MGA ‘WILD YEARS’ SA KOMIKS
Anong gagawin mo kung mag-isa ka sa buhay? Medyo bata ka mag-isip at malakas ang iyong katawan? Lahat ng mga mahal mo sa buhay ay may kani-kaniyang pamilya na? Tapos umuupa ka sa isang boarding house na maliit ang bayad? Tapos kumikita ka sa pagsusulat ng komiks at pocketbook dalawang beses sa isang linggo? Wala kang ibang sinusuportahan at pinapakain kundi ang sarili mo? Walang sumisita sa iyo kahit gabihin ka ng uwi o kaya ay gumagapang ka sa kalasingan dahil sa alak?
Dumating ako sa point ng buhay ko na nakaramdam ako ng total freedom.
Freedom na talagang para wala na akong iniisip na kinabukasan. Lahat yata ng alak ay natikman ko, sigarilyo, nood ng banda gabi-gabi, nood ng sine, basa ng libro na kahit ano ang tema—mula sa pambata hanggang sa mga libro ng satanista, sama sa mga mountaineers sa bundok, nakipagsigawan sa mga rally, natulog sa kalye, ilang araw na hindi umuuwi sa boarding house para lang manggulo sa mga kaibigan sa kani-kanilang bahay, walang girlfriend, nasanay na hindi maligo at magsipilyo ng ilang araw, hindi na nag-aahit at nagpapagupit ng buhok.
Tapos bigla ay hindi na ako nanonood ng sine at nagpupunta sa mall, hindi na rin ako kumain ng karne dahil sa animal rights ek-ek . Naging active ako sa underground punk scene, kapag may mga forums at gigs ay punta naman ako—sa Marikina, Antipolo, Makati, Baguio, basta lahat ng venue na pinagdadausan ng punk activities.
Ang ganitong klase ng lifestyle ay nakaapekto sa aking pagsusulat. Kamakailan nga, nang tingnan ko ang mga luma kong kuwento, napapakamot na lang ako sa ulo. ‘Ganito ba ako ka-radikal noon?’ Pero hindi ko puwedeng itanggi, sa mga panahong ito nakaramdam ako na lumalalim ang paksa ng isinusulat ko. Hindi ako kuntento sa lagi lang may ‘twist’ sa dulo, o kaya may ‘aral. Gusto ko laging may iniiwang tatak sa aking mambabasa—artistiko man ito o pilosopiya.
Ilan lamang itong ‘Diwa ng Himagsikan’ at ‘Zen Aura’ na mayroon nang salamin kung ano ang lifestyle ko noon. Sa pocketbook naman, gumagawa na ako ng mga konseptong buti na lang ay natitipuhan ng editor ng Counterpoint. Ang mga kuwentong ‘Umuulan ng Snow sa Recto’ at ‘Pula ang Tala Para Kay Jesus’ ang ilan sa mga paborito ko.
Pero ito ang nakakatawa, dahil mahina na ang komiks at unti-unti na ring nawawala ang mga pocketbooks na tumatanggap ng temang gusto ko, napilitan akong sumabak sa trend noon sa publication, pikit-mata akong nagsulat ng romance pocketbook. Hindi ko nga maisip kung paano akong nakapagsulat ng mga kuwentong romansa samantalang wala akong karoma-romansa sa katawan. Ito ang time na hindi ko talaga feel na writer ako. Kaya kahit nagkakandarapa na ang mga writers noon para lang makasingit ng trabaho sa komiks ay nakisali pa rin ako. Kailangan ay may outlet ako ng kuwentong gusto kong isulat kung ayaw kong mabaliw dito sa mga romansang hindi ko naman nararamdaman! Hindi na pera ang habol ko noon sa pagpunta sa komiks publication, alam ko naman na wala na doon, nasa romance na.
Gumagamit ako noon ng pen name na ‘Natasha Rose’ sa Precious Hearts Romances samantalang ginagamit ko naman ang tunay kong pangalan sa ibang publications.
Pero dahil masyado nang ‘wild’ ang utak ko, hindi na rin ako kuntento sa mainstream komiks. Tumakbo ako sa underground scene. Naalala ko noon, hindi pa uso ang mga naglalabasang xerox na komiks na ginagawa ngayon ng mga independent creators, iyon na ang pinaggagawa ko noon sa UG punk scene. Ang lahat ng produkto sa underground ay DIY (do-it-yourself), may distribution network ang mga punk ng kanilang mga fanzines, kaya nakisabay ako dito.
Satisfied ako sa ganitong buhay noon. Tuwing dadalaw ako noon sa GASI, makasingil lang ako ng P240 (sa isang short story) ay magyayaya na ako ng inuman sa mga kasama sa komiks. Ang madalas ko noong kasama sa mga tomaan at lasingan ay ang writer na sina Arman Campos, Vincent Barredo, Michael Sacay, illustrator na si Rommel Fabian, at editor na si Steven Dimaya. Patibayan kami kung mag-inuman, walang tumitigil hangga’t walang gumagapang at sumusuka.
Halos limang taon din akong nagpahaba ng buhok, tukso nga sa akin e para daw akong si Alanis Morrissette pag nakatalikod. Tapos bigla na lang akong nagpakalbo. Ang dami talagang nabaliw sa akin.
Kung susumahin ang mga karanasang ito, ‘wild years’ talaga para sa akin. Few years ago, dumating sa point na na parang gusto ko nang kalimutan ang lahat ng mga experiences na ito. Para kasing hindi ko ma-imagine na naging ganito ako. Pero naisip ko, bakit ko kalilimutan? Parte ito ng aking ‘growing up’ years. Siguro kung hindi nangyari ito, hindi rin siguro ako nag-mature. Along the way kasi ng ‘wild years’ na ito, ang dami kong natutunan dahil iba’t ibang klase ng tao ang nakasama ko—mula sa mga pinakamahihirap sa kalye hanggang sa mga stock holders ng stock exchange sa Makati, mula sa pinaka-konserbatibo hanggang sa mga pinakamalilibog, mula sa pinakamatitinong kausap hanggang sa pinakagago.
Nalaman ko tuloy, kahit pala ang daming nagkaloko-loko at nabuwisit noon sa pagbagsak ng GASI at iba pang publications ng komiks, at kahit nakaramdam din ako ng sakit at panghihinayang, hindi ko naman pala ito gaanong ininda. Buhay ‘jeprox’ kasi ako. Red Horse at Tanduay lang ang katapat ng frustrations ko noon.
Naniniwala pa rin ako na lalakas pa ang local komiks, pero for the meantime, kailangan ko rin namang kumain kaya gumagawa ako sa US comics. At kapag may nag-iimbita naman sa akin dito, bukas ang pintuan ko na mag-contribute sa abot ng aking makakaya. At isa nga sa hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa, ang magturo ng komiks illustrations ng buong taon dahil sa imbitasyon ng isang kolehiyo. Ang hindi ko kasi kinakalimutan ay ang mag-share ng nalalaman, hindi lang kung paano gumawa ng komiks, kundi paano maging bahagi ng industriyang ito.
13 Comments:
Randy,
Mayaman ka pala sa mga experiences noong kabataan mo. Mabuti hindi ka nagkasakit ng mga life -threathening disease gaya ng pneumonia, sa kapupuyat mo at kaiinom. Pero ang tama yata ng inom sa later years mo pa.Ang dami kong kaibigan din sa Bicol na nasunog ang liver dahil sa katotoma ng GIN. Ginagawa nilang breakfast ito.
Napasama ka rin pala sa mga PUNKISTA ? pero di ba ang pilosopiya nito eh NIHILISM ? ano ang mga tinutugtog ninyo noon ?
Kailan naman nagbago ang buhay mo, at na-curb ang total freedom mo noon ?
Auggie
Auggie,
Kahit abuso ako sa katawan e nagi-exercise pa rin ako. Saka nagti-training pa rin ako ng martial arts noon...pag walang hangover :)Hindi naman ako umabot sa puntong nag-self destruct na. alak at puyta lang talaga pero disiplinado pa rin ako sa pagkain, hindi na talaga ako mahilig sa matatabang karne.
Corny man pero isang libro lang ang nagpabago ng lifestyle ko. At ang librong ito ay hindi kilala, pati ang author. babanggitin ko sa susunod.
May kulang pa pala sa buhay mo, Randy.
Hindi ka pa nag-join ng KULTO.
Go na bigla at mag-HARI KRISHNA ka! Magsuot ng ORANGE KAFTAN, humawak ng tamborine at magsayaw sa sidewalk habang nagtatapunan ng barya-barya ang publiko. Laban ka dito?
Pagkatapos nito, magtulak ka ng EL SHABBU at deliberate kang magpa-ARESTO para makulong. Doon sa ob-lo, sumali sa gang at makipag-duelo sa mga likaw ang bituka. Kung maligtasan mo ito, at makalaya ka na, go ka naman sa mga malls at at mag-CALL BOY, tapos maging MACHO DANCER na tulad sa mga characters na paborito ni MEL CHIONGLO. Tapos, magkandidato kang senador at kapag nasa puwesto ka na, kurakutin ang gobiyerno at pagkatapos ay umiskiyerda patungong Vancouver, BC na tulad ni DEWEY DEE at dito'y magpalamig-lamig habang ini-enjoy mo ang 85 million dollars na nakurakot sa kaban ng bayan.
Then, and only then you can say: NABUHAY AKO
:-D
Laban ka uli dito?
'Go na bigla at mag-HARI KRISHNA ka! Magsuot ng ORANGE KAFTAN, humawak ng tamborine at magsayaw sa sidewalk habang nagtatapunan ng barya-barya ang publiko.'
Actually nagawa ko na yan hehehe. Muntik na akong mag-bramachari noon (monk student).
Ha-ha! Diyata't!
Sumali ka rin ba sa mga Jesus Freaks, yung mg fundamentalists na mi hawak na Bible, at nangungumbinsi na Jesus is the only way ? o kaya nag Mormon misyunero ka rin pareho ni Lino Brocka ? o kaya yung mga mahilig magkarera sa hatinggabi diyan sa Ortigas ng kanilang mga souped-upped cars ?
ohn Delacroix
Yan ang mga hindi ko ginawa heheh. Pero sa maniwala ka at sa hindi, nakatapos ako ng isang sem sa Old Testament subject sa Mormon church :)
"nakatapos ako ng isang sem sa Old Testament subject sa Mormon church"
...and I guess the Heavenly Father didn't convince you to take the plunge in the wadfing pool to be baptized?
The LAMPLIGHTER would have been the ultimate. Kasi, kapiling at kasiping mo ang mga hayop sa pagkain, sa pagtulog, at sa lahat ng sandali. Tapos, maglilibot kaya sa bayan-bayan sa buong Pilipinas kung saan para kayong tropa ng circo. O, Bongga, di ba? Tapos, tamang-tama sa ayos mo doon na may mahaba kang buhok dahil isa ito sa requirments ng pagsali sa group. At kung type mo talagang makapag-lose ng weight, join ka agad sa group dahil may mga araw na ang hapunan mo ay bayabas lang na pinipitas sa mga gubat-gubat ng mga bayan-bayan na kasalukuyan nilang kinasasadlakan. Di Ba't bongacious iyan na talaga namang vow of poverty! Say mo diyan, ha?
Huwag mo lang masabi-sabi ito sa seance session na kung saan si Jpey Gosengfiao ang soul na kasalukuyang china-channel, dahil baka sabihin nito bigla: "Puwede ba? Ayoko nga sa poor. Dapat rich ang mga characters sa movies. Kasi kung poor, poor din ang labas nito sa takilya"
O, laban ka diyan.
Whe-he-he. I'm just having a good time. This topic is quite fun, you know.
Pre gumagawa pa kaya ngayon ng komiks si Jun Borillo?
Bigla ko nakita art niya dito, gusto ko ay style niya noon pa.
gilbert-
matagal nang patay si mang jun borillo :(
Nagso-solo-solo ka pala sa buhay Randy, originally, taga saan ka ba ?
kung sabagay magandang experience iyan for self-sufficiency, yung hindi ka umaasa sa iba, kundi sa sarili mo lang. At wala ka ring idinadamay na ibang tao, kung gusto mong sundin ang vow of celibacy, at vow of poverty mo, di ba ?
Auggie
Randy,
Sumalangit nawa... sayang ang ganda ng style niya, sana may style na ganun ngayon.
:(
naks naman ang lufet mo talaga! nagpinta ka rin ng kabaong?! Grabeh na ito... sa dami ng karanasan mo isa lang ibig sabihin........................................... MATANDA KA NA!!!! HE,HE
Post a Comment
<< Home