Friday, September 14, 2007

ANG LIMANG TITLES

Almost sold-out ang limang titles na inilabas ngayong araw na ito ng CJC-Sterling ayon mismo sa pamunuan ng Sterling. Magandang balita ito dahil daang libo ang kopya na inilabas nila...at unang araw pa lang ito.

Ayon pa sa kanila, ang nangunguna sa listahan ng pinakamalakas ay ang Klasik Komiks. PInakamaganda sa lahat ang response ng Kroko ni Carlo Caparas at Hal Santiago. Samantala, may short story akong lumabas sa Guwapo Komiks kung saan nakatambal ko ang illustrator na si Al Cabral.

Umaga pa lang ay nagkaubusan na ng kopya. In fact, maging sa opisina kanina ng Sterling ay nagkaubusan din ng kopya.

Binabati ko ang CJC-Sterling at lalong-lalo na ang lahat ng writers at artists na bumubuo ng mga komiks na ito.

Simula lang ito ng pagdagsa ng mga komiks sa bawat kanto ng Pilipinas. Abangan ninyo ang marami pang kasunod.

27 Comments:

At Friday, September 14, 2007 10:46:00 PM, Blogger Azrael Coladilla said...

taragis..

sold out pala yun!!!

astig!

 
At Saturday, September 15, 2007 9:26:00 PM, Anonymous Anonymous said...

gah. sana nagising ako ng hindi 3pm hahahaha!

magkakaroon ba ng second run, o derecho na sa next batch?

 
At Sunday, September 16, 2007 12:40:00 AM, Blogger Ederic said...

Congrats sa inyo, Randy! :)

Sayang at hindi ako nakakuha ng kopya.

 
At Sunday, September 16, 2007 11:55:00 AM, Blogger Bluepen said...

AYOS! KAYA LANG ANO...

Excited ako ng ilabas na ang 5 titles ng komiks... KAYA LANG ANO?

Nakalimutan kong bumili nung Friday at kahapon. NAbalitaan ko sa mga blogs at DA nagkaka ubusan at SOLD OUT na daw lahat at wala na mabili. Sabi ko sayang sana bukas may makita at ngayon ang araw na yun. KAYA LANG ANO?

6:AM pagkatapos kong magbasa ng blogs ni Ka Randy. Lumabas agad ako pumunta ako ng downtown area, para maghanap ng komiks. Subalit sarado pa lahat ng tindahan, maliban sa Jollibee at Macdo. Sa pag lilibot ko wala akong makitang komiks kahit news paper wala. Lumapit ako sa isang mamang nagtitinda ng sigarilyo. "Manong, saan po ba dito makakabili ng newspaper o komiks." sabi ko, "Waray pa, alas nuebe pa." sambit sa akin ni manong. Aray ko ang aga ko pala.

Umuwi nalang ako ng bahay at ikinuwento ko kay mrs na galing ako sa downtown at naghahanap ng komiks. Nasabi nya sa akin na may nakita sya kahapon sa isang grocery at marami daw ang nakita nya na copy. Ayos! makakabili ako.

9:30am pumunta ulit ako ng downtown area. Marami agad akong nakita sa bangketa. KAYA LANG ANO?

PAgka kita ko ng komiks, dampot agad at nilagay ni manong ang 5 titles ng komiks sa plastic. Nung magbabayad na ako binigay ko ang P100 sa kanya at sinuklian ako ng P25.

Nagulat ako! hindi naman malabo mata ko at malaki ang letra at tama naman ang nakalagay sa komiks P10 lang. "Manong kulang ho ang sukli nyo."sabi ko, "Tama iton, kinse usa !" ang saot ni manong.

Grabe kala ko ba P10 lang! TUMATAGINTING na P15 ang benta nila. Sabay bitaw ko sa komik at kinuha ko ang P100 ko. Kaya pala, nagtataka ako sabi sa mga blogs, nagkaka ubusan daw ng komiks at sold out. Pero dito sa Tacloban City, sangdamukal ang kopya dina daan daanan lang ng mga tao. Ako lang ata ang naghahanap ng kopya. Kahit saan ako magpuntang bangketa P15 pesos talaga ang benta nila, ang sabi ng mga pinag tanungan ko. Sa Manila lang daw ang P10.

Well hindi na ako bumili, pero bigla ko naisip na hindi ko pa nasubukan pumunta ng grocery kung saan sinabi ni mrs na may nag bebenta din ng komiks.

Sakay ako ng jeep at bumaba sa may grocery. Pag dating ko, may nakita akong mga batang nag kumpulan sa isang komiks stand.

Nag dali dali ako baka maubusan ako. Pag dating ko dun, nakita ko, sangkatutak ang komiks. Napansin ko ang mga bata, tinitingnan nila yung komiks kahit na may adhesive ito na nakalagay.

Hindi muna ako lumapit, nag observe muna ako kung anong reaction nila sa komiks.

Ang na obserbahan ko, na attract ang mga bata at iba pa sa cover dahil colored ito, though kung ako ang tatanungin kung crits lang ang pag uusapan. Hindi papasa sa akin ang colors nito. POOR! yung sa Gwapo komiks lang ang pumasa sa panlasa ko or siguro dahil sa maganda ang drawing dahil si Lan Medina ang gumawa nito. wag po kau magagalit, crits ko lang ito sa cover.

Ang ibang teenager binbuklat ang komiks nung makitang black/white ang nasa loob, binibitawan nila ito at yung witch na komiks na colored ang kinuha. "loko tong mga batang to, hindi marunong tumingin ng komiks." sabi ko sa sarili ko. KAYA LANG ANO?

Ang nangyari sa pagmamasid ko na mahigit 15 minutes na paikot ikot sa komiks stand. Buklat and Go ang pinag gagawa ng mga humawak sa komiks Ako lang ata ang bumili ng komiks sa grocery.

Well ako naman ang mag kritiko sa komiks, dumampot na ako ng copy ng 5 titles. PAg dating sa counter, hinintay ko kung P10 or P15 pesos ang sisingilin sa akin. AYun!!! P10 pesos ang price sa grocery at kung sa bangketa P15 naman ang halaga.

Dali dali akong umuwi para sa harap ko ng pc babasahin. Excited talaga ako ni hindi ko binuklat ang pages sa loob ng jeep.

Pag uwi ko ng bahay diretso agad ako sa PC at sinimulan ko ng tangalin ang mga adhesive. KAYA LANG ANO?

Pagbuklat ko, AWWWWW! ang PANGET ng quality ng pagka print!. sabi ko siguro rush lang ang pagkaka print kaya ganun. sabi ko "Oks lang!" tingnan naman natin ang artwork! WAAhhhh! Bat ganun! parang ang gulo ng mga drawing! hindi ko malaman kung saan ako titingin. pang salpak salpak ang scene ng storya at puros bitin. Ang dami ngang laman na story pero bitin lahat. Kung i co compare ito sa Quality ng Komiks natin noon. Masasabi kong pinaka da best ang komiks natin noon kaysa ngayon. At maganda ang flow ng story na madali mong masusundan at kahit papaano may kulay ang komiks natin noon.

Yung komiks ngayon, ewan ko ba, Ilan lang ang masasabi kong mangada parin ang drawing kahit na panget ang printing. Kritik ko lang ito hah sa komiks na hawak ko.


Mahaba na to.. Next Post ang ibang kritik ko. Sa susunod...

 
At Sunday, September 16, 2007 12:01:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Bluepen-

Magandang nai-open mo ito na P15 ang benta dyan sa lugar niyo, ipaaabot ko ito sa Sterling. Malakas ang kutob ko na hindi nila alam iyan.

 
At Sunday, September 16, 2007 12:17:00 PM, Blogger Bluepen said...

Ito ang list ng story na nagustuhan ko at drawing.

-------------------------
Gwapo komiks:

ANG MABUHAY SA PATALIM
Vic Pobete
Karl Comendador

Hiwaga ng Cadena De Amor
ni ?
Lan Medina
(Da best talaga MA detalye Idol!)

KALAYAAN
Randy Valiente
Al Cabral

Mirasol
Gilda Olvidado
Nar Castro
----------------------

Super Funny komix:

TINTONA
Andy Beltran
Ding Abubot


IKNOK (eto paborito ko parang Niknok)
Danny Ocampo
Rodmanuel

-----------------
KLASIK KOMIKS

SAAN PUPUNTA, ANG PUSONG SUGATAN?
CJC
Abe Ocampo

KROKO takas sa Zoo
CJC
HAL SANTIAGO
(Grabe! ang detailed nito galing!) Sana ganito nalang ginawa sa lahat ng drawing ma detalye.

----------------------
STUDYANTE KOMIKS

PARCENET - ISOLDE
HAL SANTIAGO
{HAL GALING TALAGA!}

-------------------------

OFW SUPER STORIES

PET NI DOGDOK
Roli Borja (Panalo to! na miss ko ang stilo nito)

P100 Million Lotto Ticket Nawawala!
R Marcelino
Rod MAnuel (Eto pa ang da best!)

Gagambino
CJC
Karl Comendador

----------------------

Yan yung mga nagustuhan kong Story specially ang Drawing dahil kahit PANGET ang Printing, nakikita parin ang husay nila.

Well, ano pa ba ang ma expect mo sa P10 pesos. Yan ang sinasabi ng karamihan, ang quality.

Naway mag tagal ang bagong komiks natin. AT sana naman gandahan ang printing para sulit ang pagbabalik ng komiks.

Bumalik nga ang komiks panget naman quality ng printing.

Wag nyo po sanang ikagalit ang pag kritiko ko, hangad ko lang ay makitang da best ang komiks natin na kahit mura at black and white ang quality ay hindi nawawala.

Sa totoo lang po, mas maganda pa ang komiks natin noon kaysa ngayon at hindi lang ako ang nagsabi nyan pati ang iba pang suki ng komiks noon. Maski kau tanungin nyo sarili nyo, maganda ba ang quality ng komiks na nilabas?

Nag crits lang po... Peace out!

 
At Sunday, September 16, 2007 12:40:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

ayos! Pinili mo pa yung sa kin a. Parang gusto mong magpalibre sa jolibee hehehehe

 
At Sunday, September 16, 2007 12:55:00 PM, Blogger Bluepen said...

Okay din kc kahit papaano ang drawing, pinagkasya sa 4 pages ang story, actually kulang yun Bitin. Kulang sa expression, mas mapapaganda pa takbo ng story kung atleast 8 pages ito.

Kaya tuloy lumalabas sa ibang story na parang salpak or dikit dikit ang scene, magulo ang pag express sa drawing ng ibang story, Mas malaki pa ang space na binigat sa Lettering kaysa drawing, kulang nalang takpan ang buong drawing at ilagay nalang lahat ng TEXT.

Nababale wala ang ganda ng drawing dahil sa sobrang laki ng mga dialog boxes at letters para talagang tagpi tagpi. Hindi mo ma appreciate yung pagbabasa lalo na't karamihan ang gusto eh yung quality ng drawing. Nawa ang excited ko nag mabuksan ko ang komiks.

Sa gawa lang nina Lan Medina, HAl Santiago at Karl Comendador ko na appreciate ang ganda ng komiks. Sa iba medyo medyo lang. Naway sa susunod ayusin ang quality ng printing at bawasan ang size ng letters.

 
At Sunday, September 16, 2007 1:44:00 PM, Blogger Jet Amago said...

Gaya ni Bluepen, taga Tacloban din ako. Di ko ineexpect na aabot sa amin ung bintahan ng komiks kasi as of kaninang umaga nabalitaan kong sold-out na nga ung mga to.

Talagang na-suprise at naging excited ako ng makita ko ung mga komiks sa banketa, pero, tulad ni Bluepen, I was disappointed to learn that they're selling them at P15/each. Plano ko pa sanang bilhin ung lima, pero, binalik ko yung iba at bumili na lang ako ng dalawa. Anyway, sabi ko sa sarili ko, me kakilala akong distributor ng newspapers at magazines dito so plano ko don ko nalang sa kanila bilhin ung naiiwang tatlong titles, baka makuha ko pa at cover price.

Worth it din naman ung nabili ko (OFW at Klasik dahil sa creatures sa cover) kahit na me dagdag na P5 markup. Although di nga maganda ung quality ng printing (kahit ung cover), kita naman talaga ung husay ng lineart ng mga artists. And I think naging fan nanaman ako ni Hal Santiago. Sa lahat kasi ng mga local artists, ung pangalan niya ung di ko malilumutan. Tubong 80s kasi ako kaya na exposed talaga ako sa mga komiks. In fact I'd spend even P50 each for nostalgia lang, kung di lang P10 ung nakasulat sa cover.

 
At Sunday, September 16, 2007 4:35:00 PM, Blogger Bluepen said...

Napanood ko ngayon sa BALITANG K yung interview kay CJC at sterling. Sabi ng Sterling dekalidad at maganda ang quality ng komiks.

Bakit ganun ang nabili kong komiks, hmmm...Crits ulit! baka kc hindi nila nabubuklat ang komiks at hindi nila napansin ang ibang error sa printing nila. Glossy ang cover at rich ang color compare sa dating komiks. Correct! maganda ang papel at color, problema lang Hindi maganda ang pag color ng cover. Parang minadali na ni wash lang.

Quality ng printing, siguro sa cover kasi colored ito. Pero ang nasa loob, double vission ang ibang ink, lagpas or nagkamali ng printing sa kaka madali at yung ibang pages may mga blotted ink. Yung Gawa lang ni Lan Medina at Karl Comendador ang maayos ang pagka print malinis, or dahil sa manipis lang ang lines ng drawing kaya hindi nagkaroon ng problema sa printing, pagdating kc sa makapal ng lines dun nagkaka problema daming sabit, lagpas, at dotted ink.

Teka baka sabihin nyo nagsisinungaling ako hah? HINDI po, tingnan nyon maigi yang komiks na nabili nyo. Or baka yung na distribute dito sa lugar ko eh mga reject printing na hinalo lang at nataon na ako ang nakabili. Pero ni compare ko yung 5 titles, dami talaga mali sa printing para talagang minadali. Siguro yung mga first printing copies ang high quality ang printing at yung iba hindi na.

Ni krits ko lang po ang nabili kong komiks wag po magalit. Pina paalam ko lang po para sa susunod na issue nila maayos na ang printing, kasi sabi nila sa interview maganda ang quality.

Sa opinon ko hindi ganito ang ganda ng quality, mas maganda pa printing ng mga Indie Komiks compare dito sa nilabas nila at black/white din yun. Mahal nga lang. Pero kung Quality ang paguusapan, sa INDIE na ko, kahit mahal. Satisfy ka sa nabili mo, kung baga sulit ang nagastos mo dahil high quality ang pagkakagawa dito. Tulad ng sinabi ko opinion ko lang to...

Wag po magagalit, inuulit ko, nag crits lang po.

Peace Out...

 
At Sunday, September 16, 2007 4:46:00 PM, Blogger Reno said...

Pagkakaaalala ko noon, pag bulmibili ako ng komiks sa probinsiya namin (Pangasinan), may patong na 2.50 ang mga newsstand. Paliwanag nila ay dahil mas malayo daw ang delivery, kaya't mas mataas ang kuha nila. Siguro para makabawi lang talaga.

So di ako nagtataka kung 15pesos man ibinebenta sa ibang lugar maliban sa Metro Manila ang mga komiks na ito. Siguro yung mga maliliit na newsstand at naglalako sa bangketa, kailangan nilang patungan ng mas mataas para medyo makabawi. Ang grocery naman medyo ok lang na ibenta nila at cover price siguro dahil di lang naman iyon ang pinagkakakitaan nila. Konting tubo lang ay ok na sa kanila.

Yun lang ang nakikita kong paliwanag kung bakit 15pesos ito sa ibang lugar.

Pero nung naglibot ako sa Kalentong at nagtanong sa mga nagbebenta ng diyaryo, wala daw silang komiks.

Makikibasa na lang siguro ako. :P

 
At Sunday, September 16, 2007 7:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hi, bluepen!
alam mo, i admire you. bakit? kasi talagang sobrang effort ang ginawa mo para makabili ng komiks. tapos, inisa-isa mo talaga para ikritiko. malaking tulong ito para mas mapaghusay ng sterling ang produkto, mula sa istorya, illustration, editing at printing. pati ang P15 pesos na bentahan, magandang malaman nila. mahirap din kasing makuntento sila na ang alam ay ito na ang quality komiks pero nasisilaw lang sila sa sariling propaganda. malaking tulong talaga ang mga puna mo. mas positibo ito kesa negatibo kaya, 'wag na mag-peace. oki?

 
At Monday, September 17, 2007 11:39:00 AM, Blogger Ner P said...

got mine at libertad, wala kasing nagtititnda ng komiks sa area namin, puro newspapers. nagkataon lang na kelangan kong pumunta sa cartimar at sumakaya ako papunta ng libertad. sa paglalakad ko papunta taft napansin ko yung mga komiks ni cjc. ayun andami pa. so bumili agad ako, 10 isa (sa udyok ni pareng kc). so napunta na rin ako sa cartimar at nabili ko na yung dapat kong bilhin.

pag-uwi sa bahay, tinignana ko ang mga covers. yung kay lan talaga ang lumutang. very modern very bad colors. the others where a throwback in the 80's. inside pages were really badly printed. there's some bad art and really bad art, lan, karl and hal's were good, though latter one are very 80's talaga. story are fast paced, very old school fast read. nothing special.

nainis din ako sa tape, kasi nasira yung mga pages, nagkapunit dahil sa tape. yung iba madikit kaya natuklap ang ibang covers. kakainis talaga.

10 pesos nga isa, mura, kaya tugma ang ang qulaity ng komiks. not being biased pero mas masaya ako sa filipino komiks ni kc at ng ibang indies. mahal nga (dahil sa printing/money issues). pero kung ako tatanungin. dun na ko sa mahal na may quality.

pag-iisipan ko pa kung bibilhin ko pa yung succeedding issues. though malamang yung kay kuya lan ay susundan ko kahit di ko trip yung kuwento.

isa pa, kakainis pag nakikita ko yung philippines greatest illustrator? (sorry pareng randy) sana din na lang ito nilagay. dahil sa panahon ngayon, di na tugma/angkop ito, at maraming baguhan ang mas magaling.

 
At Monday, September 17, 2007 4:13:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Info ko ay pre-sold ang mga cjc komiks sa mga DEALERS, kaya nga SOLD-OUT. Ang tanong: nabili ba ng maramihan ng mga READERS sa POINT OF SALE? Yan ang wala pang datum! Kaya very misleading kung very general ang sigaw mong SOLD-OUT. Binili ba ng maraming READERS mismo? Ano basis? Para kasing SOLD-OUT din yan ng FILIPINO KOMIKS na si-nold out din sa mga DEALERS.

 
At Monday, September 17, 2007 5:31:00 PM, Anonymous Anonymous said...

P100 Million Lotto Ticket Nawawala!

Natatandaan ko, may istorya noon sa Atlas Publishing na umikot sa tiket ng sweepstakes na nanalo ng milyon pero nawala at kung kani-kaninong kamay napunta. Sana hindi ito pick-up lang dun.

Okey kasi magkuwento si RRMarcelino. Hanga din ako sa kanya.

 
At Monday, September 17, 2007 6:45:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

bluepen (alam kong hindi ikaw si eric)-

Ang information na iyan ay nakuha ko lang sa nakaraang meeting ng Sterling.

Ke pre-sold o sold out, ang mahalaga diyan ay ang word na 'sold' dahil sa pagkakaalam ko, nabayaran na ng mga dealers ang kopya nang kumuha sila. Dahil kung walang tiwala ang mga dealers sa produkto sa una pa lang, siguradong hindi sila kukuha ng kopya.

 
At Monday, September 17, 2007 8:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

rANDY: Sold out nga sa dealers. Pero me mga BUMILI ba sa mga dealers? Me mga READER/BUYERS ba ang mga ito?

 
At Monday, September 17, 2007 11:39:00 PM, Blogger Bluepen said...

Ano ba yan may impostor na bluepen, kung mag uumpisa ka ng usapang mauuwi sa gulo, wag mo gamitin ang alias ko gumawa ka ng sarili mong account, nagtatago ka na naman.

Paalala lang po sa mga kabayan, ang Alias ko kapag ni click nyo pupunta sa Account ko. Pag walang link, isa syang impostor. Dahil hindi ko gawain ang magtago.

 
At Tuesday, September 18, 2007 12:01:00 AM, Blogger Bluepen said...

Tama ka NER, Basta LAN MEDINA sulit! hindi hindi ito palalagpasin ng karamihan sa atin. Sana lipat nalang nila yung KROKO, IKNOK, PET ni DOGDOK, at P100M Lotto TKt Nawawala sa GWAPO KOMIKS para super GWAPO na! hahaha

Isa nga palang pasalamat para kay anonymous galing kay bluepen. Sino kaya ito hah? Ayon sa ating bubwit ang admirer na ito ay madalas sa blog ni Randy Valiente. Ano hah? mga tinamaan kayo ng kuwan hah.

Ahehehe wala lang napakingan ko lang sa RADYO yan. Kaya naisipan kong isingit... kakatuwa ang bubwit eh... hahahha

 
At Tuesday, September 18, 2007 12:01:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

"Natatandaan ko, may istorya noon sa Atlas Publishing na umikot sa tiket ng sweepstakes na nanalo ng milyon pero nawala at kung kani-kaninong kamay napunta. Sana hindi ito pick-up lang dun."

Tinamaan mo. REGASH ito ng late 60s na nabasa ko as bound copy in the 70s. Sinulat iyon ni (kung hindi si GALO BURGOS ay si NARCISO MORALES). Iginuhoit ni Mar Santana. It was entitled: ISANG MILYONG PISO, NAWAWALA!

But heck, what's the big deal? ANDRES DE SAYA is not new anyhow. Si Nerissa may TALA na naman. Lumuhod na noon, ngayon tumayo uli.

May BUWAYA na rin noon, may buwaya pa rin ngayon. Akala ko nga EXTINCT na ang buwaya sa RP, eh.

Rehas... Rehash... Rehash...

Martin... paki hiling naman sa mga writers na MAGBAGO na sila ng LANDAS na tinatahak, puwede? Kasi kung hindi puwede, mawawala ang DE at maiiwan na lang ang PUWE!

 
At Tuesday, September 18, 2007 2:25:00 AM, Blogger Bluepen said...

Hahahaha honga no, kaya pala parang pamilyar sa akin ang title parang nabasa ko na noon, hindi ko lang matandaan ng husto pero alam ko Elementary pa ako nang mabasa ko ang parte ng story na yan sa isang pinambalot ng tinapa na pinabili sa akin ng lola ko. Hilig ko kc magbasa ng komiks, na kahit sira na or pinambalot, kinukuha ko ito para basahin. Pansin ko din na binabalik din nila ang story nang ibang title nooon, pinagkaiba lang iba na gumuhit at konting palit ng way sa pag deliver nito. Pero ZUMA tutal ganun parin ang labas. Though bago yan sa mga hindi pa nakakabasa ng komiks noon. Basta ulit ang pagkaka tanda ko, nagsimula akong mag ipon ng komiks nung unang labas ni ZUMA. ahehehe Sana Revive nila si ZUMA.

 
At Tuesday, September 18, 2007 9:59:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Pwede pala ang mga rehash ? pero sana naman kung mag-uulit huwag yung nasa recent past, kasi pamilyar pa sa mga mambabasa. Kung mi rehash, kunin nila sa mga komiks noong 50s-60s kasi hindi pa ipinapanganak itong present crop of readers. Most likely, ako lang siguro ang makakapansin. O Kaya, i-rip-off nila ang mga kwento sa Warren magz, tutal defunct na ito, at Tinagalog naman, at tiyak walang makakahalata, kasi mahirap mag-hanap ng Warren publications.

Auggie

 
At Tuesday, September 18, 2007 3:53:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Isa ako sa mga naka attend ng komiks kongress noong last sept 11 sa NCCA, nakuha ako ng copy ng script format ni CJC and then sabi ng speaker sa event na open daw ang CJC Komiks sa mga taong gustong mag sulat sa komiks. Tanong ko lang... tulad ko na isang baguhan na gustong sumulat sa komiks saan ko ba pwedeng dalhin ang story o script ko na gusto kong mapublish sa CJC?

 
At Tuesday, September 18, 2007 9:22:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Bluepen-

Hindi nila puwedeng gamitin si Zuma dahil si Jim Fernandez ang gumawa nito. At si Jim ngayon, sa pagkakaalam ko ay sa Amerika na nakatira.

Auggie-

Hindi ko alam kung desisyon ito ng editorial board. Siguro iniisip nila na magkakaroon ng 'recall' sa readers ang kanilang mga pangalan dahil iyon din ang mga naisulat at sumikat nilang nobela noon.

Anonymous-

Hindi na nag-announce sa NCCA kung saan puwedeng mag-submit?
Kung hindi ay ganito na lang ang gawin mo, bumili ka ng komiks ng CJC-Sterling at tingnan mo ang address at telepono sa editorial box.

 
At Tuesday, September 25, 2007 8:32:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pwede yata kayong mag-submit ng script pero siguraduhin nyo lang na wag nyong ipadala sa Tacloban at baka magkaroon pa ng printing errors. Me nagmamasid kasi sa buong Visayas niyan. :)

 
At Tuesday, October 02, 2007 2:49:00 AM, Anonymous Anonymous said...

ayokong maging nega pero sa takbo ng mga pangyayari mukhang malabo na talagang magkaroon ng katuparan ang iniilusyon ng mga taga-komiks na buhayin ang komiks. pa'no ba naman ay 'yung dati pa ring sistema na hinihinalang isa sa mga pumatay sa industriya ang pinaiiral ngayon. ang nakaririmarim na 'tayo-tayo' system kung saan sila-sila pa rin na mga dating anak ng diyos ang nagmo-monopolize ng industriya. eh di ba kaya pinagsawaan ng tao ang komiks ay dahil paikot-ikot na lang ang plot at wala nang bagong mai-offer ang mga kung tawagin nila ay beteranong writers and illustrators. eh kung talaga ba namang magagaling ang mga yan eh mamamatay ba ang industriya ng komiks? sige nga. sabi nga ng ilang observers na dati pang mga publisher ng komiks, not even carlos carlos ay makakagawa ng milagro na buhayin ang komiks. at susme, bakit black and white sa panahon na high tech na tayo? wag nyong ibigay na dahilan ang murang presyo. that's not an excuse. nakakalungkot isipin pero mukhang hindi ito rebirth kundi another death for the komiks industry. 'yun lang!

 
At Friday, October 05, 2007 10:20:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Pano magkakaroon ng "another death" yung komiks industry kung patay na in the first place?

 

Post a Comment

<< Home