UNANG SWELDO
Hindi ko na gaanong natandaan kung magkano ang kinita ko sa unang sweldo ko ng drawing sa GASI, P200 plus ito. Basta malinaw pa sa alaala ko na ang kauna-unahang nabili kong foreign comics galing sa sweldo na 'yun ay itong graphic novel na 'Flash Gordon' na ginawa ni Dan Barry at Bob Fujitani. Ang gumawa ng cover nito ay si Boris Vallejo (in pen and ink at hindi painted kung saan kilala siya ng husto).
Ang Flash Gordon kasi ni Alex Raymond (kasama ng Prince Valiant ni Hal Foster) ang tumanim talaga sa utak ko dahil paborito ang mga ito ni Hal Santiago. Kaya nang makita ko ito ay hindi ko na pinakawalan. Ang natatandaan ko, nabili ko ito ng P25 sa Harrison Plaza.
Ibinili ko rin ng laruang piano ang kapatid kong babae na nagkakahalaga ng P100 plus. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagregalo ako sa kapatid ko.
3 Comments:
Meron din ako nito. Natyempuhan ko minsan sa NBS, nasa bargain pile nila at less than 20pesos ko nabili kung tama ang pagkakaalala ko. Pati Vol. 3 and 5 kasabay ko binili, wala nang isip-isip.
Katulad mo, mas nakilala ko si Flash Gordon dahil kay mang Hal. Actually, bago ko pa man nakilala si mang Hal ay alam kong may kahawig ang art style niya noon, di ko lang matunton kung sino. Nalaman kong si Alex raymond nang mag-aral ako kay mang Hal. Lalo na kung titingnan mo kung paano gumuhit ng side view ng lalaki sina mang Hal at Raymond. Parehong-pareho ang hitsura.
Reno,
Marami pala kayong alumni ng HAL SANTIAGO Studio, sino-sino pa ba? hindi mo ba inabot yung REDONDO STUDIO sa Valenzuela ? Hindi ko pa na meet si Mr. Hal, pero si Mang Nestor, na meet ko na sa editorial office ng CRAF, sa tapat ng Arranque Market.Pati si Mang Pidong Alcala at Madz Castrillo.
Auggie
Auggie... di ko na inabot yung Redondo Studio. Medyo mabata-bata pa naman ako e. hehe. Nuong 1986 ako nag-aral kay Mang Hal. Malamang defunct na yung Redondo Studio nung panahon na iyon.
Post a Comment
<< Home