BREAK MUNA
Sa mga bumibisita sa blog na ito, mawawala ako ng kulang-kulang dalawang linggo kaya hindi muna ako makakapag-post dito ng mga balita at articles tungkol sa komiks. Malamang na 2 weeks din ay magri-rent muna ako pansamantala ng internet para mag-check lang ng emails, at para aprubahan ang mga comments dito.
Sa mga dumadalaw din sa aking bahay at nagpapadala ng sulat, mawawala din ako dahil kasama sa pag-alis ko ay ang paglipat ng bahay. Wala akong stalker kaya ako lilipat, hehehe. Nagkataon lang na ang paglipat ko ay kasama sa aking 'business plan'.
90% nang tapos ang librong 'Komiks Sa Paningin ng mga Tagakomiks', dapat nga ay nasa printer na ito ngayon ngunit dahil sa hindi kaya ng powers ko ang schedule, maaasikaso ko ito baka next week pa. Pero ngayon pa lang ay pinasasalamatan ko na ang lahat ng tumulong at nagbigay ng kanilang mga artikulo para mabuo ito. Mabuhay kayo!
Maraming publishers at personalities ang hahawak ng komiks sa mga susunod na buwan, o linggo, maaring hindi natin gusto ang ilan sa kanila, o meron tayong mga personal na bagahe sa kanila, pero sana ay suportahan pa rin natin sila. Ang komiks, anuman ang hitsura at laman nito, komiks pa rin. Lahat ng bagay ay may room for improvement.
Pansamantala ay panoorin niyo muna ang trailer ng animated movie na 'DAYO' sa www.dayomovie.com , medyo rough pa ito at marami pang dapat ayusin ngunit ngayon pa lang ay ipinagmamalaki ko na sa inyong lahat na 100% Pinoy ito.
Hanggang sa muli, mga kakomiks!
13 Comments:
dapat invited kami sa blessing!
Hi
If you need my help on your current film ( animation) Just let me know! I always read your blog.
Dell
Ner-
Wala nang blessing. Baka inuman na lang hahaha.
Sir Dell-
Actually freelancer lang din ako sa company na ito. Mag-suggest ako sa boss ko tungkol sa sinabi niyo. Nakita ko na marami pang dapat i-improve. Kahit yung ibang mga employees ay beterano na rin sa animation (PASI, Toon City) nahihirapan silang mag-adjust sa software na ginagamit. All digital kasi ito, paperless, ang ginagamit namin ay Toon Boom, direct na nagdu-drawing sa computer via Wacom Cintiq.
Nakagamit na ba kayo ng software na Storyboard Pro? Pinag-aaralan ko pa ito hanggang ngayon, maganda pala syang gamitin for storyboard.
Right now, kumukuha kami ng maraming comments (kahit masakit hehehe) sa maraming professional animators para mapaganda namin lalo ang trabaho.
Wow! animated feature film na gawa sa Pinas, kaya lang 3D na ang uso ngayon. anyway ganda ng gawa nyo sana pumatok.
I'm using Storyboard pro right now on Cintique.Maybe next year puro digital na ang mga Storyboards dito.Inumpisahan na ito ng Nickleodeon at the rest will follow through soon.Kaya kailangang mag-adjust yung ibang ibang mga artists dito, kung hindi, maiiwanan sila. Sa nakita ko, you're on the right track.Its just the timing sa animation ang dapat nyong ingatan.Sa timing nagkakatalo iyan.good luck and keep in touch...
DB
Anonymous-
Thanks. Siguro mas marami lang ang nagpu-produce ngayon ng 3d kaya nasabing sikat. Pero may appeal kasi ang 2d na wala din sa 3d.
Sir Dell-
Dito nga sa Pinas, hindi pa masyadong gamitin ang Storyboard Pro, swerte siguro ako dahil bago pa lang ito dito pero nahawakan at nagagamit ko na kaagad. Ang sarap na tuloy kumuha ng maraming sideline sa storyboard dahil mapapabilis ang trabaho hehehe.
may animated show (Ghost in the Shell: Standalone Complex) na ang ginagawa nila ay nagd-draw over sila on either actual film footage or from 3d animated guides, kaya ang feel ay hand-drawn pa rin pero sobrang realistic. :D
Garro...
That process is called...
"Interpolated Rotoscoping."
Ginagawa ito sa ibabaw nglive action, using Adobe Illustrator.
The technique mixes heavy blacks lines with shapes of solid color to represent a realistic image. After filming the movie live action, they used Adobe Illustrator to animate directly over live footage, preserving the likeness and performances of the actors.
Ang tinutuloy mo ba ay yung A SCANNER DARKLY?
Palagay ko ay "scanner Darkly nga ang tinutukoy niya.(with Keanu reeves)..Hindi nag klik sa films ang style na ito., pero sa advertisement ...naging popular..
D
tauruswarrior,
Ang tinutukoy ni Garro eh isang full-length anime movie based sa sa successful ding serialized manga at anime. Highly philosophical. High brow talaga. Panoorin mo. The Matrix trilogy and the Metal Gear Solid console game series are two high-profile franchises heavily influenced ng Ghost In The Shell.
Speaking of rotoscoping, bakit ba mahilig sa ganito si Linklater ('Yun ngang nabanggit mong A Scanner.. at 'yung dreamy na Waking Life). 'Nung high school ako sumikat 'yung rotoscoped music video ng A-Ha sa single nilang "Take On Me."
Randy,
All the best of everything. Galeng ng DAYO n'yo.. sa trailer at least. ehe-he.
Sir JM, I'd recommend watching the original Ghost in the Shell movie, the one that inspired the Matrix. yung ibang sequels nya kasi mejo olats.
yung sa A Scanner Darkly kasi parang walang dinagdag yung pag-IR nila sa film.
Hoy mabuti nalang at nabasa ko ito! kaya ka pala lilipat ha at balak mong takbuhan utang mo sa akin hahahaah joke! Oist ano na yung hinihiram ko pasaway! Anyways gudluk sa bago mong mansion... baka sa susunod na buwan sa palasyo ng malacanang ka na lumipat ha?!
Randy,
Where is your new digs ?
Auggie
Post a Comment
<< Home