Thursday, July 17, 2008

BOOKAY UKAY


May bagong tayong bookstore sa UP Village, Diliman. Ito ang BOOKAY UKAY. Bukod sa mura na ang mga libro ay maraming titles dito ang hindi niyo makikita sa ibang bookstores.

Tumatanggap sila ng consignment sa lahat ng uri ng reading materials. Kaya kayong lahat na gumagawa ng independent komiks, puwede ninyong i-display sa kanila ang inyong mga gawa.

Ang kanilang address ay nasa: 55 MAGINHAWA ST, UP VILLAGE, DILIMAN, QUEZON CITY. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website: http://bookay.multiply.com/
Medyo radikal ang konsepto ng bookstore na ito, kaya magugulat kayo dahil pati mga banned na libro ay makikita ninyo dito.

Sa launching pa lang ng bookstore ay nagkaroon na ng tugtugan, poetry reading, at performance art, gaya ng makikita ninyo sa larawan.

9 Comments:

At Thursday, July 17, 2008 10:10:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ayos yan Randy ! ano-ano ang sample ng mga banned na libro ? could you cite some titles ?
Magkakano naman ang price range ng mga merchandise nila ? alam mo naman, krisis tayo ngayon.....



Auggie

 
At Thursday, July 17, 2008 10:19:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Isa sa example ay naka-link din dyan sa word na 'banned'. Actually, karamihan ng books nila ay second hand pero maganda ang condition. Mula sa philosophy, spirituality, rvolution, etc. Meron silang mga brand new na kagaya ng mga books na makikita sa mga bookstores, pero yung mga sikat lang--albom, murakami, etc.

Yung mga novels nila ay nakatambak lang sa sahig, uukayin mo lang talaga hehehe.

 
At Thursday, July 17, 2008 11:18:00 AM, Anonymous Anonymous said...

siguro marami rin ditong porno mags na banned sa ibang bookstore.di ba may mga mags din ung mga madalas nagrarally sa mendiola? puede rin siguro d2 un book ni klitorika.

si klitorika naasar na rin sa mga post d2 at nag anonymous na rin siya nye he heh!

 
At Thursday, July 17, 2008 5:20:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy sino yung nasa likod mo na mama na may bigote?



Budz

 
At Thursday, July 17, 2008 9:48:00 PM, Blogger kc cordero said...

ang galing ng name ng store, relevant. :)

re: klitorika... may isa pang book na sexy, 'yung literotika. parang xerex dati sa abante ang pagkakasulat. i'm sure hindi si klit ang nagsulat nito.

 
At Thursday, July 17, 2008 10:44:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Parang may kahawig ka sa porma mong iyan Randy.

Carlo Caparas?

aha ha haha!

-Noly

 
At Friday, July 18, 2008 1:58:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Budz-

Lenin.

 
At Friday, July 18, 2008 2:37:00 PM, Blogger Unknown said...

hehehe,
mga pasaway hindi ako nag anonymous dito noh siya nga pala pwede palang bumili ng book ko online hehe kaso yung shipment sa pinas lang pwede

visit kayo dito for more details:
http://psicompublishing.com/zen/
pwede rin sa blog ko:
www.klitorika.blogspot.com

salamat po mga kuya he,he.

 
At Wednesday, July 23, 2008 10:42:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Kakainis naman yang mga anonymous writers at commentators! >(

 

Post a Comment

<< Home