Thursday, January 03, 2008

KOMIKS BUBUHAYIN NG SENADO


Anong kapangyarihan mayroon ang komiks ngayon at parang pinagtutuunan na ito ng pansin ng marami, kahit ng Senado? Dahil ba malapit na ang eleksyon? Marami na bang hindi marunong magbasa kaya nababahala na ang gobyerno? O sadyang wala lang maipasang batas ang Senado kaya itong komiks na lang ang pagtuunan nila ng pansin?

Kung ano man ang kanilang mga agenda, magandang balita pa rin ito sa industriya ng komiks. Sana ay makapagbigay ito ng maraming trabaho para sa atin. At dahil napagtutuunan na ito ng atensyon ng iba’t ibang ahensya at organisasyon, panahon na para magkaroon ng isang samahan ang mga tagakomiks. Samahan na mangangalaga sa kapakanan ng lahat ng mga manggagawa ng komiks, at kung paanong mapapanatiling masigla ang industriyang ito.

Paulit-ulit kong sinasabi sa blog na ito na kung may mabubuo mang organisasyon ng mga manggagawa ng komiks ay maging kapaki-pakinabang ito para sa atin. Napakarami nang organisasyon ng mga komiks crerators ang nagawa simula pa noong 1960s at panahon na rin ang nakapagsabi kung nasaan na ang mga ito—SPIC (Society of Philippine Illustrators and Cartoonists), SKP (Samahang Kartunista ng Pilipinas), HANDS, UAP (United Artists of the Philippines), at marami pang ibang maliliit na samahan ng mga manunulat at dibuhista.

2 Comments:

At Thursday, January 03, 2008 10:58:00 PM, Blogger KOMIXPAGE said...

Nakakagulat pero good news ito sa komiks industry at sa mga taong involved dito. Ano man ang intensiyon ng mga magsusulong ng bill na ito sa Senado, it's a welcome development.
Umaasa ako na mas marami pang milagro at himala na magaganap sa komiks sa mga taong darating

 
At Friday, January 04, 2008 3:00:00 PM, Anonymous Anonymous said...

i-quo-quote ko lang ang isang Pablo S. Gomez.

"lahat ng kumandidatong ginawan ko ng life-story-komiks ay nanalo."

ok ba? hehehe.

 

Post a Comment

<< Home