Sunday, February 17, 2008

INDIA

Ilang kaibigang animators ang nakakuwentuhan ko minsan tungkol sa mga karanasan nila sa India. Masarap daw ang feeling ng mga Pinoy animators doon dahil sa respetong ibinibigay sa kanila ng mga Indiano. Kasi nga naman, bago pa lang nagbu-boom ang animation industry sa India at karamihan sa mga nag-train sa ay puro Pilipino.

Kumbaga, pagdating daw sa talent ng pagdu-drawing ay walang sinabi ang mga Indiano sa atin.

Pero ito daw ang masakit na twist: Dahil humihina na rin ang animation industry dito sa Pilipinas, at karamihan ng mga studios ay nasa India na, tayo na ang pumupunta doon para magtrabaho. At iyong mga taong dating tinuturuan nila ay siya nang nag-uutos sa kanila ngayon.

Well, it only shows na mas na-handle nila ng maayos ang pagpapatakbo sa industriya nila kumpara dito sa atin.

Sa kaso rin ng komiks, unit-unti nang binubuksan ng India ang kanilang sarili sa buong mundo. Last year lang ay naglabasan ang mga titles galing sa Virgin Comics na puro Indiano ang may gawa. Ang quality, pantapat sa international comics ng US. Ang mga nasa likod nito ay sina Sharad Devarajan, Gotham Chopra, Deepak Chopra na author ng mga libro, at Sureh Seetharaman.


Visionaries ang grupong ito sa palagay ko. Nakikita nilang sa pagliit ng mundo ngayon dahil sa mga gadgets at devices, kailangan na rin nilang lawakan ang pagtingin sa industry.

Ayon nga sa kanilang vision:
"The Company believes that in the next decade, Asia will become one of the largest producers, as well as the largest consumers, of entertainment products. Virgin Comics intends to look to Asia, and India in particular, as both a growing market for consumers of entertainment products and also a source for unique, innovative content to be brought to the world in comics and licensing into movies, animation, toys, video games and consumer products...
This partnership brings Virgin, one of the world's leading youth lifestyle brands, into the areas of comics and animation for the first time. Virgin Founder, Sir Richard Branson commented on the new partnership by saying, "India is an incredibly vibrant market which Virgin already, through Virgin Atlantic, has the pleasure of working in. Virgin Comics embodies all that Virgin stands for - innovation and launching, developing and opening up markets, for the benefit of the consumer - both at home and abroad... I am delighted that Virgin Comics, will not only help to launch the Indian comic market and spin it into the west, but will develop new and exciting talent - giving a whole generation of young, creative thinkers a voice."

Dito sa Pilipinas, walang masama kung unahin muna natin ang ating mga kababayan sa pagbibigay sa kanila ng aliw. Kumbaga ay pakainin mo muna ang sarili mong mesa bago ka maghain sa iba.

Pero kung business na ang pinag-uusapan, at ang isyu dito ay nakaugat na sa ekonomiya, mas maganda siguro kung buksan na rin natin ang ating sarili sa buong mundo. Hindi sa sinasabi kong dapat ay puro English at international na ang gawin natin, kundi bakit hindi natin tingnan ang possibility na tingnan naman tayo ng buong mundo sa larangang ito. Magkakaroon pa ba naman sila ng duda kung kilala na sa comics world ang isang alex Nino, o kaya Nestor Redondo, o Whilce Portacio at Leinil Yu? Ang mga Pilipinong ito ay superstars sa international comics scene.

Siguro kung malawak pa rin ang readership ng komiks dito sa atin, at bawat bahay ay may tiyaga pang magbasa ng komiks, hindi natin kailangan ang ganitong posibilidad na buksan ang sarili natin sa buong mundo. Pero dahil malaki ang problema natin (hindi lang komiks kundi mga libro, pocketbooks, dyaryo ay apektado), mas maganda siguro kung magpalawak na tayo ng maaabot na readers.

Ganito rin ang ginagawa ng Japan comics industry. Gumagawa sila ng manga sa sarili nilang lengguwahe, at pinapa-translate nila sa English para maging available sa ibang lahi. O di ba nakadalawang ibon sila sa iisang putok?

Ang lahat ng ito ay isang posibilidad, siguro kung may malaki lang akong puhunan, pag-aaralan ko at gagastusan ang pagpapatakbong ito ng international komiks na gawa sa Pilipinas. Sabi nga ni Jessica Zafra: world domination!

21 Comments:

At Sunday, February 17, 2008 2:49:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

The bulk of 3-D animation work was yanked out from the Philippines and landed on India and Korea's laps.
The Philippines is lagging behind because being a Third World country, local animators just cannot afford the latest 3D software like the Koreans and the Indians do.

But in terms of talent, Filipino animators are so good. But first, they had to be given the right tools. Without them, they'll be stuck with 2D animation. Something not so bad, considering that Disney just announced recently that they are going back to traditional animation.

Noong bagong tuntong sa Mactan ang mga Portuguese na dating CHIMOY lang ng ESPAÑA, napagkamalan ng Portuguesong si Magellan ang Mactan na akala niya'y nasa lupain siya ng mga Indio. Wala siyang kamalay-malay na ang mga taong naabutan niya roon ay walang kaalam-alam sa PAHULUGAN na PAIYAKAN ang bayad, pero FIVE-SIX naman. Whe-he-he.

No matter what, ang drawing ng Pinoy ay mas may international appeal kung ating ikukumpara sa mga drawing ng mga Indios. Dito sa BC ay napakalaki ng populasyon ng mga Indios at ang general population ay hindi maka-identify sa culture nila. Napaka-luma at halos naka-freeze ang panahon nila. May dowry pa hanggang ngayon. Arranged marriages hanggang ngayon. Sing and Dance ang films hanggang ngayon. Samantalang ang Pinoy, very familiar ang dating, at tanggap agad. At dahil halos lahat tayo ay may mataas na pinag-aralan, GIMBAL silang talaga kapag nagsalita na tayo. Kadalasan, sa usapan, people would say: "My God... is there anything that YOU DON'T KNOW?"

Sayang ang ating pagka-Pilipino kung hindi natin ISUSULONG ang ating BRILLIANCE.

Kaso lang, parang may kung anong COMPLEX na bumabalot sa mga kababayan natin. Kapag pinuna, GALIT agad. At ang marami'y parang ayaw nang bumangon sa pagkakalugmok. Laging nasa isip ang mga katagang: ANG NAGPAPAKAIN SA IYONG PUBLISHER AY huwag mong susuwagin. Kesyo, sino ngayon ang nagbibigay ng trabaho sa mga tagakomiks. Hindi ba't si PONTIO PILATO?

Bakit... kung ikaw ang talent ng komiks publishing na iyan, IKAW ANG ISA SA MAGPAPALAGO NG NEGOSYO NG PUBLISHER. Bakit para kang tupang hahalik sa mga paa ng publisher? Bakit, si DONYA LUPE ba ang publisher, na kailangang HALIKAN SA PAA na tulad ng ginawa ng asawa niyang paghahalik sa mga paa ni Lupe sa MAY DAY EVE NI NICK JOAQUIN (na ang film adaptation na kahila-hilakbot ang pagkagawa ay tinawag na TATARIN).

Matatagalan pang tanggapin ng mundo ang culture ng India. Ang mga pinoy, sa totoo lang, ABOT-KAMAY lang ang mundo dahil sa ating westernized culture. Kaya ang wish ni AUGGIE SURTIDA na marating ng mga pinoy ang world domination sa komiks ay hindi imposibleng mangyari.

Pero, iwaksi lang nila ang mga bagay na pumipigil para matupad ito.

1. Alisin ang pagiging BALAT-SIBUYAS (again from Mr. Surtida)

2. Mag-lead, kaysa sumunod. Kung ang publisher ay PAURONG ang mentalidad, MAG-INGAY ang mga artist at ipaalam sa mga negosyanteng ito na mas may grip ang mga artist kaysa mga negosyante kung ano ang maganda at napapanahon. Pero kung puro YES MAN naman ang mga artists, wala ring kahahantungan ang planong maging global. Dahil sa sariling luapin pa lamang ay PALPAKTO na agad ang produkto. Naroong may mga paa ng manok ang gagamitin sa pagdrawing. Naroong i-stretch ang file at maging DADDY LONG LEGS ang mga characters. Naroong, nakikita na ang drawing, sinasabi pa ng caption.

3. You can lead the horse to the well, but you can't force that animal to drink the water. Ganito rin ang industriya ng komiks. Puwedeng sabihan ng mga artists ang publishers kung ano ang maganda at epektibong komiks, pero kung hindi makikinig ang mga negosyanteng ito'y wala ring mangyayari.

SOLUSYON:

PUBLISH YOUR OWN KOMIKS. Be the creator, and the publisher. Tapos ang kuwento.

Sige, Randy, ipagpatuloy mo na ang pagkain ng PUSÓ, habang pinaghahainan ka ni KLITORIKA ng malamig na coke at sawsawang maanghang na sauce.

He-he-he...

 
At Sunday, February 17, 2008 7:59:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Correction lang po. Walang sariling animation industry sa Pilipinas at India. Sila ay mga SUB-contractors lamang. Ang ibig sabihin ay, kinokontrata sila ng mga animation industry ng ibang bansa tulad ng Japan at U.S. para gawin ang mga labor-intensive aspects ng animation. Mas eksaktong tawagin sigurong SUB-CONTRACTING industry, na isang oxymoron.

Isa pa ho, ang Virgin Comics, ay hindi matagumpay. Kung susuriin at bisitahin ang mga site sa internet makikita ninyo na "westernized" ang approach dito at "westernized" ang target audience ng Virgin tulad ng ginagawa dito sa Pilipinas ng mga kasalukuyang "indies". Dahil "westernized", limited ang kanilang audience. Mahal pa ang presyo.

Isa po ako sa naniniwala na hindi ka pwedeng mag-"global" kung di mo muna maisaayos ang iyong sariling national identity para may distinction at uniqueness ka sa international comics market. Ang problema, sa nakikita ng marami, ay sa sobrang tuon sa "global", ang nagagawang "global" komiks ay walang pinagkaiba sa mga mainstream comics ng America at Japan. At mas preferred pa ng mga westernized audience na tangkilikin ang orihinal na American at Japanese comics kesa sa local na "globalized". Self-evident po iyan. Maglagay kayo ng Trese sa Comicquest at ten to one, mas bibilhin ang DC o Marvel.

Sino pa nga ba ang mas gagaling sa paggawa ng American o Japanese comics kundi ang mga Kano at Hapon mismo?

 
At Monday, February 18, 2008 12:23:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Correction is not necessary, because the whole world knows that the Philippines, India, Korea et al, are all doing animations from jobs exported by USA and Canada. It's rather naive to presume that we don't know that fact. A well-known, established fact is already there and we don't have to keep repeating it.

Let's not underestimate people's knowledge about things, because we would really look stupid and ignorant.

If you live here in north America, you won't even think for a second that the Filipino artists are not doing work whose quality is not at par with the artists that were born and educated here. Just ask LAZARINO boy BAARDE. He'll tell you how good our compatriots are. That mentality of not having a WESTERN-CENTRIC thrust will again go back to the local komiks issue where some people are DEMANDING that only KOMIKS for the masses with cheap newsprint, cheap cover price and nation-wide distribution is the only way to go.

This is what Judge Judy would call: BALONEY! If all artists would think this way, The Philippines will be doomed. Period.

Why CONSTRICT the artists? I am an artist myself, and the last thing I want is to be constricted by every Tom Dick and Harry – who are non-artists to begin with – and do not really know what is the process involved in creating a piece of artistic work.

Anonymous... it's time to go out of the the Philippines and view the situation from a distance. This way, you will realize how naive your view is about things, especially about komiks and animation.

There are schools everywhere here teaching young animators with the latest software and trends. There in RP , this is our handicap. Too many talented people are not given the proper training and exposure thus their chances of using their talents to full use are hindered. If you want the young Filipino artists to grow and thrive in this day and age, give them all the knowledge and exposure so that they can compete globally. This is now the trend. This is where the world is going. Staying local and stuck in your own drawing board without the proper equipment will take you nowhere. You can't lock yourself in to your bedroom while the whole world ROARS around you.

That would be imbecillic, naive, unrealistic, slave-minded, and naturally, UNPRODUCTIVE.

You have to look at the BIG PICTURE, not just CLOSE-UP. If you haven't got the chance to watch your country outside of its waters, then do so and you'll be surprised of what you're going to see.

Anyway, DISNEY is going back to traditional animation, and because of this, I bought more Disney stocks. I have always admire hand-drawn animation. Now we have even more choices. And this is what good aconomics is all about. Diversification.

Your idea, on the other hand is too THIRD-WORLD CENTRIC and if that's what we're going to adhere on, we'll be stuck with just 80 million or so audience and we'll be better off going to the TUMANA to plant KAMOTE. Not that I hate kamote. No, in fact, I love kamote. I eat it all the time. But let's face it, we can't force the whole world to eat kamote, so we better plant some carrots, kamoteng kahoy, talong, okra, lubi-lubi, papaya, and so on. That way, the world population can choose what they want, and we have that somethibng to offer to them.

Please, I beg of you. Be realistic for once. Don't shortchange yourself, and the others, especially the artists.

 
At Monday, February 18, 2008 4:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Check out the import section of this American on-line based art book store: http://www.stuartngbooks.com/imports.html

Lots of European "bande desinee" albums are included. Check out the quality of the art in some of the books.

I think one would have a better chance at selling if one made anthology books than the usual thin komiks format. The Caparas komiks with cheap production values would just be laughed at. The stories and art should be well picked and probably less third worldish - why would somebody buy literature that would just make them feel guilty or horrified by the realities in RP. Maybe some westerners would buy them but for the most part it's the ones that offer fresh "eye candy" and entertaining stories that gets bought or ordered.

-- blog regular reader

 
At Monday, February 18, 2008 11:57:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Very good point, Anonymous Part II.
The Sterling komiks are truly INFERIOR and there is no chance in RAT'S ASS it can compete with what's out there. A sad reality, but reality nevertheless.

 
At Monday, February 18, 2008 12:13:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Anonymous-

'Isa po ako sa naniniwala na hindi ka pwedeng mag-"global" kung di mo muna maisaayos ang iyong sariling national identity para may distinction at uniqueness ka sa international comics market.'

Sad to say kuwestyunable tayo dito. Ang 'national identity' natin sa komiks ay kasinlabo ng culture natin bilang Pilipino.

Kaya ba nating gibain ang 200 years na pananakop ng Kastila, ang influence na ibinigay sa atin ng Amerika. Mas Westerners tayo kesa Asian.

Pero mahabang isyu yan. At bahala na ang mga authorities para resolbahin yan. Iyun e kung mareresolba nga yan.

Ang isyu ko lang dito, gusto ninyo ng maraming trabaho, gusto ninyo ng pera na makakatulong sa ekonomiya natin, kailangan na nating bentahan ng produkto natin ang ibang bansa. Matagal nang ginagawa yan dito sa atin, bakit hindi isama ang komiks?

May feeling ako na ang salitang 'ayusin muna ang industirya natin' ay isang abstract. Sa tingin ko ay ayos na industriya natin noon pa, nagkataon lang na yung salitang 'ayos' para sa mga gumagawa ng komiks ay ayos na ayos na para sa kanila.

Move on na tayo. Ano pa ba ang hinihintay natin na maayos? Maayos na ang lahat sa kani-kanilang pagkakaintindi.

Kailangan na nating magpalawak.

 
At Monday, February 18, 2008 2:55:00 PM, Blogger Gio Paredes said...

the coolcanadian said:

"SOLUSYON:
PUBLISH YOUR OWN KOMIKS. Be the creator, and the publisher. Tapos ang kuwento."

I totally agree.
At yan naman ang pilit kong ginagawa kahit sa Kalayaan comics ko, kahit na medyo mahihirapan ako.

As of now, Kalayaan comics is written in tagalog since ang target market ko ay local pa lang. Kung may malaking pondo lang ako. I will translate it to english and I would print thousands and thousands of copies of it and sell it to other countries.

I really would like a home grown comics to duke it out in the global market with Marvel and DC. That is my ultimate goal.

But for now, local na lang muna.

 
At Monday, February 18, 2008 2:55:00 PM, Blogger Gio Paredes said...

the coolcanadian said:

"SOLUSYON:
PUBLISH YOUR OWN KOMIKS. Be the creator, and the publisher. Tapos ang kuwento."

I totally agree.
At yan naman ang pilit kong ginagawa kahit sa Kalayaan comics ko, kahit na medyo mahihirapan ako.

As of now, Kalayaan comics is written in tagalog since ang target market ko ay local pa lang. Kung may malaking pondo lang ako. I will translate it to english and I would print thousands and thousands of copies of it and sell it to other countries.

I really would like a home grown comics to duke it out in the global market with Marvel and DC. That is my ultimate goal.

But for now, local na lang muna.

 
At Monday, February 18, 2008 6:52:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Idagdag ko lang ulit...

Wala na tayong dapat pang ayusin. Ayos na ayos na.

Maraming nang nakikisimpatya sa komiks pati gobyerno, tinatatanggap na tayo ng akademya, marami nang nagkakainteres mag-publish ng komiks, nagsusulputan na ang mga magagaling at mahuhusay (na bago at luma), naglalabasan na ang mga sugo at mga hari...ano pa bang hinihintay natin? Magpalawak na tayo :)

 
At Tuesday, February 19, 2008 1:26:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ganda siguro kung sa nanalapit na panahon, pagpunta ko dito sa mga comics shops, ay mabubuglawan ko na ang mga comics na gawa ninyo from the Philippines. Mas maganda kung graphic novel o anthology. Maraming heritage ang ating lahi na tiyak na magiging interesante sa mga mambabasa sa buong mundo. Basta't gawing ORIHINAL, hindi tayo magkakamali, lalo pa't kung maipapakita ang ating kaibhan bilang Pilipino. At ito'y lalong magiging intriguing dahil sa ating halu-halong culture na naging confluent ng iisang lahi, ang lahing pinoy.

 
At Tuesday, February 19, 2008 12:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

mahirap naman gawin ito dahil hindi naman ganito ang takbo ng kaisipan ng mga pinoy. mas maigi pa sa kanila ang mamasukan na lang sa isang kompanya at makuha ang kikitain sa araw araw.ang mga pinoy naman ay madalas na ikinahihiya nila ang sariling kultura at mas pinapahalagahan pa ang kultura ng ibang nasyon dahil kung mali ako ay bakit mas maraming imported books pa rin ang makikita sa mga bookstores at mas lalo pa nga ngayong dumarami ito hindi ba? sa komiks na lang tingnan natin at ito ngayon na puro imported na halos lahat na yata at kun g meron mang lokal ay nasasapawan at di talaga pansin.

 
At Tuesday, February 19, 2008 1:15:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang mga Japanese, French, at U.S. comics industry po ba, nang magsimula e, agad-agad ba nilang binalak na ibenta ang kanilang comics internationally at for an international audience, OR sinimula ba muna nilang mgakaroon ng malawak na pagtangkilik ng comics nila sa kanilang sariling bansa?

Nagtatanong lang po.

 
At Tuesday, February 19, 2008 1:22:00 PM, Anonymous Anonymous said...

This thing about making Pilipino "global-English" comics has been with us since the early 1990s. Questor Extreme tried doing it. Gerry Alanguilan tried doing it. C.A.T.S. and their "Aster" comics tried doing it, Mangaholix is presently doing it, OTHERS are doing it...they're all making comics that cater to a western and english speaking audience. What's the result so far? Has an industry come out? What kind of industry? What kind of audience is benefitting from such an industry? Whose comics reading culture is being enhanced by such a measure? Has this "world domination" of Filipino comics come about? Since 1990, pa 'yang "global" world domination gameplan na yan. 2008 na ngayon. What went wrong with the gameplan?

 
At Tuesday, February 19, 2008 1:33:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit hindi gayahin ng mga komikerong "globalists" ang ginagawa ni Caparas? Ba't hindi sila gumawa ng business plan nila, ironda para me makuha silang sponsor, tapos, maglathala ng kanilang malawakang First World English comics para makita natin kung me tatangkilik nga dito? Bakit kinakailangang pasiyahin pa nila muna ang "the World" sa mga comics nila? Maliit ba ang pagtingin nila sa mga mambabasang Pilipino dito sa Pilipinas?

Kung inferior quality ang Caparas comics ba't di sila maglabas ng kanilang English global versions dito sa Pilipinas?

 
At Tuesday, February 19, 2008 3:31:00 PM, Blogger monsanto said...

Money lang yan talaga! Kung mayn , millionaire na magtatayo ng comic company sa pinas babayaran ng maganda mula writer at artists tapos, mabibigay ang royalties at kung anu ano pang rights, tapos makakapagpaprint sa magandang printer tapos magugustuhan ng mga tao, masa at sosyal. Pwede na rin niya mabenta sa labas.

Kasi marami sa atin nagseself-publish. oks sana kaso umaaray na ang bulsa hehe. We'll do a lot of things pero sa bandang huli pera pa rin tayo kapos. Naniniwala pa rin ako na tagalog ang takbo ng mga stories ko, kasi mas comfortable ako sa pagsulat ng tagalog.

Maglalabas ako ng english pero siguro dahil hinihingi ng itsura ng gagawin ko at di dahil gusto ko maging global. Basta whatever works, yun ang gamitin natin.

Kung magbibigay lang ng GRANT ang government o ng kung sinumang super yaman diyan. Ayos na pare. PRomise. Isipin mo, kung may pero mapupuno natin ang comic quest at ng iba pang comic shops ng malalaki at magagarang posters na gawa ng mga sikat, kasi we can afford them! Face value rin kasi talaga minsan.

Hay, sana mayaman ako, kelan kaya mananalo sa Lotto? balita ko luto rin pati iyon eh, nailalagay sa kurakot! kurakot kurakot, yan ang prob ng mga pinoy!

 
At Tuesday, February 19, 2008 4:03:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Examples of art by Pinoy artists that that were sold or are being sold online, just to give you some ideas Randy.

http://budplant.com/product.asp?pn=CONCS

note Gerry credited as author here: http://www.amazon.com/Graphic-Classics-Bram-Stoker-Novels/dp/0971246475/ref=sr_1_7?ie=UTF8&s=books&qid=1203407326&sr=8-7

http://www.amazon.com/Arik-Khan-complete-Franc-Reyes/dp/B000LK3768/ref=sr_1_3?ie=UTF8&s=books&qid=1203406413&sr=8-3

If you can figure out how to ship your titles to Amazon.com and other big online bookstore and promote them at conventions like San Diego Comicon amd sites like http://www.comicbookresources.com/ you have good opportunities to sell, promote and distribute in North America.

Online stores show how much imported artbooks sell so hopefully that will help you in calculating overhead and artist fees.

Another thing is online based print on demand services which I think you've mentioned in your blog before.

Lots of Pinoy artist like Lan Medina, Carlos Pagulayan are pretty damn good at drawing western or manga characters and environments (why they're busy in the first place, right?). And there are lots of good Pinoy English language writers. So why not make and sell Pinoy stories but drawn like what your international target market is already familiar with. Makes business sense to me.

http://www.comiconart.com/LanMedina.html


I see a couple of old Pinoy artists represented by Glass House Graphics, like http://www.glasshousegraphics.com/creators/pencilers/JunLofamia/index.htm
so I don't why more senior citizen komikeros can't benefit more from what the internet can offer in terms of selling or promoting their art.

-- regular blog reader

 
At Tuesday, February 19, 2008 4:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sabi ni robby: "Kung inferior quality ang Caparas comics ba't di sila maglabas ng kanilang English global versions dito sa Pilipinas?"

Easy to answer. Artist have mouths to feed and dreams to aspire too. You know making komiks is not an easy job. Hungry komikeros should use a calculator and do the math.

Caparas komiks = what, 10-15 pesos$
Versus...1 character pinup available oniline = $70 dollars (almost 3,000 peso). Even if you deduct 20% commision for your rep one can still make and easy 2,000 pesos.

Sorry to embarass Ed, but the link is publicly available online so here is his price list as a sample. Leinil's and Lan's are in there too.
http://www.comiconart.com/EdTadeo.html

From what I've observed, it's the guys who are doing well doing international jobs who are giving a lot back to their local art communities. Examples, Gerry and Randy (with his art lectures). Komikeros who are complacent, hungry, and angry spend more time attacking progressive and active guys...like Gerry and Randy.

-- regular blog reader

 
At Tuesday, February 19, 2008 11:52:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Regular Blog reader:

The most ridiculous part of this exercises in futility is that the hungry, the complacent and the angry ones you mentioned may not even a writer or an illustrator. They are just bystanders and yet have the gall to berate those who have decided to do komiks for the world market. They insist that these comic books are not selling in RP and abroad.

Well, it's not their problem anymore whether these books become successful or not. What's important is that they are there, and these creators are doing their best to produce these books.

It is getting to the point that these narrow-minded creatures are getting to be really IRRITATING. They should just write and draw and publish and show us how ingenious they are, period.

 
At Wednesday, February 20, 2008 7:43:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pin-up art ba ang comics? Di ba me pagkakaiba yan? Ibig nyo ba sabihin ng global komiks e "pin-up art"? Kung malaki kita dyan, saan nyo naman ginagastos? Paggawa uli ng pin-up art? Ba't di nyo gamitin ang pera para makabuo ng matinong marketing study? Tapos ironda sa mga possible financiers? Bakit nagawa ng Sterling Caparas? Bakit nagawa ng mga beterano? Wala naman silang internet. Di naman sila madalas mag-blog tulad nyo. Pero ayan. Naulol nila yung Malacanang.

Bakit di nyo ma-resource ang mga students sa network nyo galing sa mga elite schools tulad ng La Salle, Ateneo at U.P.?

Lumang tugtugin na 'yang wala kayong pera, papakainin pa si Junior, walang gatas si Baby Jennilyn, "lOVE" ko ang pinoy komiks kaya lagi akong magpapa-photocopy. Haaay. Kelan nyo ba papalitan yang ARTIST thinking cap nyo ng iba namang thinking cap?

Ang gagaling nyong manlait sa komiks ni Caparas pero nadaig pa kayo ng mga beterano.

 
At Thursday, February 21, 2008 10:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

IKAW ang hinihintay nila ! ang dakilang Messiah sa Comicdom magpakitang gilas ka naman, sumama ka na doon sa Sterling-CJC. Ang Henyo na magbabalik sa dating glorya ng komiks, para sa masa....

John Doe

 
At Wednesday, January 14, 2009 10:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

wala na po ang sterling comics. nalugi na ata.

yun lang.

bow.

---> nasyonalista kuno

 

Post a Comment

<< Home