Saturday, August 02, 2008

READING EXPERIENCE

Napaka-sensitibong parte ng katawan ng tao ang kanyang mata. Kapag kumakain tayo, hangga’t maari ay ayaw nating makakita ng nakakadiring eksena o larawan, dahil mawawalan tayo ng gana. Minsan naman, makakakita tayo ng kakilala sa kalye, biglang sasabihin natin, “Ang sakit naman sa mata niyang suot mo,” dahil hindi tayo komportable sa kulay ng damit niya o kaya ay wala iyon sa fashion sense natin.

Regular reader ako ng kung anu-ano. Sanay akong magbasa ng mahahabang libro at sangkatutak na teksto. Pero pagdating sa komiks, sensitibo ang mata ko. Hindi ko alam kung ganito rin ang nangyayari sa inyo.

Mas interesado akong basahin ang komiks na ‘maluwag’. Iyong nakakahinga ang mata natin sa mga ‘salita’ at ‘images’. Ang tingin ko ay hindi lang ito responsibilidad ng illustrator kundi maging ng writer din. Dapat ang tekstong ginagamit niya ay hindi nakikipaghabulan ng pa-detalye-han sa gawa ng artist.

Narito ang mga kumbinasyong nakikita ko sa komiks:

  1. madetalye ang teksto, madetalye ang drawing
  2. maluwag ang teksto, maluwag ang drawing
  3. madetalye ang teksto, maluwag ang drawing
  4. maluwag ang teksto, madetalye ang drawing

Sa mga klasipikasyong ito ko nakikita kung ano ang gusto ko bilang isang mambabasa. Sa apat na ito, ang number 1 na siguro ang pinakahuling komiks na babasahin ko.

Sa graphic novel na ito na pinamagatang ‘Stuck Rubber Baby’ na ginawa ni Howard Cruse, kung saan interesado ako sa tema ng kuwento, tungkol sa homosexual noong 1960s hippie years. Noong January ko pa ito nabili pero nakakailangan pages pa lang ang nababasa ko dahil putol-putol kong binabalikan, hanggang sa tinatamad na akong basahin. The fact na inindorso pa siya sa back cover ng comics analyst na si Scott McCloud at playwright na si Tony Kushner. Hanggang ngayon, hindi pa ako nangangalahati.


Samantalang itong ‘The Golem’s Mighty Swing’ ni James Sturm na kabibili ko lang two weeks ago ay binasa ko lang sa isang upuan. Samantalang wala akong kahilig-hilig sa baseball na siyang tema ng kuwentong ito.


Ibig sabihin nito, mayroong talagang komiks na masarap sa mata. Iyon bang nakaka-relax pang lalo kapag humahagod tayo ng tingin.

Noong wala pa ako sa komiks, at wala pa sa kukote ko kung ano ang komiks, mayroong mga kuwentong una kong binubuklat dahil masarap tingnan ang mga pages nila. At binabalikan ko na lang sa huli iyong mga hindi ko masyadong gusto. Narito ang ilan ng mga paborito ko noon:

Bukod sa maganda na gumawa ng pigura ng tao, lalo na ng mukha, ay maluwag pa ang layout ng drawing ni Hal Santiago. Isama pa dito ang maiksing paggamit niya ng caption at dialogue.

Si Jim Fernandez ang nakita kong manunulat sa komiks na mahaba gumawa ng caption at dialogues. Pero nagagawang paluwagin ni Ben Maniclang ang mga eksena para maging kaaya-aya sa mata.

Madetalye mag-drawing si Clem Rivera, pero maluwag ang layout. Bagay na bagay sa maiikling captions at dialogues ng script ni Vic Poblete. Maraming nobelang nagtambal ang dalawang ito at isa sila sa paborito kong team sa komiks.


Inosente pa ako noon kung ano ba ang structure o technicalities sa komiks. Nagbabasa ako bilang isang pangkaraniwang reader. At tingin ko ay na-hook ako sa ilang mga halimbawa sa itaas dahil hindi naman kaagad kuwento o drawing ang una kong nakita…kundi iyong presentation na ‘nakakahinga ang mata ko’.

*****

Nagbukas na rin ng blog ang manunulat sa komiks at pocketbook na si Imelda Estrella. Bisitahin din po natin ang seksi at hot mama na ito ng komiks.

17 Comments:

At Monday, August 04, 2008 8:00:00 AM, Anonymous Anonymous said...

walang pinagiba iyan sa pakikipagusap. the more na mabulaklak ang salita the more na nagiging kumplikado ito at di makuha ng kausap ang punto.kung gagawin lang simple ay mas clear ito sa tenga ng kausap di ba?

 
At Monday, August 04, 2008 8:04:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Talagang masarap sa mata ang mi ample WHITE SPACE, Randy. Tinuturo iyan sa LAYOUT, at sa Introduction to Visual Communication, giving credence sa credo ni MIES VAN DE ROHE, na LESS IS MORE. Actually, it's more of trying to get rid of clutter. Ang human tendency kasi, is to create order out of chaos. Kung sa minimal ang text, tingnan mo ang mga trabaho ni Moebius, kung minsan walang text, pure illustration lang pero masusundan mo.


Auggie

 
At Monday, August 04, 2008 11:43:00 AM, Blogger johnny yambao danganan said...

Sa pioneer komiks pala si dreambo, ngayon naalala ko na! Parang nabasa ko 'yang issue na 'yan, paborito ko si dreambo eh!

Well lalo na si Clem Rivera, meron pang isa na maganda, 'yung Gasper!

Meron pa akong hindi maalala na titulo na ginawa si Clem Rivera, baka alam mo, 3 (triplets yata) 'yung bida na mga taong ahas (2 lalake, 1 babae), parang isinumpa sila, 'yung isang lalake, 2 kamay nya eh, ulo ng ahas, 'yung isa, ang ulo nya eh, nagiging ulo ng cobra, tapos 'yung babae naman, katawan nya eh, nababalot ng balat ng ahas...ring any bell?

 
At Monday, August 04, 2008 1:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit yung Watchmen at Swamp Thing comics ni ALAN MOORE at yung SANDMAN ni Neil Gaiman, madaming dialgoue at captions, masarap basahin? Nasa laman ng sinasabi kahit mahaba, kaya ito nagiging kaaya-aya di lang sa mata kundi sa mata ng ISIPAN. Hirap sa mga artist dito panay ang pabida-bida sa art-art nila.

 
At Monday, August 04, 2008 11:51:00 PM, Anonymous Anonymous said...

naiintindihan mo ba sinulat ni randy? sabi nya kahit mahaba dialogues basta maluwag ang drawing. masarap sa mata ang drawing ng watchmen! lalo na sandman dahil experimental mga artists! intindihin mo nga bago ka mag-react!

 
At Tuesday, August 05, 2008 12:30:00 AM, Anonymous Anonymous said...

naku, malaking gulo na naman ito, ner p pasyal ka dito sa blog ni randy at sumali ka na, bwe hi hihi!

 
At Tuesday, August 05, 2008 7:14:00 AM, Blogger humawinghangin said...

actually may mga areas sa Watchmen na mahirap basahin, lalo na yung mga eksena featuring the Tales of the Black Freighter. i find it boring and have to force myself to read every line just so maintindihan ko yung relevance niya sa buong kwento.

 
At Tuesday, August 05, 2008 10:23:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Para sa akin... right balance of elements will make the comics look good. The artists's story-telling will make or unmake a story. Kailangan talagang magaling ang illustrator para magkaroon ng appeal sa readers. Para sa akin, may mga story na hindi maiwasang hindi gumamit ng mahabang dialogs, pero mayroon din namang minimalistic na nag-wo-work din naman.

Therefore, for me, it's immaterial whether the dialogs are longer, poero por dios, huwag namang gawing WAR AND PEACE sa haba at ibabalibag ko na ang komiks pag ganyan. Though the sampler of Hal Satiago posted here looks good and very appealing.

Depende talaga sa klase at sitwasyon ng eksena.

 
At Tuesday, August 05, 2008 4:50:00 PM, Anonymous Anonymous said...

JM,

Problem solving yun sa artist eh. Ang Question: How do you make an appealing visualization sa komiks kung sangkatutak ang text at dialogue? Siguro kung ako ang artist kakausapin ko muna ang scriptwiter at ipapaedit ko ng husto ang kaniyang script, or katakot-takot na break downs o hi-hingi ako ng extra pages pa, sasabihin ko hindi kasya, yung given pages, masyadong masikip at counter productive. Maasar siguro ang editor pero gagawin ko pa rin, bahala na...

Auggie

 
At Tuesday, August 05, 2008 6:10:00 PM, Anonymous Anonymous said...

lot of writers in this modern age have already improved their writings.just read their new published book and you'll see what i mean.

hoy, klitorika pwede ba ako magsulat ng kagaya ng book mo 'tas tagyan ko naman ng title na Klitoriko? he he he hew! kabaliw talagah.

 
At Wednesday, August 06, 2008 8:49:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Auggie:

Sa local komiks natin, may mga writers na Hindi masyadong kino-concise ang dialogs. At naku, kung ikaw ang magdo-drawing ng script ni FLOR OLAZO, magpa-HESUS ka na. Kung my sampung script ni Flor ang ako ang nag-drawing, at sa tatlong pahinang komiks, mahigit 20 pages ang script!

Bakit?

Paano ba naman'y napakaSIPAG ni aling Flor. Naggugugupit iyan ng mga cartoons at magazine clippings at apart from her written guide, NAKAPASKEL pa sa mga pages yung mga ginupit niyang larawan!

Pag di ka naman mabaliw, ewan na lang.

Mas maganda talaga kung ang dialog ay minimal, not too short, not too long. This fact also applies for TV and movies. Pero ngayong panahon, pagmasdan mo ang mga dialogs ng mga teleserye sa RP. Aantukin ka! Walang kalatuy-latoy!
Hindi mino-move-forward ang story. Stagnant dahil ang daming IRRELEVANT na usapan ang isinasama sa mga eksena. Sa Radio drama, dahil audio lang ito, parang NOBELA ang approach ng dialogs. Kahi't mahaba, basta flowing, maganda pakinggan at hindi nakakapagod dahil nakikinig ka lang.

Pero sa sandaling na-involved na ang visual element, kailangan talaga ang balance dahil papalpak talaga ito.

 
At Wednesday, August 06, 2008 4:36:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang iba kasi kasi hindi alam ang medium na ginagamit nila. Sa TV/Film, Audio-Visual, Komiks purely Visual, Radio, only Audio, dapat alam nila ang strengths and weaknesses ng medium. Ang iba kasi overkill, which is counter-productive, mabubuwisit ang mga audience/readers mo gaya ng example mo ki Ms Olazo. They get carried away, akala nila they are very thorough. Interesting din magsulat sa Radio. Gumawa ako niyan sa Graduate School eh, ayos naman ang grade. Exercise lang pero maganda, natatandaan ko pa ang title: ANG PAGBABALIK NI ELIAS PLARIDEL, ang mga talents mga classmates ko rin na kumukuha ng Masters. Anti-Hero si Elias, ex-con, na nagserve time sa Munti, at pauwi na somewhere in Bicol, kaya mi sound effects ng train. Masarap laruin yung mga sound effects sa studio noon, kung ano-ano ang naiisip ko noon.


Auggie

 
At Wednesday, August 06, 2008 6:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

kahit ano pa sabihin nyo, RELATIVE at SUBJECTIVE 'yang sinasabi nyong right balance between story and art. Nasa appreciation iyan ng individual comics reader. So, you can't say absolutely at may implied "objectivity" na may "balance dapat" ito. What may be balanced for one may not be for another and vice versa.

 
At Wednesday, August 06, 2008 8:09:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Korek ka diyan! Naniniwala ako sa subjective ang reading experience ng bawat tao. Kaya nga sa bandang unahan ng article na ito, ganito kaagad ang sinulat ko:

'Regular reader ako ng kung anu-ano. Sanay akong magbasa ng mahahabang libro at sangkatutak na teksto. Pero pagdating sa komiks, sensitibo ang mata ko. Hindi ko alam kung ganito rin ang nangyayari sa inyo.'

 
At Wednesday, August 06, 2008 8:27:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Anonymous:

Actually, we're not having any difference here. Ang problemang nakikita ko lang kasi sa ibang writers, hindi sumusunod sa PARADIGM ng BEGINNING, MIDDLE AND END. Very important talaga ang bagay na ito. Inorder for a comic script to work, it has to conform into some order that makes sense.

I will write something on this PARADIGM in my blog:

pinoy-comics-tv-movies.blogspot.com

Medyo mahaba kasi ito at hindi naman natin puwedeng abusuhin itong blog ni Randy. I will explain what I meant when I emntioned the paradigm.

Bumisita ka roon later. I will write it later tonight and will post it.

 
At Wednesday, August 06, 2008 8:47:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pulp Fiction ba ni Quentin Tarentino sinusunod ang paradigm ng beginning middle and end? Hindi, di Ba? So why did it work? Why did "Irreversible" work, kung saan nauna ang huli tapos middle until umabot sa beginning as the ending?

 
At Wednesday, August 06, 2008 11:07:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ah...

Ang beginning Middle End
ay hindi actually nangangahulugan ng umpisa sa simula. No siree.

Ipaliliwanag ko ito doon sa blog ko. I'm just busy with other things today, maybe tomorrow I will.

And yes. Tarantino and all the people in Hollywood or all writers in the world has to adhere to the BME (Beg.Mid.End) paradigm inorder for the material to work.

I think it's a nice topic to discuss in my blog. Akala kasi ng marami, pag sinabing Beginning.Middle.End. ay ang seqencing ito ng istorya. Hindi ito ganito. Ito'y form at hindi chronological approach to story writing. In fact, the closer to the ending when you begin your story, the better, because it tightens the story really well.

I will have to discuss this matter now in my blog for the sake of the young writers. I have been noticing many things that seems to be lacking in new writers and maybe by sharing what I learned from UCLA and most especially, from HOLLYWOOD SCRIPTWRITING INSTITUTE, a specialty school for writers, will also open the eyes of new writers and avoid the blunder of not doing the right method of composing a story that works.

 

Post a Comment

<< Home