KASISIMULA PA LANG, TINAPOS NA
Hindi ko matiis na hindi magsalita. Ayoko nang palipasin pa ang maraming araw dahil magandang maaga pa lang ay malaman na natin ang mga isyung kinakaharap natin ngayon.
Gusto kong ipagpauna sa lahat ng makakabasa na ito ay opinyon ko. Wala akong pakialam kung sino ang masasaktan. Karapatan kong sabihin ito dahil involved ako dito, kaming mga gumagawa ng komiks sa Sterling, kaming mga umaasa na isang araw ay bigla na lang ulit sisigla ang industriya ng komiks dito sa atin. At hindi ito dapat palampasin dahil kasama ito sa kasaysayan.
Nakatanggap ako ng balita (text message) na nag-resign na sa Sterling si Mr. Martin Cadlum (siya ang may hawak business side ng komiks). Sa dalawang tao ko natanggap ang balitang ito, pareho sila ng tinext sa akin. Noon pa man ay nararamdaman ko na ang internal problem ng Sterling at ng grupo ni Direk Caparas. May duda ako na hindi malinaw ang kanilang pagiging ‘business partner’. Hindi ko rin alam kung may kontrata o wala. Ang alam ko lang, maraming isyu silang dapat I-solved.
Tinext ko ang editor na si Sir Andy Beltran pero wala pa siyang masasabi sa isyu na ito.Iyon ang mahirap sa isang business deal na binuo ng showbusiness at puro palabas. Hindi naging malinaw ang usapan. Maganda ang advertising at promotion on the outside, pero sa loob ay maraming hindi malinaw.
ANYO NG KOMIKS
Malinaw ang konseptong nais ilabas ng Caparas editorial board, ibalik ang tradisyunal na komiks. Kung ano ang kanilang iniwan, iyon din dapat nilang balikan. Kaya nag-reflect ito sa limang komiks na kanilang binuksan. Traditional kahit saang anggulo tingnan.
Sa nababasa ko sa Sterling, mayroon din silang sariling pananaw. Para sa kanila: Kung ano ang iniwan ninyo 10-20 years ago, hindi na iyon ang babalikan mo ngayon. Nagbago na ang maraming tao, lalo na ang mga nagbabasa.
Naging problema nga kaya ang konsepto ng limang komiks?
PAGPASOK NG IBA
As a business entity, may vision ang Sterling (sa pamamagitan ni Mr. Cadlum) na palawakin at palaguin ang kanilang negosyo. Kaya nang matapos nilang suportahan ng husto ang paglalabas ng komiks ni Direk Caparas, kailangan naman nilang mag-move on. Paano nga ba ang naisip nilang pag-move on? Iyon ay walang iba kundi tumanggap ng ibang grupo—na hindi under ng Caparas team—at gumawa rin ng sariling komiks.
Kaya nabuo ang mga meetings between Sterling at mga independent creators. Sa katunayan, maging ang dalawang titulo na noon pa binalak ng Sterling na ilabas ay ipinahawak na rin sa ilalim ng ibang grupo.
Ito ang problema: Madalas banggitin noon ni Direk Caparas—kahit pabiro—na wala nang ibang komiks na makakapasok sa merkado kundi ang Caparas Komiks. Hindi ko alam kung ipinaglaban niya ito kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng Sterling. Magulo ang business deal na ito dahil napaka-importante ng isyu ito. Paano magiging mabuting business partner ang dalawang hindi magkasundo ng layunin?
ITUTULOY
Lampas nang dalawang buwan ang nakalilipas buhat nang buksan ang limang titles ng Caparas Komiks. Pero isyu number 5 pa lang ang nasa merkado. Kung tutuusin, kung nasunod ang weekly nitong labas, dapat ay nasa isyu 8 na tayo.
Ang mga problema kaya sa itaas na binanggit ko ang nag-trigger kaya nagka-delay-delay ang labas ng komiks?
ANG NAKARAAN
Nang pagsarhan kami noon ng GASI at Atlas (sa ilalim ng mga Roces), marami sa amin ang hindi alam kung saang trabaho tatakbo. Higit na naapektuhan ang mga beterano. Wala kaming nagawa. Wala kaming boses. Walang blog noon para maglabas ng sama ng loob.
Pero ngayon ay iba na. Mas dynamic na ngayon ang pananaw ng mga makabagong komiks creators. Wala na tayo sa ilalim ng monopolyo.
Pero naroon pa rin ang panghihinayang sa pagkakataon na ibinigay sa marami sa atin na makapagtrabaho ulit sa local komiks. Hindi lang kayong mga nasa itaas ang apektado, kundi kaming mga contributors—writers at artists na pikit-matang umaasa sa pagbabalik ng komiks.
Narito ang nakikita kong mga problema ng Sterling-Caparas ngayon kaya hindi malayong titiklop ang publication ng komiks. Sana nga lang ay mali ako:
- Business partnership
- Editorial Board/System
- Komiks Concept
- Visual Presentation
Samantalang narito naman ang optimistic na view ng marami sa atin. At lubos ko kayong pinupuri dito:
- Marketing Plan
- Dedication
- Harwork
- Passion
Tuloy pa rin ang labas ng limang komiks ayon sa pagkakaalam ko dahil may mga sasalo sa posisyon ni Mr. Cadlum. Ngunit siguradong malaki ang epekto nito sa bawat isa sa atin. Meron nang lamat, tanggapin man natin o hindi.
Magandang hangga’t maaga ay mapag-usapan ang problema—hindi sa pagitan naming mga contributors—kundi sa pagitan muna ninyong mga nasa itaas. Saka na natin pag-usapan ang problema sa pagitan ninyo at sa aming mga empleyado.
Susunod na isyung nakikita ko: reformatting.Nagbiro pa ako noon sa isang forum. Hanggang six months lang ang itatagal ng komiks at siguradong magri-reformat ito. Mali ako. 3 months lang pala.
24 Comments:
well, bago pa yan mangyari ay parang nahuhulaan na ang pupuntahan ng lokal komiks dahil sa ilang mga teknikal na suliranin, panloob na problema, pansariling interes, at mga isyung ayaw bigyan ng puwang at sagot. pero sa kabila nito ay patuloy na umasa ang marami (maging ako) na ang lahat ay maisasaayos at makakaahon sa tinatawag na "birth pain" o pagsilang na muli ng komiks. hindi pa naman marahil huli ang lahat. kung ang pagreresign ni mr. martin cudlum ang sa tingin niya ay makaka-save ng komiks, sana ay samantalahin ito ng kung sinumang papalit para bigyang pansin at agarang solusyon ang mga naging problema. binuhay natin ang komiks. marami tayong nagsimula. marami tayong nagtrabaho na hindi bayad ang dahilan kundi ang pagmamahal sa komiks. iilan lang ang nakinabang at nakikinabang pa rin. ang mga ilan sa mga nagsimula sa pakikibaka para isulong muli ang komiks at ang interes nito ay nag-oobserba pa rin hanggang ngayon. kung muling mawawala ang lokal komiks, sayang naman ang naging pagod natin. hindi na baleng wala kami (o maging ang iba) na maging pakinabang sa isyu ng pera o maibibigay na trabaho sa amin. hindi na baleng sa iba mapunta ang biyaya ng komiks maski hindi sila ang nagpagod sa paggagagaod nito, basta't magtuloy tuloy lamang ang komiks alang-alang sa industriyang minahal nating lahat.
dahil kung hindi, isang malaking kabiguan at kahunghangan ang sinimulan nating lahat. hindi ba, Randy?
glady e. gimena
Randy,
parang dalawa lang dapat yung items dun sa optimistic view mo:
1. Marketing Plan
2. Dedication, Hard Work, Passion
hehe lalang.
tingin ko ay kailangan nila ng editor in chief na may ideya sa makabagong mga panlasa.
I respectfully nominate Randy Valiente. can anyone else here please second the motion? hehehe. ;P
Malabong maresolba ng sterling ang problema nila, dahil sa paningin ng isang tao dyan, sya ang diyos ng komiks at sya ang nagbigay buhay sa mga ito kaya andyan ang limang komiks sa ating mga kamay. Sya ang utak. Sya ang kamay. At sya din ang magsasabi kung ano ang dapat at hindi dapat. Kung pabiro man ang katagang nabangit ni CJC na "NA WALA NANG IBANG KOMIKS NA MAKAKAPASOK SA MERKADO KUNDI ANG CAPARAS KOMIKS" iyan ay pahayag ng isang sugapa sa kapangyarihan at yaman.
Alam naman nya siguro na bago nabuo ang kanyang Caraoke Caravan...este Caparas Caravan, ay meron ng "KOMIKON". At sa KOMIKON, tayong mga independent artist, writers, colorist at kung ano-ano pa, ay muling nagkaisa, sa ating munting kakayahan at pagmamahal sa ating sining (at hindi para kumita at magkaroon ng marangyang pangalan) at ang malinaw na intensyong maibalik sa naghihikahos na mga Pinoy ang pambansang tagapag-ubos oras (kesa manood ka ng DVD na puro PORN at makipag-tsimisan)ang KOMIKS.
1995, sa UP Faculty Center una tayong nagbuklod buklod (nagtulungan ang ALAMAT at College of Fine Arts), upang maipadama ang lakas ng ating dedikasyon at pagmamahal sa komiks...sino ang nag gabay sa atin ng mga panahong iyon? Diba si Whilce Portacio. Sa kanya tayo lahat kumapit at ilan nga sa atin ang mga nabiyayaan. At ang mga taong naging disipolo ni Whilce ang talagang umalalay sa komiks, lalo na nun itoy nasa "Life-Support" na. Dumamay ba sya (CJC)? Asan sya? Gumagawa ng mga penikula nya? Binigyan pansin nya ba ang KOMIKS ng mga panahong yon?
Honest opinion, ginamit lang nya ang KOMIKS para i-angat ang pa-wala nyang career. Ginamit nya ang mga kawawang mga mahuhusay na artist at creator sa mga ilang na pook, para manipulahin nya. At ngayon, pati un tumulong sa kanyang publishing company, gusto nyang manipulahin? sa paraang hindi na sya mananamlay muli. Pero nagtagumpay naman sya sa una nyang intensyon...ang buhayin ang kanyang career to the expense ng mga kawawa nating mga artist at writer.
Pangising lang sana sa ating lahat ang katagang binitawan nyang ito..."na wala nang ibang komiks na makakapasok sa merkado kundi ang Caparas Komiks."
Kung ano ang gusto nyong hakbang na gagawin para sa pagmamahal natin sa paglikha ng komiks, sana wag lumaki ang ulo natin pare-pareho at hangkahan ang ibang mga magsisismula pa lang. Tulong-tulong tayo. Wag kanya kanya. PEACE!
Garro,
Panahon na ng NEW WAVE KOMIKEROS ! ika nga ni Erap, Weather, weather lang iyan, kaya, sugod mga Kapatid !
Auggie
To glady: Marami ang nagtrabaho ng hindi bayad para lang sa "pagmamahal" sa komiks? E bakit panay ang ratsada dito noon sa blog ni Randy ng mga me gustong tumaas ang page rate gayong nagsisimula pa lang ang lahat? Iyon ba ang pagmamalasakit? Pagmamahal?
To myke: Si Whilce Portacio at U.P College of Fine Arts noong 1995 ang nag-salba sa local komiks? Hwa hwa hwa. Yung 'Stone"? Alamat? Yung iba't-ibang inggles at kopya na American Japanese mainstream comics ng 1995 hanggang ngayon ba ang tinutukoy mo? Magkakano ba ang mga iyan? Sino ba mga target audience nyan? Di ba yung mga mayayaman at isnaberong "artist-artist" sa kampo nyo?
Utang na loob. Hindi lang si Caparas ang dapat nyong pagbintangang scapegoat. LAHAT KAYO INVOLVED DITO. Anak ng tipaklong. Ano ito? Lahat ng iba me kasalanan pero kayo WALA? Mga tribo-tribo mentality!
Sino ba ang pinmamalasakitan namin? di ba ang mga Veterans din? Gusto namin na mataas ang bayad sa kanila di ba? Kung mabibigay ba ang mataas na page rate na tinutukoy noon, sino ba sisingil nun? di ba sila? Sila ang gumagawa sa CJC komiks di ba?
Sa totoo lang, silang mga artists dun ang magagaling pero ang malaking pangalan kanino? Di ba kay Carlo lang? Yan ba ang nagsheshare ng biyaya sa mga drinking buddies niya? All the fame and power and money ay napupunta lamang sa iisang tao?
Magisip-isip ka nga? Kung alam niyo lang na sa deal pa lang niya sa Sterling at sa mga ghost backers ng komiks niya ay malaki na ang kinita niya, hindi page rates ha? Hindi barya.
Bakit naman kasi kailangan natin ng King? Bakit di pwede umangat ng sabay sabay?
"To have and to hold "
Wag ka mag anonymous dito, pwede? pampagulo ka lang e.Kung may tinutukoy ka at may argumento ng maayus humarap ka sa amin ng patas...hindi yung gagamit ka pa ng alias. Di namin binibigyan credibility ang takot magsalita na nakamaskara.
At bakit kami na involved sa CJC komiks, aber? Sino ba ang namamahala at nagpoproduce niyan dyan? kami ba? Binigyan ba ng pagkakataon ang mga indie na makapasok diyan? Binigyan ba ng tsansa ng pagbabago ng ating industriya? May nangyari ba ngayun? lalo lang yata tayo malulubog dahil sa kakulangan ng pang unawa ng iba sa atin diyan.Kabilang ka ba?
Malabo ang pagkakintindi mo pagdating sa rates ng ating mga artist at writers. Malalim na usapan yan at hindi sa isang iglap lang ngarequest kami ng pagtaas ng rates agad---ang sa amin ay pagbabago ng makalumang sistema.Naku!Heto na naman ang ulyaning pabalik balik.
Anong pagmamahal ang sinasabi mo? naiintindihan mo ba yun? Ang pagmamahal ay walang halong reserbasyon at descriminasyon.
Ang daming tanong na hindi nasasagot, ang daming problema ang hindi binibigyan pansin. Ano ang nangyari? Heto!Dahil pinabayaan! Dahil gusto lang kumita!
Tribo tribo mentality? matulog ka muna, magpahinga at magising muli para maka relax ka ng kunti, masyadong halata ka na iisang "side" lang ang pinapanigan.Anu gusto mo gawin, maniwala kami sayu? magpakilala ka at sabihin ang solosyun para makinig namn kami.
johnbecaro
to have and to hold:
"...marami tayong nagtrabaho na hindi bayad ang dahilan kundi ang pagmamahal sa komiks..."
- glady e. gimena
ANG bahagi ng comment ni Ms Glady sa itaas ang napuna kong isa sa mga ipinagsikip ng loob mo. Na para bang imposible itong mangyari pa sa ating materyosong mundo.
But I have news for you kung sino ka man: marami sa mga sumuporta noon na i-revive ang komiks ang gumugol ng panahon at emosyon na ang motibasyon ay pagmamahal sa komiks.
Mahirap bang tanggapin na marami sa atin ang gustong iangat ang komiks sa tunay nitong dapat kalagyan? Hindi ito panlibang lang sa mambabasa. Hindi rin isang industriya lamang at mulan ng pagkakakitaan ng mga sangkot sa paglikha ng komiks. This is part of our cultural heritage. Ganito ang aming pagpapahalaga kaya ang grupong karaniwang mahirap tipunin ay nagtipon -- NOON -- at nagsama-sama.
Nakalulungkot na hindi na-meet ang expectations ng marami, lalo ng CJC-Sterling partnership, sa paglalabas ng mga komiks. Pero ang mga problema at kakulangan ay nailahad na nina Randy, Glady, at John. Sang-ayon din ako sa mga puntong binanggit nina Garro, Mike at Gilbert. Harinawang tanggapin ng mga kinauukulan bilang constructive criticism ang mga iyon.
Umaasa ako na malulutas agad ang mga problema ng Sterling para magtuluy-tuloy ang pagbabalik ng komiks.
Mas madaling mailalagay sa dapat kalagyan ang komiks kung magtatagumpay ang Sterling. May susunod at tiyak na may mga susunod na iba pang publishers, independent or otherwise, para muling palaganapin ang komiks sa iba-ibang anyo.
(Basta huwag nga lang maging totoo ang sinabi ni Carlo na CJC komiks lang ang makapapasok sa mercado.)
At ang pagpapalaganap ay dapat ding hindi lang dito sa Pilipinas. Malaki ang market sa ibang bansa at sana'y maka-penetrate din doon ang mga komiks na likhang-Pinoy.
I prefer to remain optimistic --
Josie A.
para kay: To have and to hold said...
do you know who you're talking to? alam mo ba kung paano nagtrabaho ang mga taong nagpasimula na buhayin ang komiks? kilala mo ba ang lahat ng mga dumalo sa mga pagpupulong sa pagsisimula ng komiks kongress? ang mga taong walang kongkretong pinanghahawakan kung may patutunguhan ba ang pagsusulong ng local komiks gayung wala ito sa market? kung alam mo ito, kung dumadalo ka noon, kung kasama ka namin, kung nakikita mo kaming lahat... hindi mo iisipin na may isyu ng pera dito!!!
nagsimula ang marami para muling buhayin ang local komiks sa pamamagitan ng KWF, komiks kongres, NCCA, etc, na hindi alam kung may mangyayari o wala. mga meeting na walang patutunguhan at kanya kanyang gastos, kanyang kanyang pamasahe. pati ang contest ng CJC na hindi sinunod ang mga sariling patakaran. lahat ng nangyari ay tikom ang bibig sa mga reklamo at sa halip at tinanggap ng maluwag ang dalawang libong pisong premyo para sa lahat. kung may isyu ng pera dito, isa ako sa unang magrereklamo dahil nailagay sa diyaryo ang pangalan ko na isa sa mga nagwagi o kabahagi ng halagang 40 thousand pesos. ang daming humihingi ng balato sa akin dahil sa lumabas na maling balita.
pero wala maski isang nagsalita o nagreklamo sa pagbabago ng mga regulasyon ng contest ng CJC sa dahilang ang lahat ay nais sumuporta sa kung anumang "advocacy" ng mga taong namumuno sa komiks kongress at sa pakontest.
alam mo ba ang mga free workshop na ginawa sa ilalim ng kwf para itaas ang antas ng mga manunulat? (except of course ang pagpapadala ng NCCA sa mga probinsiya) sa aming mga facilitator.
excuse me, sino ang humingi ng mataas na rate? sino ang pinagbigyan? maaari mo bang sabihin o pangalanan? inaddres mo sa akin ang comment mo, ibig sabihin ay ako ang humingi ng rate? linawin mong mabuti. dahil kung hihingin ko ang tunay na rate ko bilang manunulat, alam kong hindi maibibigay ang hihingin ko.
at kung mayroon mang humihingi ng mataas na rate, marahil ay alam nilang may mga binabayaran na mga artist o writer na mataas na rate at karapatan lamang ito ng sinuman.
sino ang sinasabi mong rumaratsada sa blog ni randy? para sabihin ko sa'yo (kung sino ka man na ayaw magpakilala), ang pagmamahal sa komiks at pakikipaglaban dito ay hindi basehan sa paghingi ng mataas na rate. ang pagmamahal sa komiks ay ang pagmamalasakit na itaas ang antas nito (mga komiks creator, komiks concept, etc.), itaas ang kamalayan ng mambabasa at ang konteksto ng komiks at panatilihin ang komiks sa market bilang isang babasahing maipagmamalaki ng kulturang Filipino.
walang kampo-kampo dito. I'm speaking in behalf of those people whose interest is to protect the komiks itself. wala akong pakialam kung kaninong side ka o kung sino ang pinoprotektahan mo. as I've said, gusto kong magpatuloy ang komiks ng CJC at maayos ang mga problemang sangkot. ang importante ay may komiks na aangat ang kalagayan sa market at sa mambabasa, at may mga taong patuloy na susuporta at magmamalasakit sa komiks at sa mga manlilikha nito.
P.S. sino nga pala ang anak ng tipaklong? ako, sigurado akong anak ako ng nanay at tatay ko!
eh, ikaw?
LOVE AND CARE,
GLADY E. GIMENA
aka GLADY E. GIMENA PA RIN
guys,
ako 'yung humingi ng mataas na rate kay caparas (kung natataasan na kayo sa P1,000/page sa artist, p500/page sa writer). sabi ko nga doon sa mama, ako na lang ang magsasabi dahil kilala ko naman ang mga taga-komiks na kapag ipun-ipon ay hindi nagsasalita at saka naglalabas ng saloobin kapag wala na ang pagpupulong. at doon sa ginawa ko ay nagpasalamat naman ang mga taga-komiks dahil may nag-voice out ng gusto nilang sabihin.
pero hindi naman ako mukhang salapi kaya ako nangalandakan noon na mag-request kay caparas. nagkataon lang na sa harap-harapang iyon na isa na ring negosasyon at napag-uusapan na ang payment, sinabi ko lang na baka naman puwedeng ipantay sa offer ng isa pang publication (mango) na ang rate ay kagaya nang binanggit ko sa itaas.
i can attest to the fact na marami pa ring nagmamahal sa komiks na handang gumawa nang walang bayad para sa sinserong adhikain na sumigla ang komiks natin. ang mga nag-contribute at patuloy na nagko-contribute kahit pansamantalang mothballed ang filipino komiks ay halos lahat ay gratis et amore.
let's all hope na sa pagsasakripisyo ni martin ay magkaroon ng panibagong direksyon ang sterling dahil tama ang sabi ng marami, ito lang ang may kapasidad, for the meantime, na makapaglabas ng komiks sa maramihang volume.
siguro na rin ay dapat nating paminsan-minsan ay iwasan ang 'traffic enforcer mentality.' what i mean is, kung traffic aide halimbawa tayo at may nakitang nasiraan ng sasakyan sa kalye, baka puwedeng tulungan muna nating makapagpalit ng goma o maisaayos ang anumang trobol sa halip na tiketan agad.
To have abd to hold...
"Utang na loob. Hindi lang si Caparas ang dapat nyong pagbintangang scapegoat. LAHAT KAYO INVOLVED DITO. Anak ng tipaklong. Ano ito? Lahat ng iba me kasalanan pero kayo WALA? Mga tribo-tribo mentality!"
Ang lakas mong mang-accuse ng iba na nagtuturo ng scapegoat, gayong guilty ka din dito. nag-all-caps ka pa ng LAHAT KAYO... so ikaw din pala naghuhugas-kamay ng iyong involvement. KAMI lang ang tinuturo mo.
Sa tingin ko, wag nang pansinin ang mga ganitong comments tulad ni To Have and To Hold, halata namang nang-uudyok lang ng violent reactions ang taong ito.
Tama ka Reno, mi pagka agitrop nga ito, pero bahag naman ang buntot, masarap gulpihin eh....
Talahib
hay naku, si papa KC talaga. isa sa mga lalaking nakilala kong may guts at may balls.
kung sabagay ang tipaklong ay walang balls.
hehe.
glady
yup, i was there also. du din nasabi yun tungkol sa monopoly. ngayon alam niyo na lahat ito. pano magiging healthy ang industry kung isa lang player?
Sir Randy,
Nakita ko ang interview mo sa Youtube ng Komicon! Congrats.Dapat cguro mag kaisa na ang mga Filipino artist para magkaroon nga Mas malawakang Organization ang Komiks dito sa bansa Natin
Arnold Of Iloilo
I'm not privy or even remotely in the know of the how, when, why and how much of the Sterling-Caparas-Komiks deal pero I'm wondering if these few months had komiks really been "revived". These may be the best looking locals in quite some time but if one can't find a copy, well... you get the idea.
parang tama yung si garro... si cjc marunong yan maglaro sa kanyang career. magaling gumimik. masakit para sa akin ang mga nangyayari. kasing salimuot yan ng politika sa bansang ito. sayang. magaling sana si cjc as komiks knight, pero yung ganda ng kanyang mga linya sa kanyang mgac obra ay di niya isinasabuhy. marami pang mangyayari sa komiks at hindi ito ang kanyang wakas... pagtulungan nating lahat... people power ika nga. huwag nating asahan si cjc... huwag nating isama sa kanyang bagahe ang ating mga visions... tayong lahat ang samasamang mag-isip... magplano... at lumipad... tunawin natin ang balaraw, ang bato, ang barbell at pag-isahin n atin ang kanilang mga kapangyarihan.... mabuhay tayong lahat!
salamat nga pala ... randy sa panonood mo sa mga likha ko sa youtube
rms
hmmmm...ANAK NG TIPAKLONG...magandang title ng komiks yan a, makagawa nga :-)
Sa palagay ko "pagkabuhay muli" ng komiks (kung patay nga ito) Ay talagang makukuha natin sa ating joint effort. Hindi lang ng isang tao o grupo pero tayong lahat. Pero sa Nakita ko sa komikon at sa mga ibat ibang indie titles na naglabasan talagang buhay na buhay ang komiks. Basta pagpatuloy lang natin yung mga ginagawa natin lahat basta para sa ikakaunlad ng komiks .Suportahan :-)
JP CUISON
Caparas has left, came and disappeared again. He really does not deserve to be called "king of Komiks". He may have contributed before and have publicized komiks again but he can easily slip out and just make profit of all that he has done for movies and TV. It's all media frenzy for him.
For those who are directly affected by this (the artists and writers of CJC comics who were left hanging), I am sure that their talents have been exposed and I know that there will be more opportunities for them now. Caparas is not the only person who can support them. There are the Yonzons, who thought of the idea IN THE FIRST PLACE.
Now let's all stop pointing fingers and help each other out.
hindi makatutulong sa komiks ang siraan at palitan ng akusasyon. Isa ako sa nalungkot matapos mabasa na tila pabulusok na naman ng komiks sa halip na sumirit pataas. Anyway, nasa gitna lamang ako ninyo at gumagawa ng sarili kong obserbasyon bagamat ayon ako sa sinabi ni KC na kapag may na-flat na gulong sa daan, sa halip ngang tiketan muna ito, siguro tulong muna ang unahin natin. Siguro isa iyan sa gawin nating resolusyon sa new year para umunlad ang komiks at hindi pulutin sa kangkungan. Lahat naman tayo nagmamahal sa industriyang naging bahagi tayo. Kalimutan muna natin ang taguring "King" dahil hari din tayo ng ating sarili. okey? Peace to all!
nakakalungkot pro una palang talaga parang sa pakiwari koy ganun na nga ang mangyayari sa komiks nila....kompleto pa namana ako ng episode ,nagulat na nga lang ako ng kako bakit wala pang caparas....dapat kasi wag mayabang si caparas na sabiniung ang komiks lang nila ang aahon sa komiks industry eh ... oo nga klasik noypi ang dating pero masakit man sabihin pero ang baduy ng pagkakagawa ng ibang story nila ,,nandun na ako pero mas papatok tun SIGURADO kung may pag ka MANGA style ang mga kwento .... subukan kasi nilang mag labas ng kahit isang manga style version ng isang kwento nila....papatok yan ang mga kabataan ang susuporta dyan, ay!! maniwala kayo...pwera biro ...kalimutan nio na ang mga PRIDE ninyo!!!!di tayo uunlad pag iyan ang pinairal ng mga pinoy...kunsabagay iba talaga ang hapon sa pinoy at oo ,di ko rin masisisi kung ang ibang artist ay may galit sa mga hapon pero nakalipas na ang mga panahong iyon na tayoy sinakop nila...ang ngayon ang mahalaga .... sa totoo lang bilib ako sa kanila dahil sa bansa nila .... halos ang komiks( manga )ang iba parepareho ng style pero wala sa bokabolaryo nila ang salitang " ay gaya gaya sa kin"...ang sa kanila...Talento lang ..basata umunlad ang pinagpupursigehan!!!!!!!!!!!!!!
matunog lang yan si CJC pero di lang siya ang nag-iisang player. i was actually working on some projects under sir Lawrence. ayus yung pay at working conditions. i'm happy i was doing comics for the local market. just to be a part of it, really. then Sterling pulled the plug after sir Martin left.
some projects where left hanging. yung mga natapos na, never saw print.(pero bayad,thank GOD!)
has CJC anything to do with this? i dont know, but i think it was Sterling's call all along.
kasama ba kami dun sa sinisisi ni "to have and to hold"? may di ba kami ginawa? may magagawa pa ba kami? sir Lawrence made sure everything is in order and in time(due dates,pay,etc.). even the artists tried to produce quality works. IMHO the work system we all wanted and waited for was applied here, hands down.
still, the plug was pulled. There's a lesson in there somewhere, i just couldn't put a finger on it. but i think this isn't just about CJC. i mean, yeah, he may be BIG. but he's not THAT big. :)
Randy...haba na nito ahhh...
Anyway, may isinagot ako kay to have and to hold after maglagay ng bestfriend kong si john Becaro ng kanyang comment, kaso nag karoon ata ng problema connection ko at hindi na pumasok.
Sa ngayo, lumalabas na tayo tayo na lang nanaman muli ang magkakasama. Ang magtutulungan. Ang mag kakapit-bisig para i-ahon ang comics. Mapa, pang bangketa pa man o mapa-mayayaman na nakasama natin sa mga KOMIKON (na alam ko ay kasama din si To Have & To Hold), eto ulit, tayo tayo na lang ult ang nasa harapan ng giyera.
Wala na ang SUGO at kahit man may bagong dumating, tayo-tayo paring talaga ang magtutulungan. Whatever means, however we do it, eto tayo...nangunguna sa laban.
Pagod nako makinig ng mga paninita at dak-dakan. Pagosd nko magsabi ng kay gayna magandang work, kay ganto hindi. Gusto ko lang gumawa ulit. Gusto ko lang maghatid ulit ng mga kwento sa paraan ko kung paano i-linya ko gagawin.
Alam ko na kayo din ganon ang intensyon. Kaya sana, walang halong media at pulitika, magtulong tulong muli tayo na itama na ang mga pagkakamaling iniwan sa atin nun dekada 70' 80' 90 at ngayong 07. Kung saan sila naputol, doon tayo humawak at ituloy kung saan nararapat na direksyon tayong lahat at ang komiks patutungo.
Myke08_Guisinga
Sir Randy,
Balak ko sanang sumama uli sa komiks na matagal ng natulog kaya lang sa mga nabasa kong mg blog parang nawawalan uli ako ng gana...tulad ng dati nagkanya kanya mga artist noon ng mag strike ang UAP kanya kanyang gapangan kaya nagkahiwa hiwalay ang landas.Hindi ko rin alam na unti unti na palang nabubuo muli kaya lang parang may nagmamanipula na naman para maging monopoly uli...parang wala ng katapusan walang kapagurang paninira sa kapwa artists kung hindi tayo magkakaisa ay walang patutuhnguhan ang mga minimithi ng bawat nagmamalasakit na maitaguyod muli ang komiks. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga nagtitityagang maiangat uli eto, may mga tao ring gustong maging hari para lamang sa kanyang sariling kapakanan. tama lang pala ang titulo ng blog na eto...KASISIMULA PA LANG, TINAPOS NA! sana hindi eto ang maging mangyari sa hinaharap...magkaisa na lang tayo para sa Industriya na lumulubog at pumipilit bumagon ang KOMIKS...na sariling atin....sangayon ako sa sinabi ni Myke 08.
(beteranong ibig bumalik)
Post a Comment
<< Home