Wednesday, July 25, 2007

HISTORIAN’S POINT OF VIEW

Isa sa tinitingala kong historian pagdating sa Asian comics ay si John Lent. Karamihan ng mga infos na na-research ko tungkol sa komiks sa ibang bansa sa Asya ay sa kanya ko nakuha.

Ito ang pinakabago niyang report sa kaganapang nangyayari sa komiks sa Asya.

THE TRANSFORMATION OF ASIAN COMICBOOKS

Pero sa dinami-dami ng article na nabasa ko tungkol sa history ng komiks sa Pilipinas, laging nakakasama ang linyang ito:

‘The old Philippine komiks scene was starting to die out already in the 1970s, with the onslaught of martial law and the migration of artists to the U.S.’

Na para sa akin ay hindi totoong nangyari. Kailanman ay hindi namatay ang komiks noong 70’s, dahil kabaligtaran ang nangyari, mas lumakas pang lalo ang komiks.

Naglatag na ako dito ng mga datos noon pa, hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin. Ang 70s-80s era ang pinakamalakas na bentahan ng komiks sa buong kasaysayan nito. Sa katunayan, isa nga sa puna ng marami, bumaba diumano ang quality ng mga artworks ng 70s, ito ay dahil nga sa dami ng trabaho at sunod-sunod na deadlines ng mga illustrators.

At hindi rin totoong nakaapekto sa local industry ang pagpunta ng mga artists noon sa US para gumawa sa DC. Totoo, nawala sina Redondo at Alcala, pero maraming naiwan dito. Nandito pa sina Hal Santiago, Mar Santana, Federico Javinal, Vic Catan Jr, Rudy Florese, at marami pa. Bumalik nga ulit dito si Alex Niño noong early hanggang mid 80s. Ang ilan sa mga ito ay nakapag-drawing sa komiks sa US pero hindi sila nagtagal sa pagtatrabaho doon. Ang dahilan: isyu ng pagiging agent nina Tony de Zuñiga at Nestor Redondo.

Bilang sa daliri ang mga artists natin na nanatili noon sa US comics. Ang isang buong laksa ay naiwan dito sa Pilipinas. Sila ang nagpatuloy ng mga iniwan nina Redondo at Alcala. Kaya imposibleng naapektuhan ng pag-alis ng ‘iilang’ dibuhistang ito ang buong Filipino komiks industry kung business side ang pag-uusapan.

Kailangan na rin sigurong mag-upgrade ng mga foreign historians ng mga informations na kanilang nakukuha tungkol sa kasaysayang nangyari sa Pilipino komiks.

1 Comments:

At Thursday, July 26, 2007 1:57:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

kaw, talaga Valiente, tama ka na naman :)

Nagbabakasyon ako at kung bakit naisipan kong magpunta sa Civilization at dumalaw sa blog mo.

Tamang-tamang-tama ka. He-he. Pinakamalakas noon ang komiks in the 70's, ang dekadang taga-komiks ako (maski na ba part-time lang, ano?). At hindi totoong pangit ang mga drawing noon. May mga pangit, tunay ka - nguni't, subali't, datapuwa't – ang daming maganda. In fact, ang mga naiwan ay nagsigawa rin sa US kahi't hindi pumunta sa US.

Tootong nawala nga ang pinaka-creme de la creme na mga illustrators (at hindi ko masisisi si Auggie kung bakit siya nawalan ng gana), pero... kung binigyan lang ni Auggie ng kaunting pagkakataon ang mga naiwan, sigurado akong sana'y nakita rin niya ang kaluwalhatian ng mga obra nina Steve Gan, Nestor Malgapo, Abel Laxamana, Rico Rival, at napakarami pang iba.
At may ilang nagsabi rin yata na PUMANGIT din ang PANULAT noong 1970s?

HOGWASH!

Ang masasabi ko dito: KABALGTARAN ang nangyari. Mas GUMANDA ang panulat noong mga panahong ito. Tunay ka, umiiral pa rin noon ang surprise ending ni O'henry, pero nagsulputan naman ang mga progresibong manunulat na kinabibilagan ng aking paboritong si ELENA PATRON. Di hamak na mas logical ang mga panulat noong mga dekadang ito kaysa noong golden age (hoy, opinyon ko lang ito, tunay na pinoy. Huwag mo akong sisiran uli at hindi na ako tatablan niyan. Masiyado na akong na-marinate sa SARSA ng showbiz. Manahimik ka na lang diyan). In those days na nasa komiks ako, dumami ang mga may UNIVERSITY DEGREE na sumali sa komiks kaya mas naging mataas ang antas ng panulat. Ito rin ang panahon na kahi't may Martial Law at mahigpit ang censors, mas makatotohanang kasaysayan ang nagsilabasan sa komiks. Mars Ravelo's TUBOG SA GINTO is one example. Elena Patron's OO, AKO'Y LALAKI is another. MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT was a milestone in our komiks.

Kung ang mga Roces lang sana ay hindi SINAGKAAN ANG PANULAT ng mga writers sa komiks at biniwan nila ang surprise ending, baka lalong naging mas umasenso ang mga panulat ng mga komiks scriptwriters noon.

Madali naman talagang ma-gauge ang quality nito dahil ang komiks ay kaakibat ng pelikulang Pilipino. In the 70s, doon rin nakilala ang pelikulang Pilipino internationally. Pati nga si Caparas ay nakasulat noon ng napakagandang obra, yung ANGELA MARKADO na ipinalabas pa sa Cannes Film Festival. Kung si Caparas siguro ay nag-concentrate sa drama, baka mas marami pa siyang nasulat na makabuluhan kaysa sa mga aksiyon na kadalasan ay BEREFT of logic and worth. Nagdanas din ng hirap sa buhay noon si Caparas, kaya mas alam niya ang affairs ng puso ng isang nilalang. Yung mga aksiyon kasi niya noon ay purely entertainment lang ang purpose kaya pilit na pilit at wala sa groove.

Kaya nga, señor Valiente, sulatan mo yung historian na yon na may pagka-PALPAKTO (not to be confused with impakto), ang detalye ng kanyang mga facts.

At oo nga pala, noong mid-70s din ang pinakamataas ang bayaran sa komiks. Noong mid-80s daw yata (hindi ako sigurado dahil wala na ako noon sa Pilipinas), ay bumaba na raw ang bayaran.

Buweno, ngayong muling magbabalik ang komiks, kinakailangang lumabas dito ang DIOSA HUBADERA na FORMAL ILLUSTRATION ang dating!

At pasensiya ka na pala doon sa application form na pinadala mo para sa direktoryo ng komiks. Nagpunta ito sa JUNK mail ko kaya hindi ako nakasagot sa iyo.

At sabihin mo na rin kay LUMBERA na mukhang HINDI yata exact ang impression niya na hindi nagbabasa ang mga tao ngayon ng libro. JK ROWLING's LAST HARRY POTTER book opened for sale a day ahead in Canada, and it was selling 3 BOOKS per second! Kakagimbal, ano? Kaya huwag kayong mag-alala, mga komikeros. May mga mambabasa pa rin. Pagbutihin lang ninyo ang inyong mga obra.

Salamat, Randy, and toodles. Hasta luego.

 

Post a Comment

<< Home