Sunday, October 21, 2007

ORIHINAL

Isa sa naging sakit ng nakaraang industriya ng komiks ay ang salitang ‘panggagaya’. Hindi ko alam kung dahil mayroon nang ‘existing market’ o talagang wala na silang maisip.

Sa makabagong panahon ngayon, kung saan ang buhay ng tao ay nagiging ‘global’ na dahil sa internet, tv at movie shows, cellphones, at iba pang means of communication, hindi na uubra itong ‘panggagaya syndrome’ ng mga Pinoy. Lalo pa’t kung ang tatargetin natin ay ang nag-I-evolved nang audience/reader ngayon.

Kung noong araw ay puwede nating sabihing original ang karakter na si ‘Gagamba’ dahil hindi naman tayo aware na may nag-I-exist palang ‘Spider’ sa Amerika, ngayon ay hindi na ito puwede. Isang click mo lang ngayon sa Google at malalaman mo na kaagad kung may kapareho ang karakter na ginawa mo.




Ang pinaka-safe na paraan ngayon, ay ang salitang ‘inspirasyon’. Naging inspirasyon mo ang isang karakter o kuwento kaya ka nakagawa ng bago, pero hindi ibig sabihin nu’n ay gusto mo siyang gayahin.

6 Comments:

At Monday, October 22, 2007 1:58:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Alin ba ang nauna, BAKAS NG GAGAMBA ng REDONDO BROTHERS, o yung SPIDER na ipinakita mo ? makikita mo sa date iyan eh. Yung kila Redondo, sumunod yun agad sa ALYAS PALOS, sa TAGALOG KLASIKS ng ACE, mga early 60s yun, eh yung Spider, anong year ba yun ?

Kung minsan, actually nauuna pa tayo: Example yung Ramir, una pa sa Conan, Kull, Voltar, at Krull yun, mid-50s yun eh. Yung Voltar ni Alcala, una rin sa Conan yun, 1963 yun.

Yung Barracuda ni Alcala, una [pa sa JAWS yun....


Auggie

 
At Monday, October 22, 2007 9:47:00 PM, Blogger Reno said...

Yung Spider, 1930s pa yun. Sa Pulps pa nanggaling. Although, medyo malaki naman ang kaibahan ni Spider at ni Gagamba, sa tingin ko. Baka tulad ng sabi ni Randy, naging "inspirasyon" lang si Spider para likhain si Gagamba (although literal ang translation ng mga pangalan nila).

 
At Tuesday, October 23, 2007 6:45:00 AM, Blogger erwinc said...

Ang masasabi ko lang, mas naunang lumabas si Gagamba kay Spiderman. 1961 lumabas ang Bakas ng Gagamba sa Tagalog Klasiks. 1962 na-introduce si Spiderman sa Amazing Fantasy. Ang character ni Gagamba ay inspired ni Batman. Ang Ramir naman inspired ni Prince Valiant. :-)

 
At Tuesday, October 23, 2007 9:14:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

May inilabas na graphic novel sina Don McGregor and Gene Colan, tribute nila sa 'Spider', ito ang nakalagay sa likod ng book: 'The Spider's history has rivaled the Shadow and Doc Savage with 118 pulp novels, two 1940s movie serials, radio theater, many paperback novels and Stan Lee has sighted the Spider as one of the inspirations for creating Spider-Man.'

 
At Tuesday, October 23, 2007 11:43:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ayos. 'Yung crocodile naman, kuya Randy. He he. :)

 
At Wednesday, October 24, 2007 12:17:00 PM, Blogger Reno said...

At actually yung picture ni Spider sa mga covers ng pulp magazine niya ay hindi tulad ng description niya sa mga istorya sa loob. Ang description sa kanya ay isang pangit na nilalang na katakut-takot ang mukha.

Ginawang ordinaryong masked crimefighter siya sa mga covers ng publisher para maging mas appealing siya sa mga bumibili. Katuwiran nila kasi kung poangit nga naman yung bida ay hindi tatangkilikin. Pero sa loob ng magasin ay pangit pa din ang hitsura niya.

 

Post a Comment

<< Home