Saturday, November 03, 2007

Komiks Marathon: THE PHILIPPINES COMICS REVIEW

Ang The Philippines Comics Review ang kauna-unahan at kaisa-isang magasin tungkol sa komiks ng Pilipino. Lumabas ito noong Oktubre 1980 sa pangunguna ni Ros H. Matienzo para sa Tikbalang Publications.

Hindi na ito nasundan, ngunit mababasa sa editorial box na isa sa plano ay i-distribute ito sa ibang bansa. Kung dadalhin natin sa panahon ngayon, mas marami na tayong mailalaman sa magasin na tungkol sa komiks. Mahaba na ang ating kasaysayan para mailagay dito, at napakalawak na rin ng avenue ng ating mga komiks creators.

Isa lang ang nakikita kong problema kung may maglalabas ng ganitong klaseng magasin ngayon...ang market. Kung ang komiks nga ay hirap ibenta ngayon, lalo na ang magasin tungkol sa komiks. Sa ads at sponsors lang talaga tayo aasa kung saka-sakali.


























9 Comments:

At Saturday, November 03, 2007 5:39:00 PM, Blogger Unknown said...

randy! kaninong baul nanaman ang hinalukay mo para makuha mga ito? lufit mo talaga! heheheeh

 
At Sunday, November 04, 2007 12:00:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Isa sa mga pinakaiingat-ingatan ko hehehe. Nabili ko sa mga Redondo nu'ng araw.

 
At Sunday, November 04, 2007 12:05:00 PM, Blogger Unknown said...

"Noong araw" talaga?! hehehe napaghahalataan ang edad?

 
At Sunday, November 04, 2007 2:32:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Noong araw...kasi gabi na ngayon hehehe

 
At Sunday, November 04, 2007 4:17:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Mas lalo na akong bilib ngayon sa iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa komiks. Grabeh talaga, at sinasabi ko ito nang may kasamang paghanga.

Napansin ko lang ang office address ng Tikbalang Publications. Parang iyan ang bahay ng kaklase ko sa elementary. Ang tatay niya, si Tony Caravana. Madalas kaming maglakwatsa sa Silangan Park noon, sa bahay ng mga Caravana, at type kong sumilip sa idinodrowing. Nasa isang sulok kasi ng dining room, sa tabi ng bintana, kaya hindi makaligtas sa mga usyoserong tulad ko.

Hayan, napadako tuloy ako sa Memory Lane nang di oras! LOL

 
At Sunday, November 04, 2007 4:53:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Buhay pa ba si Roz Matienzo ? siguro magandang i-revive yang publication na iyan as a FANZINE, pero mi advertising para ma cover ang production cost. Pang aficionado lang talaga iyan, kaya limited lang ang circulation . Pero dapat magaling ang graphics designer/layout artist diyan.

Auggie

 
At Saturday, July 11, 2009 6:41:00 PM, Blogger lars said...

patay na si ros november 1999 pa. may anak siya na ang pangalan ay larry matienzo.isang free lancer writer ng sterling komiks cya ang gumawa ng totoy bato 9 to 15 isyu malamang defunct na komiks ngayon. kasi lahat ng laman pinalabas na sa tv. cp # 0920-200-96-40

 
At Saturday, July 11, 2009 6:51:00 PM, Blogger lars said...

Buhay pa ba si Roz Matienzo ? siguro magandang i-revive yang publication na iyan as a FANZINE, pero mi advertising para ma cover ang production cost. Pang aficionado lang talaga iyan, kaya limited lang ang circulation . Pero dapat magaling ang graphics designer/layout artist diyan.

Auggie

 
At Saturday, July 11, 2009 6:55:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Buhay pa ba si Roz Matienzo ? siguro magandang i-revive yang publication na iyan as a FANZINE, pero mi advertising para ma cover ang production cost. Pang aficionado lang talaga iyan, kaya limited lang ang circulation . Pero dapat magaling ang graphics designer/layout artist diyan.

Auggie

 

Post a Comment

<< Home