X
Una akong nakakita ng 'x' sa drawing noong 1988. Unang tanong ko kay JC Santiago, "Sir, bakit may x ito? Mali ba 'to?"
Sagot niya, "Hindi, ibig sabihin niyan, black ang area na 'yan pag nilagyan ng ink."
Pagkalipas ng maraming taon, nakakita ako ng mga pencilled pages ng American comicbooks at nakakita rin ako ng mga 'x' sa drawing. Nalaman ko na hindi lang pala sa Pilipinas ginagamit ito, at malakas din ang kutob ko na maging sa ibang bansa ay ganito rin ang ginagamit--Japan, Argentina, Brazil, France, etc.
Ibig sabihin, itong 'x' ay isa sa 'international language' ng comics illustrations na illustrators lang ang nakakaintindi. Ang galing, ano?
1 Comments:
randy,
hindi lang sa komiks, kahit sa construction business. nilalagyan ng 'X' either masking tape or pintura ang bagong install na salamin.
universal nga ang 'X' kasi pag nakita mo ito bilang rating ng isang movie, alam mo na ang ibig sabihin.
Post a Comment
<< Home