Sunday, October 07, 2007

UNANG SILIP


Nasa akin na ang ilang sample copies ng aklat na ‘Komiks Sa Paningin Ng Mga Tagakomiks’. Wala nang atrasan ito, tuloy na tuloy na ang launch nito sa Komikon 2007. At kung meron pang komiks event na mas maaga ay baka puwede nang makabili ng kopya. Ipinakita ko na ito sa ilang kaibigan at wala silang nasabi dito kundi papuri.

Sa palagay ko ay magiging reperensya ito hindi lang ng mga mahihilig sa komiks kundi maging ng mga nasa akademya. ‘First-hand informations’ ang laman ng aklat na ito, ibig sabihin, ang mga nagsulat dito ay mga tagakomiks kaya hindi natin puwedeng kuwestyunin ang kanilang kredibilidad. Sila ang aktuwal na nasa loob ng ‘war scene’.

Naisip ko rin na ang perang kikitain dito ay iro-roll ko pa para sa paglalabas ng marami pang libro tungkol sa komiks. Balak kong gawing maraming volumes ang aklat na ito at kung kakayanin ay makapaglabas taun-taon.

Sa palagay ko naman ay makaka-inspire ang aklat na ito para dumami pa ang magsulat ng mga artikulo tungkol sa komiks. Dahil sa oras na makabasa ako ng mga magaganda at makabuluhang artikulo tungkol sa komiks ay tiyak na naka-line up na kaagad sa mga susunod na volumes.

Abangan ninyo ang iba pang announcements sa mga susunod na linggo.

Narito ang mga taong nag-ambag ng kanilang panahon at talento para mabuo ang aklat na ito:

Aklas Isip
Auggie Surtida
Beth Lucion-Rivera
Budjette Tan
Carlo Vergara
Cora Torrente
Dennis Villegas
Elena Patron

Fermin Salvador
Gerry Alanguilan
Gilbert Monsanto
Glady Gimena
Joel Chua
John Becaro
Jose Mari Lee
Josie Aventurado
KC Cordero
Lawrence Mijares
Macoy Tang
Mario Macalindong
Melvin Calingo a.k.a. Tagailog
Michael Sacay
Michael Turda
Romeo Flaviano Ibanez Lirio, PhD
Rosahlee Bautista
Terry Bagalso

Marami pa sanang gustong mag-submit ngunit hinigpitan ko na talaga ang deadline nito. Hayaan ninyo at tiyak na may susunod pa.

Gumawa ako ng email para lang sa aklat na ito, maari kayong magtanong o magbigay ng payo sa:

tagakomiks(at)yahoo(dot)com

*****

Hanggang ngayon ay wala pa akong internet connection kaya sa mga nag-I-email na hindi ko kaagad nasasagot, pasensya na. Takot na kasi akong mag-rent sa mga internet shops sa labas, nabiktima na kasi ako ng internet phising, malaking perwisyo ang ginawa nito kaya nadala na ako.

Nakakapag-internet lang ako kapag dala ko ang laptop at may wi-fi area sa mga malls.

21 Comments:

At Sunday, October 07, 2007 12:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Aabangan namin yan dito sa Leyte, Tacloban! XD

 
At Sunday, October 07, 2007 7:10:00 PM, Blogger Melody Marigondon said...

huwaaaaw!!!!! hehe... Pwede kaya ako makabili this week? pasahan na kasi ng theis ko next week...sayang naman, maganda sana kung makakakuha ako ng articles galing sa libro mo Mr. Randy!

:)

Med cute

yakidudels..

 
At Monday, October 08, 2007 7:59:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Thanks Rod:)

Med-
Di pa siya available e. Puwede ko ipabasa sa yo kung gusto mo. Tingin ko e mga last week pa ng October ito lalabas.

 
At Monday, October 08, 2007 9:14:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Very apt ang description mo sa mga nag-ambag ng manuscripts na mataas talaga ang credibity nila dahilan sa sila yung mga nasa GROUND ZERO, kung baga sa giyera. Pakipost naman dito kung ano ang itsura niyan ....

BTW, inilabas mo ba ang tatlong article ko ?

Auggie

 
At Monday, October 08, 2007 9:23:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Auggie-
Yup, kasama yung 3 articles mo.

 
At Monday, October 08, 2007 9:26:00 AM, Blogger Ner P said...

wow! astig too randy!

kung may free copy ka , hingi ako he he he. or 50% discount. ha ha ha

 
At Monday, October 08, 2007 10:44:00 AM, Blogger johnny yambao danganan said...

Wow!

sana umabot dito 'yan sa davao?

tagpila (SRP) po ang kopya?

 
At Monday, October 08, 2007 12:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy, magkano per copy? Pareserve ako at kunin ko sayo pag nadaan ka dito sa Ortigas. Thanks.

- Erwin

 
At Monday, October 08, 2007 1:25:00 PM, Blogger Azrael Coladilla said...

launching na tyo! eehehehe

 
At Tuesday, October 09, 2007 8:16:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy,

The cover actually looks nice. Hindi cluttered at malinis talaga tingnan at magaan sa mata because of the blue color. Congratulations to you & Fermin.

May mga graphics ba ito sa loob?

 
At Tuesday, October 09, 2007 2:40:00 PM, Blogger kc cordero said...

you're now an immortal, randy.

 
At Tuesday, October 09, 2007 8:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Congratz!


Buti naman at natapos na yang book na 'yan. Pwede na tayo mag-vacation ng matagal-tagal.


Shella

 
At Tuesday, October 09, 2007 11:21:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

mga kapatid-

hindi ko pa alam kung magkano ko ipi-presyo, i-announce ko sa susunod na post. gagamitan ko muna ng math hehehe. pero sure na mura lang ito.

may ilang articles na may graphics, ang layout nito sa loob ay simple lang, parang book layout lang talaga siya dahil pinagkasya ko ang mga pages (para hindi mahal sa printing hehehe).

 
At Wednesday, October 10, 2007 4:18:00 PM, Blogger Jon said...

Congrats sa book. Naku dapat pala maglaan ng budget sa Komikon sa dami ng magandang bibilhin.

 
At Thursday, October 11, 2007 1:55:00 AM, Blogger Royale Admin said...

This is a breakthrough Rands! making this in series would really be great. Sana you can also attach sample works by the contributors in the future, even writers ha? This is awesome man, tuloy na tuloy na!

 
At Thursday, October 11, 2007 10:03:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Hoy kups! isa ka talagang alamat!diba taga komiks k? DPAT COMPLIMENTARY COPIES..HAKHAK!!! ibang klase ka talaga! pgbilan ng kopya bayaran ko narin ang utang ko, tutubuan ko nalang. hekhek! kelan ba ang launching neto? punta ako sa komikon sa nov. punta ba sila mike at rosalee?

 
At Thursday, October 11, 2007 10:41:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Meng? Ikaw ba yan?
Hayup ka tol, ano balita sa yo? Balita ko na-rehab ka daw hahaha?
Pasyal ka sa bahay minsan, email mo ko, o call mo ko sa bahay, meron na akong landline.

 
At Thursday, October 11, 2007 2:49:00 PM, Anonymous Anonymous said...

AKO NGAA!!! Anak ka ng teteng! Yan miss na miss ko na yang greetings mo sa akin kada magkikita tayo o nagtetext ka sa akin laging may..."HAYUP KA TOL!!!" ang sarap ah. Hakhak! San kaba nakatira ngayon? Oy nakagawa kana pala ng animated na palabas, pa cd burn naman o,hehehe. Saka in fairview tumataba ka tol. Di na kita makontak dahil ung cell unit ko nawala natira ang sim, ang problema lahat ng kontak ko halos naka install sa handset. Sa advertising ako ngayon, Kasama si elmo bondoc. kita ko trabaho ni Tor Infante sa komiks ni carlo j. kaya nabuhayan ulit ako. tagal na kong nghybernate it's time to go back...teka my babalikan pa ba ako? hakhak! Miss na miss na kita tol! Sana punta sina Mike Sacay sa komikon. Ki-kiss kita kapag nagkita tayo don. Ano ba landline mo? Ge e-mail nalang kita mamya. Tsup!

 
At Saturday, October 13, 2007 8:59:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Tol, gamitin mo na lang yang email na andyan sa taas.

 
At Monday, October 15, 2007 2:11:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Wala bang mga printing error 'yan? Noong mga 1970s kasi, interpolated rotoscoping ang ginagamit namin at di print on demand. Sana pumatok 'yan sa buong Visayas Region.

 
At Monday, October 29, 2007 9:12:00 PM, Blogger Unknown said...

pahinge ako compli ehheheheeh....

 

Post a Comment

<< Home