Saturday, July 21, 2007

PRESSCON, AT AKO NA ISANG TSISMOSONG PRESS

Tuloy na ang press conference ng bagong publisher, open ito sa lahat na gustong pumunta. Gaganapin ito sa NCCA Bldg. Intramuros, Manila, July 26 (Huwebes) 11:00 ng umaga (libre ang tanghalian). Hindi lang ‘mga’ publishers ang dadating kundi ang mga distributors na nakalap nila para mag-distribute sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.

Meron daw open forum na mangyayari (sana ay huwag ‘na naman’ kapusin sa oras hahahaha!) para sa gustong magtanong tungkol sa komiks na lalabas at kung paano ito ima-market.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 3621641 to 44 loc. 105 and look for Vivian Go or Tina Co. Puwede ring mag-email kay martin(dot)cadlum(at)gmail(dot)com.

*****

Sigurado na daw na dalawang ‘malalaking’ publishers ang maglalabas ng komiks na naka-pattern ang marketing strategy sa old komiks. P10.00 na nga ang presyo nito. Malalakas ang loob nila dahil may kani-kaniya silang business partner.

Ilang linggo ko ring ni-research kung sino ang kani-kanilang business partner.

Muntik nang malagas ang buhok ko sa ilong nang malaman ko. Itong dalawa palang publishers ay…IISA NG BUSINESS PARTNER.

Ay! Nadulas ako…ahihihi.

Ito ang tinatawag na…dalawang ibon sa isang putok.

*****

Naka-apat na issues lang pala itong manga-anime inspired na komiks. Itinigil na daw ng medyo may kalakihan ding publisher ang pagpa-publish nito dahil hindi naman daw bumebenta (aba’y…bakit ngayon niyo lang na-realize ‘yan ahihihi!).

Wala daw muna silang tiwala na maglabas ng komiks ngayon. Pero sa maniwala kayo’t sa hindi, kapag pumatok itong lalabas na komiks ng dalawang upcoming publishers, siguradong gagaya rin ang publisher na ito. Kabisado ko, dahil karamihan ng mga tao sa publication na ito ay galing sa...GASI ahihihi.

Pero dahil nga wala pa silang idea na may dalawang publishers na maglalabas ng murang komiks, naggu-go-with-the-flow muna sila kung ano ngayon ang visible sa market. Gusto daw nilang makagawa ng komiks na ang quality (art and story) ay parang Marvel at DC, balak yata nilang I-market internationally.

Ay gudlak!

Ang unang itatanong sa inyo ng mga creators ay…kung magkano ang bayad ahihihi.

Gusto nila ng superhero komiks para isabay sa Marvel at DC? Ay gudlak talaga! E halos kasindami na ng buhangin sa Boracay ang superhero sa Amerika at sa buong mundo. Anong tsansa niyo na papansinin ng international market ang mga superheroes na gagawin ninyo? E ang Marvel nga ang daming sikat na superheroes na walang sariling title.

Napaghahalata talaga na dapat pa nilang pag-aralan ng husto ang current situation ng komiks hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ito ang analysis ko nitong mga nagdaang taon kung ano ang malakas ngayon sa international market:

  1. Tinalo na ng graphic novels ang book industry pagdating sa sales. Ayon ito mismo sa Times magazine. No wonder, kaya nagkalat ngayon sa bookstore ang mga compiled comics ng Marvel at DC para magmukhang graphic novels. Gusto nilang makipagsabayan sa market ng graphic novels.
  2. Mas tinatanggap ngayon ng international market ang mga kuwentong may cultural identity ng creator/s. interesting para sa maraming tao na matuklasan ang kultura ng iba. Parang ‘yung isang Pinoy na ipinagmalaki pang I-post ang gawa ng mga sikat na Pinoy artists sa isang forum. Biglang binara ng isang Amerkano: “As far as the Philippines goes -- I notice you're putting a fair chunk of emphasis on the term "third-world," and that you're defining "success" mostly as "having made it in mainstream North American comics. I'm more interested in the Philippines-born and Philippines-centric "komiks" than who is working in the American comic industry, to be honest.” Ahihihi!
  3. Ang international comics ngayon ay binubuo na ng magagaling na tao (story and art—lalong-lalo na sa story). Nasa pedestal na ang visual narrative (comics) ngayon sa tulong nina Will Eisner, Frank Miller, Alan Moore, Neil Gaiman, Art Speigelman, Harvey Pekar, Marjane Satrapi, David B., Scott McCloud, at marami pa. Dahil sa ganitong sistema, hindi nakapagtatakang matalo ng graphic novels ang book industry dahil ‘malaman’ at ‘intelligent’ na rin ang laman ng mga komiks sa international. Gusto ninyong makipagsabayan sa international market? Pagsulatin ninyo sa komiks sina F. Sionil Jose, Bienvenido Lumbera at iba pang literary writers. Hindi ‘yung namik-ap lang kayo ng isang nagpost sa Deviant Art ng nakakatuwang superhero character pagkatapos ay inalok na ninyo para maging international comics creator ahihihi!

3 Comments:

At Saturday, July 21, 2007 11:34:00 AM, Blogger Jon said...

Papayag kaya ang mga tulad ni F. Sionil Jose o kahit na sinong batikang manunulat na i-adapt ang sinulat nila to graphic novel?
Ang sarap sigurong makabasa ng graphic novel ng "The Mass."

 
At Saturday, July 21, 2007 11:41:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Actually isa ito sa mga naging plano ko noon, may mga kilala kasi akong literary writers na hall of famers na. Binalak ko na gawing komiks ang gawa nila. Pero hindi na natuloy dahil sa dami ng trabaho. Pero gagawin ko pa rin ito, napakarami nating materials ng napakagagandang kuwento.

Kung sila mismo ang magsusulat ng script sa komiks, tingin ko ay hindi nila ito gagawin ngayon.

Ang problem dito sa Pinas, nasa mababang level pa rin ang komiks sa paningin ng mga literary writers, even the fine artists' kaya hindi pa nila ma-grasp ang idea ng komiks as an art and literature.

Kailangan natin dito ng isang seryosong movement para maisakatuparan ito gaya ng ginawa nina Eisner, Moore at McCloud sa Western comics.

 
At Sunday, July 22, 2007 10:42:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Hindi pwedeng nangyari na natalo ng graphic novels ang ibang libro sa sales. Hindi mo man lang nakikita ang mga graphic novels sa mga best seller lists like NY Times. Baka ang buong benta ng graphic novels ay wala pa sa kuko ng HARRY POTTER books.

The total sales of comic books and graphic novels in North America in 2006 was estimated at $475-550 million. The total sales of all books in 2006 was $24 BILLION.

Siguro yung nabasa mo ay mas mabilis ang growth ng sales ng graphic novels (9%) kaysa sa overall industry (-0.3%).

But I'm skeptical of this often-cited statistic of graphic novel sales growth as a sign of good things ahead for comics. I think it's mainly fueled by the 30 and 40-something men who are buying compilations of the comics they used to own as kids.

 

Post a Comment

<< Home