Sunday, May 18, 2008

JAPANESE SPIRIT

May napanood akong documentary film noong high school ako, hindi ko na matandaan ang title, tungkol ito sa World War 2. May isang Japanese General doon ang nagsalita na parang ganito:

“Puwede niyo kaming talunin sa gerang ito (World War 2), pero kailanman ay hindi niyo kami matatalo sa ‘spirit’.”

Mukhang tama nga siya. Pagkatapos tapunan ng Atomic Bomb ang Japan ay nagdanas ito ng katakut-takot na hirap. Isa sa pinakamadramang anime na napanood ko ay ang ‘Tombstone for Fireflies’ tungkol sa kaganapang ito.

Pagkalipas ng maraming taon, narito na ang Japan, isa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Hindi lang technology ang ipinagmamalaki nila ngayon sa mundo, maging ang kanilang kultura ay kinakain na ang halos karamihan ng kultura ng ibang bansa maging sa West.

Ang pop culture ng Japan ay kalat na sa buong mundo. Lalo pa itong lumalakas at parang mahirap na yata itong pigilan. Nagkalat na ang cosplay, fashion, anime, manga, j-pop/rock.

Dito lang sa Pilipinas, wala kang mapupuntahang event dito ng teenagers na walang halong Japanese culture—cosplay at anime. May mga separate events din para lang dito, gaya nitong Mangaholix at ang kauna-unahang comics convention na ginawa ng Culture Crash. Maging ang Philippine Comics convention natin, mas marami pang makikitang Japanese-inspired culture kesa sa local, karamihan ng indie comics ay manga/anime-inspired ang drawing pati ang kuwento.

Patunay lang ito na nagtagumpay ang Japan sa ‘spirit’ na tinatawag nila.

Isang meeting na lang at tapos na ang workshop ko sa Asia Pacific College. Sa 8 sessions namin ay nakabisado ko na ang mga estudyante pagdating sa drawing. Ano pa nga ba kundi anime at manga ang kanilang hilig. Kahapon (Sabado) habang binibigyan ko sila ng exercise tungkol sa character design, nag-uusap ang dalawa kong estudyante. Pinakikinggan ko lang sila. Alam niyo ang topic, anime!

Sa pag-uusap nila, para bang alam na alam nila ang bawat characters at palabas na kanilang pinapanood, magkapareho sila ng wavelength, samantalang doon lang naman sila sa workshop nagkakilala.

Last week naman, nagdala ako ng iba’t ibang komiks, alam niyo ba kung ano ang unang dinampot? Dolis ni Maki Kusumuto. Binuklat-buklat lang nila ang compilation ng mga trabaho ni Nestor Redondo, nagtatawanan pa nga habang binabasa ang pagkalalim-lalim na dialogues ng lumang komiks natin.

Kahapon, habang nagbubuklat ako ng mga libro sa isang bookstore ay nakita ko itong ‘One Thousand Years of Manga’, tiningnan ko ang mga pages at mga drawings. May mga nabasa ako ditong tiyak na manggagalaiti ang mga Western comics historians dahil may mga ebidensya ang Japan na sila ang kauna-unahang naglabas ng komiks na ginawa sa papel.

Naisip ko, ang ganitong mga eksena ay hindi lang basta problema ng drawing o writing, ito na ang reyalidad ng tinatawag na ‘cultural invasion’. Masyado nang malalim ang involvement natin sa Japanese culture. Paano natin ito masusolusyunan samantalang maging ang mga first-world countries sa West ay ganito rin ang nangyayari?

Nakakatawa nga minsan ang nangyayari sa mundo, tayong mga Asians ay nagpapaka-Western samantalang ang Western ay nagpapaka-Asian. Cultural chaos. May purong culture pa ba ngayon sa buong mundo? Maging ang mga tribal people natin tulad ng Tasaday at Mangyan ay gumagamit na rin ng cellphone at internet at nakikpag-chat na sa mga Amerkano para magkaroon ng asawang foreigner. Maging si Joma Sison na radikal sa pagsusulong ng Filipino culture ay mayroon nang Friendster account.

Noong college ako, may nakita akong isang poster na may nakasulat na ganito: END 2000 YEARS OF CULTURE! React to death dito ang mga aktibista, paano kasi e napaka-anarkista ng pananaw na ito. Pero parang naiintindihan ko na kung sinuman ang nagsulat nito. Kultura nga kaya ang dahilan kung bakit magulo ang mundo?

So, para sa akin, may gagawin ba akong aksyon tungkol dito? Wala. Let’s enjoy the show na lang kung ano ang nangyayari sa mundo. Isa lang naman ang puwede mong gawin para mag-survive ka. Pag-aralan mo lang si Charles Darwin, mag-evolved at mag-adopt ka.

May krisis sa bigas ang Pilipinas? Kaya mo bang ten years from now ay tinapay na lang ang kinakain mo? Hindi ko alam kung kaya ko ito. Pero ngayon ko lang napapansin, nakakaya ko na palang hindi kumain ng kanin sa loob ng dalawang araw, burger lang o kaya ay pasta ay nabubusog na rin ako.

6 Comments:

At Sunday, May 18, 2008 1:44:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Iyang spirit na iyan eh malapit ng matabunan ng another spirit. Ang China, which has humungous economic clout at mas mayaman pa pala sa Japan ngayon. waiting in the wings is South Korea, na napakayaman na rin at na invade na tayo rito dahil sa pag nanais matuto mag English, and to a lesser extent and iyan na rin ang INDIA, na pinapalitan na ng masa ang mga scooter nila bumibili na ng kotse. Ang mga iyan eh mi component din ng culture , kaya mas lalong madagdagan ang timplada/ brew, ng ating kultura.

Tungkol sa kanin, no problem, basta ba may laman ang digestive system mo, mi fuel ka. Mag-aadjust ang tiyan ng tao......

 
At Sunday, May 18, 2008 5:36:00 PM, Blogger Azrael Coladilla said...

maganda nga yan anime movie na Grave of the Firelies...one of my fave..

 
At Monday, May 19, 2008 12:34:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Funny how despite the invasion of the Japanese pop culture, the Japanese are so crazy about anything north American.

Sa pag-aayos, sa fashion, pati sa mga usong bagay sa north America ay kinababaliwan ng mga Hapon. They come here in droves to learn snow-boarding, skiing, English, even food! Nagulat ako nang makausap ko ang ilang ESL students na Hapon dito. They don't eat sushi or sashimi. Puro hamburger, fries, pizza at kung anu-ano pang western-oriented stuff.

Natural lang siguro ito na magkapalit-palitan ng culture ang mga bansa ngayon dahil sa kabilisan ng communication.

Though, ang nakita kong invasion ng Japanese culture dito ay walang itama sa invasion ng Hapon diyan sa Pilipinas. Hindi kasing gung-ho ang populasyon sa north America na tulad diyan sa ating bansa when it comes to Japanese things. Ang pinakamalaking influence lang talaga ng Japan dito ay sa mga kotse mainly: Toyota, Honda.

Otherwise, halos 5% pa lang ang appeal ng ibang mga bagay na Japanese.

 
At Monday, May 19, 2008 9:25:00 AM, Blogger Jon said...

Ikaw na ang pangalawang tao dito sa blogsphere na nabasa kong nagbanggit sa librong One Thousand Years of Manga. Si Gerry ay nabanggit din niya yan at gusto nya sanang bilhin kaya lang mahal. Gusto ko tuloy silipin ang libro.
Hindi ko rin maikaila ang impluwensiya ng Japan maski sa komiks namin. Noong nagsimula kasi kami, yun ang style ng drawing ng mga kasama ko. Sa C3 (Culture Crash Comics) Con kami unang naglabas ng komiks namin.

 
At Tuesday, May 20, 2008 10:05:00 AM, Blogger Reno said...

From JM's story, naalala ko noong papunta ako ng NY noon at nag-stopover sa Japan yung eroplano. Andaming young Japanese na kasabay ko sa eroplano, at wala silang dalang mga bagahe, handbag lang or medium-sized backpack. Tinanong nga nung isang flight attendant kung anong gagawin nila sa NY, magsa-shopping lang daw.

Grabe! Para mag-shopping pupunta pa ng ibang bansa!

 
At Wednesday, May 21, 2008 7:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

tol ayoko ng tinapay. nasubukan ko ng dalawang araw na tinapay...wala akong tinagal. kumain kaagad ako ng kanin at bagoong sarap!

 

Post a Comment

<< Home