ANO PA BANG SASABIHIN KO?
Napaka-kontrobersyal ng nangyayari ngayon sa mga gumagawa ng komiks. As usual, kapag ganitong may mainit na diskusyon e bigla na lang dumadami ang load ang aking mga detractors. Hindi lang sila sa email nag-a-appear, pati sa text.
Mabuti pa e pagsasagutin natin itong mga damuhong ito para sumemplang na naman.
Unang tanong: Ano ang reaksyon mo sa awayang Caparas-Mango-Sterling?
Aba! Bahala sila sa buhay nila! Ako ba ang gumawa ng problema nila? I-solb nila ang mga dapat I-solb. Kesehodang maglabas sila ng komiks sabay-sabay. Keber! Kesehoda ring magsara sila pare-pareho. Keber din! At kesehodang ipagsigawan nila na sila ang mga sugo ni Panginoong Ley-Ar para buhayin ang komiks. Keber ulit!
Ikalawang tanong: Sipsip ka daw kay Caparas, halata sa mga posts mo?
Baka higop ang ibig mong sabihin. Kung susundan niyo kasi ang mga pangyayari, maiintindihan niyo ako. Bago ako mag-react dito sa blog ko ng mga eklavu-eklavu ng Caparas-Mango-Sterling controversy, napuno muna ang world wide web ng mga ‘nega’ tungkol sa paglalabas ni Caparas ng komiks. Nagkalat sa mga blogs, forums, pati sa Deviant Art. Kawawa naman ‘yung tao, wala siyang blog, hindi siya makakasagot sa mga akusasyon ng mga hurado. Kaya enter ako sa eksena.
Ang kasalanang nakikita ng iba na ginawa ni Caparas (although hindi kasalanan para sa akin…) ay ang ipangalandakan niya sa buong Philippine archipelago na buhay na ang komiks at siya ang saviour (…kundi parte ng buhay sa showbizness). Sisihin ninyo ang mga writers ng tabloids at newspapers. Sila ang nag-I-exaggerate ng mga eksena. Meron pa ngang nagsulat, si Caparas daw e Anime King. E sino namang siraulo ang maniniwalang Anime King siya, e ang anime e Japanese animation at hindi komiks. So hindi si Caparas ang dapat sisihin dito kundi ‘yung mga writers na todo build-up kay Caparas para maambunan ng konting ‘andalu’ (sorry for the word, kapag nasa showbiz kayo, maiintindihan niyo ‘ko, dati rin akong naging ‘gaca’ hahaha.
Ikatlong tanong: Totoo ba ang sulutan issue?
Aba! Ewan ko! Basta nu’ng gabing nagpatawag ng meeting si Caparas sa Maxs Roces Ave., habang kumakain kami ng manok at umiinom ng SanMigLite, e nagpaalam siya dahil may ka-meeting siya sa Shangri-La Crossing (at dapat doon din ang meeting namin dahil balak yata kaming ipakilala sa ‘mga’ financers’.
Natunugan ko na ‘yun palang meeting sa Shangri-La ay business deal ni Caparas sa Sterling at sa grupo nina Don Emilio Yap ng Manila Bulletin. Well, dapat ko pa bang alamin ang detalye? E alam na natin ang kinalabasan na Sterling ang naging partner ni Caparas.
Ikaapat na tanong: Bakit pumayag kayo na magpaapi sa rate na ibinigay ni Carlo sa mga contributors?
Sinong inapi? E di sana wala nang gumawa kay Caparas? At sana kapag nagpapatawag sila ng meeting e wala nang uma-attend? E atat na ngang magsimulang gumawa ng komiks ang mga beterano. Isa lang naman ang solusyon diyan, kung nabababaan kayo, e di huwag kayong gumawa! Tingnan niyo ako, hindi rin ako nagdu-drawing sa kanya. Kasi nabababaan din ako. Pero nag-submit ako ng script. Iyon lang ang kaya kong gawin sa komiks ni Caparas. Personal decision ko iyon. Kung nabababaan kayo, e di sa Liwayway at sa PsiCom kayo magpunta.
Saka di ba nga sabi ko, mga makukulit talaga kayo, na kapag dumating na sa puntong inaapi na tayo (mga contributors lang), baka ako pa ang unang mag-organisa para ipaglaban natin ang dapat ipaglaban. Pero wala pa namang naaapi. Ni wala pa ngang komiks na lumalabas, react to the highest level agad kayo.
Ikalimang tanong: Saan ka ba lulugar, sa mga artists o sa businessman?
Kumporme kung ano ang pinag-uusapan. Dalawa ang mundo ng komiks. Isang commercial side at isang artistic side. Hayaan mong gawin ng mga commercial creators ang role nila ng pagiging commercial, at hayaan niyo silang maging P10.00 ang komiks nila dahil parte ‘yun ng pagiging komersyal.
At hayaan niyo rin na gawin ng mga artistic at visionaries na gawin ang role nila para iangat ang form ng komiks sa Pilipinas.
Magkahiwalay na mundo ito, kaya dapat nating pag-aralan ang border line ng mga ito para hindi tayo react to death kung meron mang gumawa ng komiks na P10.00 at meron ding gumawa ng komiks na English at itinitinda ng mahal.
Lahat ito ay learning process. Nasa panahon tayo ngayon na nangangapa tayo sa dilim. Napi-predict ko nga, hindi na ulit aangat ang industry ng komiks dito sa Pilipinas (O ha! Laban kayo! Isusulat ko ito sa susunod.) Kung hindi magbabago ng strategy ang mga may pera para maglabas ng komiks.
Ikaanim na tanong: Sasama ka ba sa Komikon?
Kumporme. Kung bibigyan ba nila ako ng table e bwahahaha.
8 Comments:
¿Randy, si todos los komikeros tienen la misma visión objetiva que usted lo hace, ella será mucho más feliz!
But you have to explain words such as: eklavu-eklavu; same as Obladi-oblada? ay, mali.
Ako ang reklamo ko lang, sana na-balance man lang ang pag-recognize sa mga kabataan as TRUE KOMIKS CREATORS. Para kasing na -ignore ang mga ito na animo'y di sila nag-e-exist. Bigyan naman sana nila ng WORTH ang mga ginawa ng mga indies na ito, dahil sila ang nagpatuloy sa pagkakaroon ng komiks awareness dito sa ating bansa.
Ito lang talaga ang aking EKLAVU-EKLAVU at OBLADI-OBLADA. Halimbawa, kung may isang nobela si Elena Patron, sukat na! Dapat ang pangalawa ay yung DIOSA HUBADERA naman, at ang pangatlo at pang-apat ay sa iba pang mga kabataang may IBUBUGA naman sa paggawa ng komiks.
Kung si Caparas ay may sampung nobela, isa na lang at ipagpaubaya na sa ilan pang kabataang may mga bagong idea. Masama ba namang hangarin natin na umangat lalo ang ating komiks?
Ito lamang ang aking obladi at oblada. Rah!
Ayan, kasasabi mo pa lang na huwag nang aangal, eto ako't umangal na uli. He-he.
Hey Desmond! Get that fuckin' wheelborrow out here, you lazy bum! Get moving you dumb cough!
Maka-dive nga muna sa dagat. Sigue, hasta la luego, Señor Don Randolph Valiente.
It's good to see a well-balanced (and entertaining) take on the subject for a change.
This divisive controversy wouldn't have been blown out of proportion without the infantile sour-graping that initiated it and the publicity campaign that led a lot of people to see it. And yes, I'm referring to Zach Yonson's and Gerry Alanguilan's posts in their respective blogs (sick and tired of people making unfounded insinuations and blind items, so I won't add to it).
The exchange over at Zach's blog is quite entertaining -- but hardly informative. So far in the whole thing, it seems only Guia Yonzon who's shown some class (though quite in danger of losing it too).
har har har Ayos! natulig ka na ba sa mga tanong? Wala ako masabi, ahehehe
Cool ka lang Randy, it goes with the territory. Nung unang panahon nga, pinapapatay ang bearer of bad news. Pero bad news nga ba ang binabalita mo ? hindi naman ah... good news nga eh, the revival of masa komiks at ten bucks ! di ba good news iyon ?
Magkano nga ba ulit ang bigay ni Carlo sa scriptwriters/contributors per page ?
Auggie
Tauruswarrior,
The "kids" will eventually get their chance. I earnestly believe though that the old masters should be given first priority. they're the ones who were hit hardest by the industry's collapse, and this opportunity to produce Komiks again is somewhat of a reward for what they had to go through imho.
PS 25 years young pa lang ako hehehe.
Oo nga naman, this could be their Last Hurrah !
taray naman ng sinabi mo, kaya simula ngayon never na akong magtatanong sayo baka mamya sagutin mo dito sa blog mo matunaw ako bigla sa kahihiyan. Teka naliligo ka ba?
Carry on Ka Randy Valiente! We are with you all the time! We like to hear more good news from you. Hayaan mong mabulok ang mga alimango dyan sa putikan. :)
Post a Comment
<< Home