MAGLAKAD
"The moment my legs begin to move, my thoughts begin to flow." (Henry David Thoreau)
Nakasanayan ko na tuwing hapon ay naglalakad ako paikut-ikot dito sa lugar namin. Hindi ako tumitigil hangga’t hindi ako pinapawisan o kaya ay masakit na ang paa ko. Suwerte ko na lang dahil malayo sa main road ang bahay ko kaya hindi rin ako nakakasinghot ng usok ng sasakyan, maliban na lang kung may dumaan.
Masarap maglakad dahil bukod sa nakakapag-exercise ka na ay nari-refresh pa ang utak mo sa pagtatrabaho. Mapa-praktis mo ang awareness, at pati na analysis sa community na tinitirhan mo.
Mukha lang akong adik (hehehe) pero ang totoo ay health conscious ako. Nagpa-praktis ako ng MMA (mixed martial arts) twice or thrice a week at lagi akong nasa Quezon Memorial Circle ng linggo ng umaga para mag-aerobics. Dati rin akong vegetarian pero hindi ko nakaya dahil kung ang mga kasama mo sa bahay ay puro meat-eater, siguradong mapapasubo ka na rin. Pero sa klase ng diet ko ngayon, 70% pa rin ng kinakain ko ngayon ay puro prutas at gulay.
Sinasabi ko ito dahil masyado na akong nag-aalala sa mga kasamahan sa komiks. Kamakailan lang ay inatake si Galo Ador sa napakabatang edad. Ang ganitong klase ng trabaho—pagsusulat man o pagdu-drawing—ay para nang lagi tayong nakatali sa upuan. Lalo na kapag ginaganahan tayo, ayaw nating paistorbo. Buong maghapon ay ayaw nating tumayo, minsan pa nga ay nalilipasan tayo ng gutom.
Nakakabilib ang ganitong attitude dahil ibig lang sabihin nito ay dedicated tayo sa trabaho natin. Pero dapat din nating isipin na mas mai-enjoy natin ang ating kinikita kung masigla din ang ating katawan.
15 minutes na paglalakad araw-araw ay ayos na, ang mahalaga ay nagagalaw ang lahat ng ating kasu-kasuan, dumadaloy ng maayos ang dugo sa ating ugat, at pinapawisan tayo. Kung tinatamad naman tayong umalis ng bahay ay puwede rin tayong mag-inat-inat, kaunting stretching lang sa ulo, leeg, balikat, balakang, tuhod at paa ay okay na. Ang importante ay naigagalaw natin ang lahat ng parte ng ating katawan.
Meron akong nakilalang matanda minsan sa QCCircle. Nagbabaras siya, umiikot-ikot pa, ilang beses, bilib na bilib ako. Pagkatapos niyang mag-exercise ay nilapitan ko. Tinanong ko kung ilang edad na siya, sabi niya ay 78 years old. Nagulat ako. Napakasigla pa ng katawan niya. At nalaman ko rin na naglalaro pa daw siya ng tennis at laging nagsu-swimming sa Rizal Coliseum. Mula noon ay naging idol ko ang matandang ito pagdating sa pangangalaga sa katawan, ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa diet at pag-I-exercise. Ilang beses na kaming nagkikita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya, basta ang tawag ko lang sa kanya ay ‘Manong’.
Masarap magsulat at magdrawing, at nakakatamad mag-exercise, pero napaka-importante nito para sa ating katawan. Para ring pagkain iyan, hindi lahat ng masarap ay masustansya. Minsan, yung lasang ayaw pa natin ang maganda para sa atin—gaya ng ampalaya.
Kaya habang binabasa ninyo ito, mag-inat-inat na kayo. Sabayan niyo akong mag-jogging sa QCCircle tuwing linggo ng umaga.
Bago ko nga pala tapusin ito ay pakinggan niyo muna ito:
6 Comments:
Tinamaan mo, ginoong Valiente.
Importante talaga iyang exercise and healthy food.
Nagbagsakan yung mga naunang henerasyon ng mga komikero na parang mga langaw, at hindi natin sila dapat tularan.
BTW, okay yung kanta. Lalo na pagdating doon sa mga hayop. I like the sounds of animals. Very creative, in fact. He sounded like Jim of Apo Hiking Society.
Si Joey Ayala yan. O nga no, kaboses niya si Jim Paredes
Mabuti at nakaugalian mo yan, Ka Randy. Madalas kasi sa mga artist ay nakapako na lang ang puwit sa upuan kaya't walang physical actvity. Napapabayaan tuloy ang kanilang kalusugan.
hehehe. ung mga nakikita kong bagong henerasyon ng artists ngayon ang lalaki ng tiyan, lalo na ung 30plus na artists at mga writer. halatang walang ginawa kundi umupo at magdrawing. tsk, kasama na si randy boy. mabuti nalang at naisipan pa ni randy na bumalik sa dating gawi, ang makipagbangasan ng mukha sa pakikipag-sparing sa karate. bwahehehe!
galaw galaw baka maistroke mga komikeros. baka maging alamat kayo sa murang edad. hehe :)
oo nga mag ehersisyo tayo! tara na pero teka qc circle? kaw randy ha! joke! go tayo na na! kuya jogging na tayo...
ehehehe...kaw ha. pag gabi lang naman pick-apan dun ng mga putatsing at mga bading. pag umaga e matitino ang mga tao hahaha
Post a Comment
<< Home