Tuesday, May 27, 2008

BUONG ARAW NA MUSIKA

Bilang isang dating musikero, natutunan ko rin na ma-appreciate ang iba't ibang klase ng musika. Kaya bukod siguro sa lapis at papel ay itong radyo o CD player ang hindi talaga nawawala sa tabi ko. Kung ang ibang artist at writer ay nagtatrabaho na walang ingay sa paligid, sa akin naman ay kabaligtaran. Gusto kong may naririnig na sound kahit kaunti. Para kasi akong nalulunod kapag sobrang tahimik ang paligid.

Of course, gusto ko rin naman ng tahimik pero mas lamang na may musika sa tabi ko.

Minsan nga may schedule pa ako ng pagpapatugtog. Narito ang halimbawa:

Kapag umaga, habang nag-aalmusal ay ganitong klase ng music ang naririnig ko. Kinukondisyon nito ang sarili para gumanda ang buong araw ko.



Kapag nagsisimula na akong magtrabaho, ganitong klase ng music ang gusto kong naririnig dahil masarap mag-drawing habang sinasabayan mo ng pagkanta. Gusto ko ang folk songs dahil eksakto lang sa timbre ng boses ko.



Kapag tanghali na at mataas na ang energy ko, sinasabayan ko na ng ganito. Mas sumisigla ako sa pagta-trabaho.

Jump Around - House of Pain

Kapag medyo nagsawa na sa drumbeats ay pinapalitan ko naman ng ganito.



Sa gabi naman, pampa-relax naman ang hanap ko after ng maghapong paggawa. Mga ganitong klase ang pinakikinggan ko.

Louis Armstrong - What a Wonderful World - Louis Armstrong

4 Comments:

At Tuesday, May 27, 2008 3:44:00 PM, Blogger kc cordero said...

randy,
mag-post ka naman ng video na ikaw ang tumutugtog.

 
At Wednesday, May 28, 2008 4:19:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

naku, scandal yun hehehe :D

 
At Wednesday, May 28, 2008 7:22:00 AM, Blogger humawinghangin said...

astig talaga ang mga dekada 90 pinoy underground no? or maybe dahil henerasyon lang natin yun.

sa pag drawing, varied yung music options ko, pero pag nagkukulay via photoshop na, na realize ko na mabilis ko natatapos yung work pag mabilis o nakaka-indak yung sounds, tulad nung sa house of pain o cypress hill. bumibilis din kasi pitik ko sa mouse e! funny but true. :D

 
At Wednesday, May 28, 2008 10:10:00 AM, Anonymous Anonymous said...

kung sa komiks ay may pinakamadaling paggawa ay meron din nito sa music di ba? ngayon kahit tunog lang ng ulan at kalampag ng balde ay pwede na gawing music o kaya isama ito.

 

Post a Comment

<< Home