Sunday, July 15, 2007

ANIMATION, ANIMATION, ANIMATION



Animated movie na ang isa sa pinakapaborito kong graphic novel. Panoorin niyo ang teaser na nasa itaas.

*****
Tumanggap ako ng freelance job sa animation studio as a storyboard artist. Mag-oopisina ulit ako ng 3 days sa isang linggo. Kakainin nito ang oras ko. Kaya malamang na matagal-tagal pa ulit ang pagpo-post ko dito sa blog. Pagkakasyahin ko na kasi ang oras ko kasama na ang pagdrawing ko sa Guardian Empires at Headlocked 2. Ang natitira ko pang mga oras ay uubusin ko naman sa personal komiks works--ang pagbubuo ng compilation ng mga articles about komiks industry with Fermin Salvador, at ang regular kong pagsusulat sa isang bagong publisher ng komiks (nag-propose ako dito ng nobela, gusto ko sanang maka-tandem ang isang beterano at kilalang illustrator).

Kaya ang tingin kong maaapektuhan dito ay itong blog ko. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakapag-post. Baka next week na, or 2 weeks from now, hindi ko pa alam. Sinasabi ko lang ito baka kasi marami ang magtaka bakit magiging matagal ang updates ko dito.

2-3 months lang naman ito, gusto ko lang kasing upuan itong animation studio dahil magiging pride ng Pilipinas ang animated movie na gagawin. Of course, nauna na ang Panday at Kapten Barbell ni Gery Garcia noon (na mga tv series), ang Hoodwinked (all-Filipino studio pero funded ng foreigner).

*****
Gusto ko lang din na sabihin na nagtayo ng kauna-unahang animation studio sa ang ilan nating mga kababayan sa Western Visayas, ito ang Apex Animation and Creative Studio. Kasama sa pumunta sa Komiks Caravan namin sa Iloilo ang art director nito na si Arnold Fuentes. All-out support tayo sa project na kanilang ginagawa.

4 Comments:

At Tuesday, July 17, 2007 1:47:00 PM, Blogger Secret Samadhi said...

hindi ma nilagay na kailangan mo rin ng oras sa pagkain, pagligo at pagtulog... malamang sa mga susunod na araw kapag may naamoy akong mabaho ikaw un he,he busy masyado ha, ilan bang pamilya pinapakain mo??? hehe bawasan m kaya ng isa

 
At Saturday, July 21, 2007 6:33:00 PM, Blogger rmacapobre said...

its in french .. since i am a beginner. i had a hard time trying to decipher what they're saying ..

stevie wonder
julio iglesias
pink floyd
jacheal mackson = michael jackson?
les cartes jouer? = playing cards?
iron maiden
huh c'est combien pour ça = how much for that?

soixante = 60
cinquant = 50
soixante = 60

y est toi = you there
cette form = your appearance
c'est punk = its punk
michael jackson??
ça la = there!
(??).. occidental = something western
non non c'est c'est malcolm x = no no its malcolm x

 
At Friday, August 03, 2007 5:29:00 PM, Anonymous Arnold said...

Sir Randy, congrats at gagawa kayo ng storyboard sa isang animation. Nag conduct po kami nga lecture sa University of San Agustin Dito sa Iloilo for animation Sa kanilang fine arts department. Mga student nila interest sa animation at meron ding nagtatanong sa Komiks Karavan!. Ibinigay ko po ang Website nyo sa kanila, kasi interesado sila sa komiks.

Arnold M. Fuentes,MPA
Iloilo

 
At Wednesday, September 12, 2007 5:06:00 PM, Anonymous frederick of bataan said...

okyung anime kuya ah...heheheh....galing mo idol!!!!!!!!!!!!!

 

Post a Comment

<< Home