Saturday, July 26, 2008

BS MATH

Elementary pa lang ay BS Math na ako. Bobo Sa Math.

Hindi ko alam kung bakit tuwing makakakita ako ng numero at kung anu-anong kalkulasyon ay hindi talaga kinakaya ng powers ko. Nagbago lang ang paningin ko sa mga numero noong 3rd year high school sa subject na Geometry. Paano kasi, sa sobrang terror ng teacher naming lalake, kapag hindi ka talaga nakasagot sa kanya ay babatuhin ka ng eraser, kasama na doon ang pagpapahiya sa iyo sa buong klase. Kaya natuto akong makinig sa kanya.

Doon ko na-realize na hindi naman pala mahirap pag-aralan ang Math. Ang kailangan mo lang talaga ay makinig at intindihin ito. Pero kahit alam ko na ang sekreto ay nawalan pa rin ako ng interes noong tumuntong ako ng 4th year hanggang sa mag-college ako. Punyemas! Dalawang beses kong kinuha ang Algebra. Itong Math ang isa sa dahilan kung bakit nawalan na rin ako ng interes na ituloy pa ang kursong Architecture. Kung sa Algebra pa nga lang ay tinubuan na ako ng amag, e di mas lalo na sa mga higher mathematics.

Pero nakatutuwan sa modern studies ngayon, lalo na sa pagtuturo sa mga bata, ay ginagawan na ng paraan ng mga eskuwelahan na magkaroon ng interes ang mga bata sa Math. Kahit anong paraan basta maging kawili-wili sa estudyante ang subject na ito.

Naalala ko ang isang page na ito na drawing ni Nestor Redondo tungkol sa buhay ni Albert Einstein kung saan tinuruan siya ng tiyuhin kung paano mapapadali ang pag-intindi sa Algebra.


Kahapong nangangalkal ako sa bookstore, nakakita ako ng isang graphic novel tungkol sa pag-aaral ng Math. Hindi ko nga lang binili dahil medyo may kamahalan. Kaya pag-uwi ko sa bahay ay hinanap ko na lang sa internet ang titile nito. At laking tuwa ko na series of books pala ito tungkol sa Math.




Walang papalit sa tunay na porma ng calculations at sa talagang paggamit ng numero sa pag-aaral, pero malaking tulong ang mga komiks na ito para makakuha ng interes at maintindihan pang lalo ng mga bata ang pag-aaral dito. Sabi nga, bago mo magustuhan ang isang bagay, kailangan mo munang magkaroon ng interes. Iyon ang unang step sa pag-unlad ng sarili.

4 Comments:

At Sunday, July 27, 2008 12:29:00 AM, Blogger Mia said...

Ay, Randy, kung ganun sayang di mo pa nakikita yung pinag-gagagawa ko sa math calligraphy. Haha.

 
At Sunday, July 27, 2008 10:52:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Bilib nga ako sa yo, Mia. Artist ka na, mathematician ka pa. Bihira yan ha. Ang kilala ko ding ganyan ang veteran artist na si Floro Derry.

 
At Thursday, August 14, 2008 7:23:00 AM, Blogger Azrael Coladilla said...

heto...mahina ako sa math
talaga nung HS ako e.. talaga bagsak ako sa math

pero heto at nakapagtapos ako ng BS Math sa FEU haahah..grabe... and weirdo noh

hirap talaga ng math

 
At Monday, February 23, 2009 3:16:00 PM, Anonymous Anonymous said...

aQ pOh aY nSa HS pAh!!

Gs2 q sAnAng mAg BS Math sah drTINg qNG College!!

d nMan aQ bObO sAh mAth!!

aNo bAh mhiRAp sAh BS MaTh??

 

Post a Comment

<< Home