ENVIRONMENT AND BACKGROUNDS
Ang lesson namin noong Sabado sa komiks workshop ay tungkol sa backgrounds. Ipinaliwanag ko na karamihan ng sakit ng mga komiks illustrators pagdating sa paglalagay ng background ay ang 'tapal-tapal system'. Ang ibig sabihin nito, para lang masabi na may background ang isang eksena ay maglalagay na lang ng mga elemento ng background kung saan-saang parte. Halimbawa, kung ang eksena ay sa gubat maglalagay lang ng dahon-dahon o sanga sa kung saan-saan.
Isa din ito sa sakit ko pag gusto kong mapadali ang trabaho. Pero noong mapunta ako sa game development 2 years ago, ang mga naging assignment ko ay gumawa ng mga environment designs. Doon ay hindi na puwede ang mga pandaraya ko sa komiks. Hindi kasi puwedeng maglagay lang ng tapal-tapal na elements dahil iko-construct ito sa 3d. Kailangan ay possible na itayo sa real world at functional ang design at para mag-fit ang mga characters.
Ngayon, kapag medyo nahihirapan ako sa paglalagay ng backgrounds sa eksena, gumagawa muna ako ng rough floor plan para alam ko kung saan nakapuwesto ang bawat elemento pati na ang mga characters.
Ilan sa mga nakita kong Filipino artists na mahusay gumawa at puwedeng i-construct sa real world ang mga environments ay sina:
Steve Gan
Alfredo Alcala
Floro Derry
Gerry Alanguilan
Ilan naman sa mga foreign komiks artists na mahusay sa ganito ay sina:
Juanjo Guarnido
Van Hamme
Regis Loisel
at Jiro Taniguchi.
3 Comments:
karamihan sa mga contributor artists sa heavy metal magagaling jan sa background, very cinematic. i wonder kung ano yung sukat ng original page for them to be able to draw or paint such details. hmm....
Pwede kaya tayong maglabas ng ersatz Heavy Metal na lokal ?paging KC Cordero !
John Dela Croix
wow haha natatandaan ko pa nung una tayo nagchat nasa game developer ka pa kung di ako nagkakamali judge dredd ata ginawaa mo nun hehe.. tama ba? ayos to.. pano nga pala makaavail ng sessions nyo? gusto ko rin matuto ng tapal-tapal epek hehe di ako magaling sa mga bg :D
Post a Comment
<< Home