ELEGANCE
Ano ang pagkakapareho ng drawing nina...
Alphonse Mucha
Charles Dana Gibson
Joseph Christian Leyendecker
Nestor Redondo
Tony de Zuñiga
Hal Santiago
Adam Hughes
Travis Charest
at Leinil Yu?
Alam niyo kung ano?
ELEGANCE.
May touch ng 'elitism' ang kanilang mga human figure.
Ang 'elegant' na human figure ay nagmula sa Western art. At kung babalikan pa natin ng mas malayo ang history, mauugat natin ito sa Greek art.
Ang kagandahan sa elegant na human figure ay kaya nitong tumayo sa sariling paa. Ibig sabihin, kahit wala nang masyadong detalye at background ay malakas pa rin ang dating nito sa tumitingin.
Bihira na tayong makakita ngayon ng mga human figure at facial features na elegante ang drawing sa komiks. Isa sa obserbasyon ko ay dahil masyado nang nahuhumaling ang marami sa 'stylized' na drawings (kasama diyan ang anime, manga at cartoony).
Kung titingnan ang mga drawings sa itaas, maging sina Mucha, de Zuñiga, Charest at Yu ay may pagka-stylized ang drawings, pero malakas ang foundation ng classical drawings sa gawa nila kaya elegante pa rin ang kanilang mga pigura.
14 Comments:
Hindi lang sa anime at cartoony art nasisira ang elegance. Minsan din, pati sa ultra-realistic na art. Dahil sa sobrang gustong maging parang photograph ang dating ng kanilang guhit, ang ibang artist ay nawawalan din ng elegance sa kanilang mga pigura, lalung-lalo na sa mukha.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit gustong magmukhang photograph ang drowing, tatalunin mo pa ba ang mga high resolution cameras ? dapat ang drowing/illustration ay tutukan yung hindi kayang gawin ng camera di ba ?
Makikita mo ito sa mga Malls, portrait artists na charcoal ang medium, kinukuskos ng husto ang shadings para makuha ang Chiarascuro. Pero marami pa ring gustong magpa portrait...hindi ko talaga maintindihan. Care to explain ?
John Delacroix
John D-
Sa mata ng customer na hindi naman artist, ang gusto niya ay yung kuhang-kuha ang hitsura nila. Saka malawak naman kasi ang viewers, merong may gusto ng ala-photo realisitic kaya merong artist na gumagawa nun.
As an artist myself, yung mga ganyang illustrations ang gusto ko. Elegante sa tingin pero sa komiks, sa backgound pa rin nakatutuok ang pansin ko. Doon ko kasi nage-gauge ang kahusayan ng isang artist. Kung human figure lang at walang masyadong background naroon na ang daya. Sonny Anthony is a talented illustrator during the 90's pero halos human figure lang ang kanyang iginuguhit, karamihan ay close-up pa. There is ellegance in his work pero di ko pa rin magustuhan dahil madaya. Sa iginuguhit sa backgtound ng artist siya makikilala, hindi sa human figure lang na kanilang ginawa. Just take a look of an early Redondo, Alcala and Coching artworks. Talagang mapapabuntung-hininga ka at mamamangha. About manga style? In a conservative point of view, wala itong masyadong appeal sa akin. Isang bible illustrated ang nakita ko at manga style ang ginamit pero di ko ito binili. Mas gusto ko pa rin ang bible na illustrated ni Redondo.
I agree with Arman. Drawings with poor background do not really evoke the likeness of our own existence. In this case, then, that artist should kust do FASHION DESIGN. You don't need any background for that :-D
However, to answer Monsieur de la Croix's question, well... even if we see a true likeness of a person in portraiture, it is still a work of art, because it is not done by the camera or the computer. Sure, the camera can capture almost the exact face of a person, but some people are not PHOTOGENIC! Their faces look unpleasant on photos, but they look gorgeous in real life. Hence, the hands of an artist will show us the TRUE appearance of such individuals.
I hope my explanation is not as murky as mud.
Importante ay balanse sa buong pahina o kaya sa buong istorya nito mahaba man o maigsi.Ang mga walang background sa ibang panel ay sinadya ng artist para di makagulo sa gustong ipakita.Halimbawa sa isang panel ay ipakikita mo ang isang maliit na bagay na kailangan mapansin sa panel na iyon ay mas tama na walang background muna dahil makakagulo pa ito.Bumawi na lang sa ibang panel at pwedeng detalyehin ang background nito. Tingan nyo ang mga gawa ng popular na illustrator sa Marvel/DC at makikita nyo kung paano nila binabalanse ang paglalagay ng background.Makalumang style na ang punong puno ng background ang bawat panel at di na halos makahinga ang drawing.Ginagawa lang ito sa ilang panel kung kailangan lang talaga.Ang panget lang tingnan sa komiks ay walang establishing shot at di mo malaman kung saan nagganap ang kuwento. Halos close up at medium shot na lang hanggang sa matapos ang binabasang kuwento ay bitin ka talaga sa pagbabasa nito.Dapat ay nakakaintindi rin ang writer sa mga direksiyon at pwedeng magbigay ng mahusay na guide para sa artist para di na lang puro close up ang drawing.
Sinasamantala nila ito para madaling matapos at makasingil agad.
Tama ka 'Pre. Dapat talaga mi establishing shot para ma contextualized ang istorya. Time and place ay pwedeng ipakita sa establishing shots. Dito magaling ang mga Europeo, sa ganitong visualizations. Example yung ki SERPIERI ,sa HELL, ( HEAVY METAL), lintik talaga yung drawing niya doon, parang sine. Sa atin parang tinatamad, gaya ng sabi mo, pinapaliguan lang ng MS, CU, at ECU, talagang halatang gustong makasingil kaagad. On the other hand, baka kung malaki ang bayad, maging ala Europeo na rin ang visualizations at breakdowns ng local artists natin ?
Auggie
Monsieur JM,
Touche' nandoon na ako, gustong magpapogi sa portrait. Pero por dios & por santo, bakit kailangan magpapogi ? what for ? to feel good ? ang essense ng portraiture is to capture your character, not necessarily the kapogihan. Kasi kung kapogihan eh di i-retouch sa Photoshop, di ba ? Di ADONIS ang labas, but this is sheer narcisissm.
Hindi pala pwedeng gumawa dito sa atin ang caricaturist na si SEBASTIAN KRUGER, pinapapangit niya ang subject matter, but the result ay maganda sa tingin ko dahil na capture niya ang character.
DelaCroix
Monsieur de la Croix, mon ami:
J'ai avec vous 100% ans. Kaya lang, iba ang appeal ng drawing kaysa shoot ng camera. As we all know, without the paitings and drawings of the human figure BEFORE the camera, we won't be seeing today - what so and so look like during his time. Say, Shakespeare. At least alam natin ang mukha niya through the works of artists who drew and paint him, di ba?
What is so good about having a drawing of a person's portrait is its unique rendering by the artist. Some people may want straight photograph, but other people like the appeal of a hand drawn image.
Je devine que c'est une question de goût.
Oui Monsieur?
And regarding the background issue:
Of course we're not saying to put a background in every panel. That would be monotonous. Arman and I are saying that if the drawing will have NO BACKGROUND at all, they will be no good, in fact, can be very weak visually. No sense of setting and time.
Naturally, we also look for establishing shots, medium, close-up and diffeent angles. Control is the keyword. In any artistic endeavor, be it music, drawing, writing, etc, control has to be implemented by the creator. Without it, magtinda na lang ng taho yung creator dahil mas my purpose pa yun kaysa maging artist siya. An artist should also know the difference when he's drawing in plain black and white or color. He has to consider the NEGATIVE SPACE because this one can truly ruin the layout.
Some writers respect the artist. Ok, naglalagay kami ng illustration guide para sundin ng artist pero ang karamihan ay artist pa rin ang nasusunod. Noon kapag inilagay ko na full shot ang eksena ng aksiyon, ang idodrowing lang ng artist at dulo baril na pumutok, Sa ganitong punto, ang mga ganitong artist ang dapat magtinda na lang ng taho. Dito makikilala ang mahusay na artist. Tama ang komento ng isa na dapat ay balance pero hindi dapat dayain. It's their work at kapag pangit, sa kanila ito magre-reflect. Sa komiks hindi naman lahat dapat ay full shot pero maraming artist noong 90's na hindi yata nag-improve ang trabaho. 10 years na ay ganoon pa rin sa dati. Madaya pa rin at walang kaangu-angulo. Ang illustrator ang cameraman dito at dapat at mahusay siyang kumuha ng shot. Lan Medina is one of the example. May anggulo siya na akala mo nasa loob ng bunganga ang cameraman at ang labas ng bibig nito ang kinukunan. Ang iba kasing illustrator noon ay bayad lang ang mahalaga pero ang kanilang trabaho ay basura. Ngayong wala ng komiks at may naitabi silang gawa nila noon, maipagmamalaki ba nila ito? Dapat malaki o maliit ang bayad ituring na ang bawat gawa nila ay isang masterpieces.
Oui Monsieur ! Ces't la vie.... Iba rin nga ang gawa ng kamay vs the high resolution camera, lalo na noong wala pang camera, at ang mga portraits noon ay mano-mano talaga. Still, yung invention ng camera, mi malaking implication sa illustrations at sa pagamit nito. Por ejemplo: Product shots. Bakit mo idodrowing samantalang, mas high -fidelity ang camera ? gusto mong magpakita ng cross section ng human anatomy ? syempre hirap ang camera rito kaya dapat illustration, di ba ?o kaya yung usong uso ngayon sa mga newspapers sa Tate, TIME, NEWSWEEK, etc, yung graphics showing a process or a detailed event complete with text and explanations, obviously, di kaya ng camera, kaya mano-mano, at ang visualization/interpretative skills ng graphic artist. In other words , mi limitations ang camera, as well as illustrations ...
John dela Croix
Kahit cartoon at realism, may elegance pa rin ang mga figure.Katulad ng mga gawa ni Vilpu at Glen Keane. Animators na may background sa traditional arts. Norman Rockwell is considered an illustrator, Realist pero may elegance ang mga obra,may character,may drama. Ultra realist painters like Richard Estes, Hopper, Andrew wyeth ay may elegance ang mga pigura nila.
there is nnothing to debate kung bakit kailnagang photographic ang drowing..To each his own use.Kung adverising purposes,may agencies na kinakailnagn kasi dahil mas may artistic value to clients and to the needs of the customer. Kung baga yung ang pang akit para mabenta ang isang produkto. Kung artistic purposes, yun ang style na gusto ng isang painter or illustrator. We cannot crititze other works kasi yung ang kanilang artistic expression, dun sila masaya e. Among realist painter, Agustin Goy, Jose Blanco,Vincent Ramos.
Sa comics naman, not every panel neccessary has to have a background. Yun kasi ang pahinga ng mata at breathing space between panels..or to express drama or importance.
Sa anime naman, may mga gumagawa pa rin ng ganung style pero may elegance yung mga character..ksagaya ng mga gawa ni takehiko inoue(vagabond). Anime cya or manga style pero may class ang mga gawa nya at nakakahawig din ng mga illus ng mga kababayan natin pag dating sa paneling at character. We could learn something in Manga but not necessarily na kopyahin ang style. pwede basis pero nasa atin pa rin ang paghahanap ng sariling style
Post a Comment
<< Home