ANG PAGBABALIK
Halos dalawang linggo rin akong nawala sa Maynila dahil nagpunta ako sa kung saan-saan na hindi ko pa nararating at gumawa ng mga hindi ko pa nagagawa. Bigla akong napauwi kaninang umaga dahil ipinatawag ako ng isang animation studio para sa isang importanteng meeting bukas.
Pasensya na kina Auggie Surtida at Arnold Fuentes ng Apex Animation dahil hindi na ako nakapunta sa Iloilo para tingnan ang Dinagyang Festival. Kulang na kulang talaga ako sa oras. Pipilitin kong makapunta diyan sa inyo baka mid this year.
Kasa-kasama ko sa lakaran ko ay ang aking maliit na digicam. Kasalukuyan ko pang ini-edit ang mga shots dahil balak ko itong gawing documentary film pero ia-upload ko naman ng libre sa YouTube. Hindi ko alam kung paano ko ito patatakbuhin pero kumpleto na ang materyales ko ng mga shots sa mga lugar na napuntahan ko.
Narito ang ilang samples na makikita sa video:
- Pagtira ko ng ilang araw sa bahay ng mga anarkista sa Cebu
- Mga punkistang namigay ng pagkain sa mga mahihirap sa harap ng Magellan’s Cross
- Sinulog Festival
- Pakikipagkita sa mga members ng CEGP (College Editors Guild of the Phils.) para sa Komiks Workshop
- Lasing na humiga sa kalye na muntik nang masagasaan
- Nakatabi ko si Ricky Lo (Channel 7) sa pier habang nag-aabang ferry boat.
- Hubo’t hubad na bata ang sumalubong sa akin sa pier ng Ormoc
- Rally sa Tacloban
- Nilakad ko ang San Juanico Bridge mula Tacloban hanggang Samar ng alas-siyete ng gabi
- Basic drawing workshop sa UP Tacloban
- Inuman ng tuba sa tabi ng etatwa ni Mc Arthur sa Mc Arthur Park
- Naharang ako sa airport
Ilan lamang ito sa mga naging karanasan ko sa byahe. Medyo aabutin siguro ng mahigit isang linggo bago ko matapos ang editing ng video dahil pagbalik ko ay tambak na kaagad ang trabaho ko sa bahay—maglaba, maglampaso, at mga pending na drawings na kailangan na ng kliyente.
4 Comments:
At siya's umalis, at siya'y dumating.
Isa ito sa episode noon ng PANAGIMPAN na TV drama ni Marlene Dauden sa Channel 2. This particular episode was written by Orlando Nadres.
TUBA? Diyata't uso pa rin pala ito? Akala ko'y tuluyan na itong napalitan ng MARKA DEMONYO (Ginebra) at MARKA ANGHEL (San Miguel).
Naalala ko noong bata pa ako sa Bicol. Nakakainom ako ng tuba na kulay puti, bagong taga yung "GRIPO" ng puno ng niyog. Masarap iyon dahil hindi pa fermented. Pero kapag naging tuba na...PWE! Para kang uminom ng vinegar na walang asim.
Medyo brown yung natikman naming tuba, at masarap siya. Sabi ng tinder ay class A daw sa kanila yun:)
Pero kinabusakan ang sakit ng ulo ko hahaha.
JM,
Mi nilalagay silang organic coloring sa tuba kaya nagiging orange ang kulay nito, parang /bark o roots yata...
Randy,
Ang lakas pala ng sipa ano ? kaya ako stick na lang sa gin, walang sakit sa ulo.... Sayang, dumadagundong na sana starting today ang mga drums sa Iloilo City para sa pagdating mo sa DINAGYANG ,3-day affair na dancing in the streets. Di bale, mi next year pa naman....
Auggie
oist pasaway bakit ka naharang sa airpost anong drama mo naman kasi!
he,he muntik na akong tumawid ng iloilo sayang wala na budget eh!
Post a Comment
<< Home