Saturday, February 23, 2008

MARIFE NECESITO

Siguro kaunti lang ang nakakakilala kay Marife Necesito sa komiks. Pero isa siya sa naging ka-batch ko noon sa publication. Magaling siyang magsulat, drama at real-life stories ang kanyang forte. Bago pa siya nagsulat sa komiks ay theater actress na si Marife, kaya madalas noon, pagkagaling niya sa publication ay diretso na siya para mag-rehearse sa teatro. Matagal kong nakasama si Marife, kasabay ko rin siyang nagsulat ng prosa noon sa pocketbook. Naging matalik kaming magkaibigan dahil sabay din kaming nagutom noon sa komiks.

Matagal akong nawalan ng balita sa kanya, hindi ko na alam kung nasaan na siya. Bigla ay nabasa ko na lang ang pangalan niya sa isang Yahoo group ng mga filmmakers. Doon ko siya nakontak ulit. Hanggang sa magkabalitaan kami sa local komiks. Nasa Australia na pala siya at isa nang international actress, wala akong kamalay-malay. Katatapos lang niyang mag-shooting sa New York kung saan kasama niya si Michelle Williams na ex- na girlfriend ni Heath Ledger (Brokeback Mountain) na kamamatay lang kamakailan.

Kanina lang ay ibinalita niya na nasa Italy siya at nagbabakasyon. Sarap ng buhay ng babaeng ito, siguro kung nag-stay siya sa komiks, baka kahit Batangas ay hindi niya narating hehehe. Ibinili niya ako ng komiks na gawang Italya, regalo niya sa akin, nasa ibaba ang picture.



5 Comments:

At Saturday, February 23, 2008 9:43:00 AM, Blogger kc cordero said...

randy,
medyo matured na ngayon. bata pa ito noong nagpupunta sa atlas at talagang trademark niya ang plunging neckline.

 
At Saturday, February 23, 2008 12:57:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Hehehe, pareho kami noon, medyo sariwa pa hahaha. Ang alam ko nga maraming nang-aaswang na editor sa kanya noon :)

 
At Saturday, February 23, 2008 4:49:00 PM, Blogger Reno said...

Akala ko pareho kayo noon na naka-plunging neckline. :P

 
At Saturday, February 23, 2008 6:14:00 PM, Blogger kc cordero said...

...at mga DOM na nobelista. naka-maroon lagi 'yan na plunging.
at ngangayon ko naisip—hindi na ako nagtataka kung bakit naging barkada mo siya, hehehe. :)

 
At Friday, February 29, 2008 8:24:00 AM, Blogger Ramil said...

Marife is a very good actress. Sayang nga lang di siya masyadong nabigyan ng magagandang break sa Pilipinas. I hope, after her international film with Gael Bernal and Michelle Williams... go-go-go na talaga siya..

 

Post a Comment

<< Home