ANG IMAHINASYON NI ALEX NIÑO
May lalabas na namang bagong komiks si Alex Niño. Sa pagbabasa ko ng mga comments ay marami pa rin talagang fans na nagkakagusto sa kanyang trabaho. Para sa akin kasi, may appeal sa lahat ng panahon ang gawa ni Niño. Para siya si Moebius na kahit ang dami nang modernong styles na naglabasan ay mag-standout pa rin sa karamihan.
Narito ang link kung gusto niyong malaman ang iba pang detalye sa lalabas na komiks ni Niño.
Pinahanga pa niya akong lalo nang makita ko ang spread page na ito na trabaho niya sa local komiks. Ang nakatawag sa akin ng pansin dito ay ang batuhan at puno na nasa dagat. Sigurado ako na wala sa script ito. Dinagdag lang ito ni Niño sa dalawang dahilan:
1. Para lumabas ang pagiging 'exotic' ng kanyang trabaho, kasama na ang brush renderings.
2. Para ma-break ang 'flat' na eksena. Kung hindi nga naman siya maglalagay ng batuhan at puno sa gitna ay wala tayong ibang makikita kundi ang tubig at ulap sa malayo.
Hindi ko maiisip na gumawa ng ganitong eksena kung sakaling matapat ako sa ganitong script. Hindi ko mai-imagine na maglagay ng batuhan at puno sa dagat. Pero pasalamat talaga kay Niño at naging inspirasyon ko ito para maglaro pang lalo ang aking imahinasyon lalo sa mga circumstances na kailangan talagang ma-break ang monotony ng eksena.
2 Comments:
in terms of using bw and unique composition in his art,i considered him as one of the best pinoy artist.
impressed ako dito sa gawa niya pero dun sa ibang nakita ko, ewan ko ba parang naweweirduhan talaga ako.
Post a Comment
<< Home