Friday, November 30, 2007

TITIBAY ‘YAN!

Kausap sa phone: Hoy, Randy! Ano na naman bang nangyayari sa blog mo?

Ako: Binibigyang buhay ko lang ang walang kabuhay-buhay na industriya ng komiks (sabay tawa).

Kausap sa phone: Nag-aaway na naman ang mga tao. Tuwang-tuwa ka pa!

Ako: Grabe ka naman. Hindi naman. Nagpa-praktis lang ang mga ‘yan! Para pagdating sa December 11 (Pasko ng Komiks sa UP, Diliman) e praktisado na silang sumagot. Titibay na silang humarap sa lahat ng pagsubok sa buhay (tawa ulit).

Kausap sa phone: Bakit, may debate ba ru’n?

Ako: Hindi ko alam. Basta ang alam ko e maghapong balitaktakan ‘yun. Saka kaharap ng mga tagakomiks e puro mga propesor at academicians, mga galing sa literature. Hindi puwedeng dumaldal lang tayo du’n ng kung anu-ano.

Kausap sa phone: Parang napaka-active ng komiks industry ngayon. Ang dami-daming happenings.

Ako: Ngayon lang ‘yan. Mga third week ng December, pahinga ang mga ‘yan. Susunod na ingay niyan, baka mga February o March na.

Kausap sa phone: Bakit? Anong ingay na naman ang darating?

Ako: Secret (ngising aso). Basta abangan mo na lang. Teka, nakakapagsulat ka ba ng prosa?

Kausap sa phone: Di ko pa na-try e. Komiks script lang alam kong sulatin.

Ako: Kaya mo ‘yan. May sasabihin ako sa ‘yo…bzzz bzzzzz…..

*****

Naisip ko, kaya nagtatalu-talo ang mga magkukomiks ngayon ay dahil MAHILIG lang talaga sila sa komiks.

Kaya gumawa akong video para sa mga MAHIHILIG sa komiks. Kasama ako. Para sa ating lahat ito…


*****

Kung maluwag-luwag lang talaga ang oras ay gusto kong mag-drawing sa mga komiks ni Direktor Caparas. Pero dahil talagang tali ako sa trabaho, hindi ako makapag-commit kahit noon pa ako tinatanong ng editor.

Pero minsan, tumawag si Direk Caparas sa cellphone ko. Gusto niya talagang makakita ng ‘bagong dugo’ sa kanyang mga komiks. kung hindi man sa limang existing titles ay baka doon sa mga bagong titles na bubuksan.

Mula noon ay minaya’t maya niya ang tawag sa cellphone ko para I-discuss sa akin ang istorya niya na balak ipa-drawing sa akin. Nag-text din siya ng mga eksena para dito. Napasubo na tuloy ako. Saka naisip ko rin, bakit nga naman hindi? Siguro naman kahit isang maliit na panel ay makakatapos ako sa isang araw.

Pero mag-iisang buwan na ay isang page (na hindi pa rin tapos) ang nagagawa ko. Nahihiya na tuloy ako kay direk Caparas.

Pero dahil nga kung anu-anong isyu itong naglalabasan ng mga nakaraang linggo, hindi ko alam kung matatapos ko pa nga ito. Pero gusto ko talagang matapos, pero siyempre, gusto ko e tapos na rin ang problema sa publication. Masarap gumawa kung alam mong lalabas ito at mababayaran.

Pakikiramdaman ko pa ang ibang mangyayari. Malay niyo, isa na pala ako sa blacklisted hahaha.

Walang may hawak sa akin. Gusto kong gumawa kahit kanino. Gusto kong mag-contribute sa abot ng aking makakaya. Pirma nga ni Martin Cadlum sa kanyang mga sulat sa blogs: ‘Martin Freeman’. Gusto kong maging ‘Randy Freeman’ (ang nawawalang anak ni Morgan, hehehe).

Narito ang page 1 na hindi pa tapos. Story by Carlo J. Caparas. Drawing ni Randy Freeman.

7 Comments:

At Friday, November 30, 2007 1:26:00 PM, Blogger Unknown said...

hayup! ayos ang ginawa mong slide ha naloka ako! binuksan ko pa nman sa opisina itoh akala tuloy ng mga tao...

 
At Friday, November 30, 2007 8:09:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Isa na namang makabuluhang video mula kay Randy Valiente. Kahanga-hanga ka talaga.

 
At Saturday, December 01, 2007 1:55:00 AM, Blogger Unknown said...

Randy, The Buzz ka talaga!

 
At Saturday, December 01, 2007 5:44:00 PM, Blogger kc cordero said...

randy,
kaya pala nalugi ang sterling hindi mo agad tinapos 'yan! :)

 
At Saturday, December 01, 2007 5:59:00 PM, Blogger pamatayhomesick said...

ok yung video ah..mukhang naitago mo pa yung mga ginawa mo dati..he he he..

ever

p.s.
pre pwede ba kita i link d2 sa blog.

thanks!

 
At Friday, December 07, 2007 12:13:00 PM, Blogger Bluepen said...

Randy boy hahaha langya baka ma MTRCB ka, tama ba ako parang BUS Liner ata nasabi ko hahahah

 
At Monday, December 17, 2007 1:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

gALING NG VIDEO. Kelan lalabas yan sa Super Funny Komiks at mapalitan na yang GAGAMBINO/KROKO?

 

Post a Comment

<< Home