Monday, August 27, 2007

BALITANG KOMIKS

Ito pa rin ang pangunahing problema hindi lang ng publishing industry kundi ng buong Pilipinas. Basahin itong artikulo na isinulat ni Juan Miguel Luz na pinamagatang 'A Nation of Non-Readers'....

'...the problem of nonreading lies at the heart of why the Philippines is so uncompetitive in the world economy and why so many of our people continue to live in poverty or barely escape it.'

Basahin ang buong artikulo dito.

*****

Ano itong nasasagap ng aking bubwit na meron daw 'paksyon' na nagaganap ngayon dahil dito sa paglalabas ng komiks ni Direk Caparas. Paksyon hindi ng mga beterano laban sa mga bata kundi....mga beterano laban sa mga beterano?

Oh! Interesting.

Ang balita e may isa ring maglalabas ng komiks (hindi ito Mango ha) at nakuha nila ang ilan ding magagaling na beterano na hindi gumagawa dito sa CJC-Sterling. Hmmm...masaya 'yan. At least dumadami ang komiks na lumalabas.

*****

At natunugan din ng aking bubwit na sasamantalahin din ito ng ilang underground publishers para mag-publish ng 'bold komiks'. Kaya huwag na kayong magulat na sa mga ilang buwan ay bigla na lang maglabasan ulit ang mga triple x komiks sa bangketa.

Wow! Ang saya. Parang gusto kong mag-drawing diyan. Walang biro.

*****

Hindi natuloy ang 2nd Sesyon ng Komiks Kongress sa Miyerkules dahil nag-imbita pala ang presidente ng PUP na si Dr. Dante Guevarra sa mga members ng Komiks Kongress na magkaroon ng 'komiks event' sa Martes (bukas na pala). Hindi malaman ng mga organizers kung paano pagkakasyahin ang oras kaya inuna na lang muna itong event sa PUP.

Well...

12 Comments:

At Monday, August 27, 2007 6:29:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Eh di magaling. Di ba sabi ni Chairman,eh LET A HUNDRED FLOWERS BLOOM, eh ito na... pag nagkataon eh Rennaisance nga ito, which is well and good. On the flipside, eh baka , HOT PAN DE SAL SYNDROME ito...

At sino sino naman daw yung mga faction na yun ? parang showbiz ah....

Auggie

 
At Monday, August 27, 2007 9:24:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ayon sa aking mga top detectives at operatives :) ay mga umatend din dati sa Komiks Kongress. Pero sa tingin ko ay magiging healthy competition naman ito. Sana nga ay magpagandahan talaga sila ng trabaho.

 
At Tuesday, August 28, 2007 9:30:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Eh sino naman daw ang big time financier ?

 
At Tuesday, August 28, 2007 10:38:00 AM, Blogger Gio Paredes said...

Ang saya naman. Sana nga bumaha ng komiks sa bangketa, at sa buong Pilipinas this coming months.

 
At Tuesday, August 28, 2007 5:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Okey yang style ng pagbabalita mo a. Pero tip lang. Dapat bago mo ituloy yung mga kasunod pa, lalong lalo na kung ibubulgar mo na ang conclusion, marunong ka ding mambitin tulad ng...pero bago ang lahat, happy birthday muna kay Gino Areveri ng Sampaloc Manla at kay Joanna ng Intamuros Manila na kumakain ngayon ng pork and beans galing kay Manay Turing ng Quiapo Bicycle Store. Ganyan lang ng ganyan. Hanggang sa pagdating mo na sa punto ng balita mo, at mlapit ka na sa ending...Happy birthday ulit kay Carlo ng Tanza Cavite, nawa'y nasisiyahan siya sa padalang mamon galing sa Cotobato, at happy mother's day naman kay Kyle ng Pasay City. May you have many more Mothers to come. Bweno, wala na tayong time para sabihin ang conclusion kaya abangan na lang bukas ang karugtong. :)

 
At Wednesday, August 29, 2007 8:15:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Deo,

Baka mabuwisit ang mga advertisers ki Randy niyan, eh i-pullout lahat ng plugs nila.... pang tabloids yan.

 
At Wednesday, August 29, 2007 11:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Grupo nina Loren yun. Sila naman ang unang naglabas ng pera noon para sa komiks. Natatandaan nyo ba noong bigyan niya ng tig-dadalawang libo bawat illustrator na magsubmit ng isang malaking illustation para gamiting display sa NCCA? Sa kabuuan ay 30thousand lahat yun perang pinakawalan ni Loren Banag. Ang maganda lang kay Loren ay willing itong magbigay ng magandang rate dahil sa may malasakit naman ito sa mga dati rin niyang kasamahan sa komiks noong araw. Dapat ito ang higit nating sopurtahan.

 
At Wednesday, August 29, 2007 11:21:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Grupo nina Loren Banag yun.

Sila naman ang unang naglabas ng pera para sa komiks. Natatandaan nyo ba na nagpakawala siya ng 60thousand noon sa mga illustrators para gamitin ang illustrations sa display sa NCCA noon?

 
At Wednesday, August 29, 2007 12:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

loren banag yun magpa publish ng komiks.

 
At Wednesday, August 29, 2007 1:53:00 PM, Blogger Gio Paredes said...

Deo,
Nakaka bwisit yung pang bibitin na ganoon. Puro bati ng bati. Tapos wala palang ibubulgar sa huli. Parang ginagago mo yung mga tao.

 
At Friday, August 31, 2007 8:28:00 AM, Blogger Bluepen said...

hahaha.... cool kalang GIO suggestion lang yun ni DEO. Pero wala na dapat baguhin si RAndy Boy, okay na yan. "Ohah! ayon sa ating bubwit, ang mga tinaman ng lintek na yan ano hah! may tinatago pala hah!" Tuloy lang Ka Randy. Ahehehe binulgar mo naman agad wala pa sa kainitan eh Underground publisher pla hah... Ayos yan! ganda nyan pag naglabasan na sa bangketa. Syet! tama ka lalabas na ulit xrated komiks hahaha

 
At Sunday, September 02, 2007 3:24:00 AM, Blogger Gio Paredes said...

Pasensya na bluepen. :-)
Kahit kahit ako nagulat din ako sa sarili ko eh. High blood lang ako noong time na iyon.

Speaking of xrated na komiks.. Natatandaan ko iyong mga gonoong klase ng komiks. High school pa lang ako, nang nakabili ako ng ganoon novaliches. :-0

 

Post a Comment

<< Home