PALOS
Few months bago mamatay si Mang Virgilio Redondo ay lagi kaming bumibista sa kanyang bahay sa Valenzuela tuwing sabado kasama ko ang komiks illustrator-turned-pastor na si Arman Mercado.
Marami rin akong natutunan kay Mang Vir sa mga kuwento niya noong panahon pa ng CRAF. Ilang libro at babasahing pang-komiks din ang nabili ko sa kanya. Sa katunayan, siya rin ang nagbigay sa akin ng magasing ‘The Philippine Comics Review’.
Balak kasi noon na magtayo ng sariling publication ni Arman, at isa si Mang Vir sa kinuha niyang senior writer at consultant. Ready na ang lahat ng papeles para magpa-rehistro kami sa SEC. May pangalan na rin ang publication na bubuksan—MAJAR LIKHA.
Nagulat na lang ako isang araw nang tumawag si Arman, “Patay na si Mang Vir!”
Nakakalungkot. Kasi alam ko kung gaano kalaki ang naging kontribusyon ni Mang Vir sa Philippine Komiks. At alam ko rin kung gaano kasakit ang makita siya noon sa likod ng GASI kau-kausap ang mga artists para bentahan lang niya ng mga references. Hindi ko lubusang naiintindihan, pero sa nakita ko, at makailang beses kong pagpunta sa bahay nina Mang Vir, naghirap sila. Hindi naman kasing-dukha gaya ng inaasahan ng marami, pero alam kong hindi ganito ang kanilang katayuan noong panahon ng CRAF.
Si Mang Vir, ibinebenta ng mura ang kanyang mga mamahaling libro at rare collections ng kung anu-anong babasahin at mga original arts.
Laging nakasuot si Mang Vir ng sumbreror. Yung sumbrero na suot ni Palos. Biniro siya minsan ni Arman, “Hindi niyo ba hinuhubad ‘yan?”
“Hindi. Para lagi kong naalala si Palos.” Sabi niya.
Nang mamatay siya, ang kuwento sa amin ng asawa, umiiyak daw madalas si Mang Vir. At ang laging sinasabi, “Paano na ang Palos ko?”
Tanda ng isang manunulat na nagmahal ng husto sa kanyang likha.
Sa kahirapan ng buhay, ibinenta ni Mang Vir ang ‘karapatan’ ng Palos kay Bernard Bonnin (ayon sa pagkakaalam ko) dahil ito ang naging bida nang maging pelikula nga itong Palos.
Ngayon, isa sa lineup na magiging telenobela sa Channel 2 ay itong Palos:
http://tagpuan.com/jake-cuenca-on-abs-cbns-palos/
Hindi ko alam kung sino ang ilalagay nilang creator nito. At hindi ko alam kung tatalakayin nila sa kanilang feature na ‘the making of…’ (usually ay nagaganap ito tuwing bagong magsimula ang telenobela) ang orihinal na manlilikha nito sa komiks. Kung si Bernard Bonnin ang ilalagay nilang may hawak ng ‘karapatan’ nito, wala na tayong magagawa dahil naipagbili na ito ni Mang Vir.
Pero sana, sa puso nating mga tagakomiks, at sa lahat ng makakabasa nito:
ANG PALOS AY MULA SA KALULUWA AT PUSO NG REDONDO BROTHERS.
At sa magkapatid na iyan, kina Nestor at Virgilio, kay Mang Vir dapat ialay ang Palos.
(Larawan sa itaas, mula sa video48.blogspot.com)
12 Comments:
Randy,
Mi mga kopya ka pa ba niyang Redondo Komix na iyan ? kung meron, pwede bang mag pa xerox ? please advice, thanks....
Auggie
auggie-
isa yang palos sa mga wala akong kopya galing sa redondo brothers. hindi ko nabasa. ang meron ako na kuumpleto ay ang rex samson.
nakikiramay ako sa buong pamilya ni sir mang vir...
p.s.
sa kanya pala galing ang palos!
Randy,
Bago yata sa akin yang REX SAMSON na iyan, saan ba lumabas iyan, pwedeng paki-post ? thanks ...
Auggie
Ever-
Matagal nang yumao si Mang Vir. Kelan ka pala uuwi ng Pinas?
Auggie-
Si Rex Samson ang local version ni Flash Gordon. Talakayin ko ito sa mga susunod na pagkakataon.
Balita ko may nakuha din namang amount kahit papaano ang Redondo family sa Palos series na ito. Di ko na lang babanggitin kung magkano.
Hindi kaya movie rights lang ang naibenta kay Bernard Bonnin? Parang sitwasyon sa Panday, ang movie rights ay hawak ng pamilya ni FPJ pero pagdating sa ibang bagay ay si CJC ang nagmamay-ari.
Nakami-miss din si Mang Vir. Dami nyang kwento tungkol sa komiks at talagang nakatutuwa pag nakita mo yung mga koleksyon nya.
Sana mabigyan sya ng credits dito sa ilalabas na Palos ng ABS-CBN.
Randy,
Sino-sino ba ang mga heirs ng Redondo Brothers ? yung mga anak nila andito pa ba sa Pilipinas ? saan sila sa Valenzuela , Bulacan ?
Auggie
Auggie-
Ang kilala ko lang na mahilig ngayon sa komiks ay ang pamangkin nila na si Dennis Redondo, anak ni Kiko. Sa Velenzuela sila, sa likod lang ng Fatima Hospital.
Randy,
Si Mang Nestor , at si Mang Vir, ba walang mga anak na mahilig sa Komiks ?
Auggie
Correction lang po, si Dennis Redondo po ay di anak ni Kiko Redondo, si Dennis Redondo ay anak ng yumaong si Sisenando Redondo Jr. kapatid din nila Virgilio, Nestor at Kiko.
Upps, o nga pala. Lagi akong nalilito dyan. Thanks pre :)
Post a Comment
<< Home