Monday, March 17, 2008

BRUSH

Isa sa magiging highlight ng workshop ko, na magsisimula next week, ay ang pag-oobliga ko sa mga workshoppers na gumamit ng brush bilang basic tool sa inking. Although may mga araw na pagagamitin ko sila ng pen, pero mas gusto kong sanayin ang bawat isa na pulsuhan ang paggamit ng brush.


Ang paggamit ng brush ang isa sa namamatay na technique ng Filipino komiks art. Una, marami sa new generation of komiks artists ang hindi aware sa traditional way of komiks illustrations. Ikalawa, mas mahirap itong gamitin. Ikatlo, maraming pens (quill pen, sign pen, drawing pen, etc.) ang nagsusulputan ngayon na puwedeng pamalit sa brush. At ikaapat, nahuhumaling na ngayon ang marami sa digital artworks (kasama ang digital inking).

Gusto ko silang obligahin na gumamit nito hindi dahil gusto ko silang ibalik sa ‘tradisyunal’ na paraan, hindi ako naniniwalang ang paggamit ng brush ay isang lumang pamamaraan, ito ay isang mabisang ‘hand technique’ para mapalambot ang ating pulso. Ang ‘pulso’ ay importanteng elemento ng pagdu-drawing. Kung wala ito, hindi tayo magiging maingat sa bawat strokes at hagod ng ating lapis, pen, o brush sa papel.

Isa rin sa dahilan ay gusto kong ipakilala sa mga workshoppers ang tradisyon ng Filipino komiks artists kung saan nakilala tayong mga Pilipino sa paggamit ng brush sa komiks nang maganap ang Filipino Invasion sa US comics. Sa dinami-dami ng trabaho ng foreign artists na nakita ko sa komiks, wala pa akong nakita na kasing-pino at kasinglambot ng brush technique nina Nestor Redondo at Rudy Nebres. Maski ang mga Chinese, na kilala sa paggamit ng brush sa kanilang pagsusulat, ay iba ang hagod kumpara sa dalawang Filipino greats na nabanggit ko.

Comics/Komiks Development and Design

Starting from the basics and working up to intermediate level this training program will teach participants how to create and illustrate characters from ordinary folks to superheroes and villains; backgrounds and setting to convey a story. It will also encourage participants to develop their own style by didacting popular comic books and illustration styles from around the world.

· Introduction to Comics/Komiks

· Application of Basic Drawing Techniques

· Interpreting the Scenes by Genre

· Storytelling by Illustration Techniques

· Publishing your Story

· Marketing your Work/Creating a Portfolio

· Elective:Digital Publication

Schedule of Meetings: Saturdays only
Start: March 29


For inquiries and reservations:

Call us: (02) 729-5951

E-mail us: admin@mindtap-ph.com

http://www.mindtap-ph.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home