naka-reserba lang siya kung sakali mang kailanganin ko balang araw.

7 Comments:

At Wednesday, August 20, 2008 1:49:00 AM, Anonymous Anonymous said...

kapag ikaw nakikita ko, may nakikita rin akong nilalang. pede po ba kitang speed paint? hehehe

di ka naman weird para sa akin tol. noon pa man alam kong ganyan ka na. may konting.... joke. hehehe

 
At Wednesday, August 20, 2008 9:32:00 AM, Blogger Reno said...

Tuwing iihi ako sa CR ng office namin, ganyan din ang ginagawa ko. Marami na akong nakita sa tiles. Lalaking nakahawak ng kalasag, bungo, kakaibang uri ng hayop, etc. etc...

Parang pagtingin lang sa ulap yan. :)

 
At Wednesday, August 20, 2008 3:59:00 PM, Blogger Wordsmith said...

Thank you, Randy, for your guts in coming out of the closet, ups, I mean, out of the bathroom to spill yet another kind of artistic eccentricity.

I meant that as a compliment; and perhaps, I also want to assure you and Reno that you are not alone in seeing images in the bathroom tiles.

Ako, I've been seeing heart images sa tiles sa shower stall for years and years now. Kapag nag-shower ako, iyong bagsak ng tubig from the showerhead onto the floor tiles, nagkakahugis-puso rin. I also see smiling stick-faces, minsan nakasimangot din. Hawig ito ng smiley icons.

Salamat uli. I now know I'm not "alone" in having bouts of, hmm, weird [creative] imagination!

 
At Wednesday, August 20, 2008 10:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

ganun naman ang isang bagay kapag di clear sa mata natin. kung hindi rin lang kayang matistiguish ng utak ng tao ang tinitingnan niya ay subdued ito at durog kaya di madefine ng brain .magmimistulang abstract ang image na makikita mo.

 
At Wednesday, August 20, 2008 11:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Iba yung nakita ko doon sa banyo mo, GINGER BREAD BOY ! LOL ! iba-iba talaga ang perception ng bawat individual. Ang tawag yata diyan ng mga expert sa LEARNING BEHAVIOR eh GESTALT THEORY.

Auggie

 
At Thursday, August 21, 2008 1:34:00 PM, Blogger pamatayhomesick said...

pre subukan mo naman ngayong linisin bak ibangimage naman ang lumabas-anghel naman.

 
At Friday, August 22, 2008 1:30:00 PM, Blogger kc cordero said...

iwasan na kasi ang ----- para di dumami ang nilalang na walang nanay sa banyo, haha!

 

Post a Comment

<< Home