Monday, July 02, 2007

KASAYSAYANG PATULOY NA PAG-AARALAN

Isang interesting na pag-aaral ng kasaysayan ang ibinahagi ng manunulat na si Fermin Salvador tungkol sa industriya ng komiks. Narito ang kanyang ipinost sa Phil. Komiks Message Board:

First Phase - The Formative Years/Era (starting from Rizal's "Matsing at Pagong" in 1800s to the beginning of "Kenkoy")
Second - The Expansion Years (from 1940s to 1950s)
Third - Golden Years/Era (from the 1960s to late 1980s)
Fourth - The Waning Years (from mid 1990s to early 2000)
Fifth - The Transition Years/Era (the time when indies beat the traditional mainstream komiks in late 1990s to mid-2000s)
Sixth - The "Great" Awakening (from mid-2000s to present)

Kumplikado ang kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Maski ang ‘golden age’ nito ay isang malaking katanungan hindi lang sa ating mga new generation of creators kundi noon pa mang bata pa ako sa publication.

Maraming dapat isaalang-alang kung bakit matatawag na ‘golden age’ ang industriya ng komiks. Dapat ay magaganda ang mga trabaho—both writing at drawing, malawak ang nararating at tinatanggap ng maraming tao.

Weird ang history ng industry natin dahil:

  • Noong 1950s hanggang 60s naglabasan ang pinakamagagandang drawing sa komiks
  • Noong 1970s hanggang 80s naman ang may pinaka-logical at creative na istorya sa komiks.
  • Noong 1970s hanggang mid-80s naman ang pinakamataas na sales ng komiks na halos 90% ng reading population ay nagbabasa ng komiks.
  • Noong early 90s, kung saan napapabalitang humihina na daw akong komiks, saka naman makikita ang pinakamataas ang sales ng iisang title sa komiks—ang Horoscope Komiks—na ang katapat na print run ay kasindami na ng halos sampung titles.

Hindi biro ang pag-aaral ng kasaysayan ng komiks. Maraming dapat isaalang-alang dito. Parang pag-aaral ng isang libro, dapat tingnan ang author, sino ang gumawa, para kanino, anong panahon, at para saan.

Kung matatandaan ninyo, napakadaming debate ang naglabasan sa mga blogs at forums, kabilang na ang blog nina Gerry Alanguilan, Dennis Villegas, Aklas Isip, dito, at sa iba pa, dahil may kani-kaniya talaga kaming interpretasyon ng kasaysayan ng komiks.

Takot akong magsulat tungkol sa history. Hindi ko ito linya. Mas gusto kong maging komentarista at analyst.

Gayon pa man, ang ganitong mga pag-aaral na may iba’t ibang interpretasyon ay isang napakagandang kaganapan sa industriya. And I’m proud to say na sa panahong ito ako nabuhay. Noon, walang ganitong mga usapan sa publication. Ang kaisa-isang history ng komiks na naging libro ay ginawa ng mga editors na hawak ng Roces publication, ang History of Komiks of the Philippines and Other Countries. Isa nga sa puna ko e bakit isinama pa ang other countries, na halata namang may pinagkunan din namang aklat galing sa ibang bansa. Marami ring kulang sa librong ito, ang daming publications, artists at writers ang hindi nakasama.

Isa sa dahilan kung bakit maraming hindi nakasama ay dahil sa marami rin daw ang hindi nakipag-cooperate sa mga editors na gumawa nito noon. Kung kailan tapos na ang libro ay saka aangal kung bakit hindi sila isinama.

Parang itong Direktoryo ng Komiks na proyekto ngayon ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa halos 50 tao yata na pinadalhan ko ng form ay dalawa lang ang nag-reply sa akin. At ang nakakatawa, ang kauna-unahan pang nag-submit ay ‘yung nakatira sa Amerika. Hindi ko alam kung ayaw nilang I-publish ang kanilang address o baka ayaw lang talaga nilang sumama. Well, hindi ko rin naman ibinigay ng buo ang address ko. Baka nga naman biglang may humanting sa akin.

Mabalik tayo sa kasaysayan. Gusto ko ang huling phase na ginawa ni Fermin Salvador, ang ‘Great Awakeing’. Totoo ito.

Noong mid 90s, nagsimula nang humina ang traditional komiks, unti-unti na ring nagsusulputan ang mga indies at sub-cultures na ang ini-entertain lang ay ang American at Japanese comics.

Narito ang tatlong events na sa tingin ko ay nagbigay ng ‘big twist’ sa komiks ng Pilipino kung bakit hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ito.

  1. Ang paghina at pagsasara ng mga traditional komiks.
  2. Ang pagpasok ng Manga subculture, at ang paglakas ng Japanese comics mismo hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.
  3. Ang awareness na mas magandang gumawa ng komiks sa Amerika dahil well-compensated ang mga artists.

Ito ang nagbigay ng malaking pag-ikot ng kaganapan kung bakit sa isang napaka-conservative na traditional komiks natin ay bigla itong naging American-Japanese standard ngayon. Biglaan kasi. Hindi nagdahan-dahan ang shifting. Kaya ang daming hindi makasabay. Ang mga traditionalists, biglang nawalan ng projects. Ang mga new gen naman ayaw sa traditional. Isang malaking kaganapan sa kasaysayang ito ang tinatawag kong ‘THE BIG TWIST’ dahil ito ang naging basehan kung bakit naging malaki ang pagkakaiba ng ‘noon’ at ‘ngayon’.

Siguro ay gagawa ako ng separate article tungkol sa ‘The Big Twist’ na ito. Masyado akong naging sensitive dito, dahil galing nga ako sa local industry, kaya ang laki ng naging adjustment ko nang gumawa na ako sa US comics. At hanggang sa kasalukuyan, masyadong matalas ang awareness ko kapag may kausap akong beterano o kaya ay new gen creator, may bagay kasi na hindi maka-relate ang isa’t isa both writing at art.

Habang gumagawa ako noon sa GASI ay naging member din ako ng isang indie komiks, at sumubok akong gumawa sa underground. Mga kakilala ko mismo ang nagkuwento sa akin na marami sa mga indies noon, ay walang respeto sa traditional komiks.

Kaya maganda itong huling phase ni Fermin. Totoo ito. Panahon nga ngayon ng ‘great awakening’, at puwede ko ring sabihing ‘great realization’. Both sides kasi ay napag-uusapan na ang dapat pag-usapan. Although hindi pa rin talaga maiwasan, at marami pang dapat pagtalunan, at least alam na natin ngayon kung ano ang pinagtatalunan. Hindi gaya noon na nagtatalo tayong lahat nang hindi natin alam kung bakit.

*****
Naaksidente si Yong Montaño, isang beteranong dibuhista, naapektuhan ang kanyang baga at ngayon ay nasa ospital. Ang masaklap nito, kalalabas lang din ng ospital ng kanyang asawa kaya nagkasabay-sabay ang gastos.

Kung sino man sa atin dito ang may magandang kalooban at kayang magbigay ng kahit kaunting tulong pinansyal ay malaking pasasalamat na ng pamilya Montaño.

Maari kayong tumawag sa telepono 9241035.

7 Comments:

At Tuesday, July 03, 2007 9:52:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Si Fermin ay dati pang contributors ng Atlas noon pang early 80s. Tingin ko ay credible siyang pag-aralan ang mga ito. Hindi na niya binanggit ang mga details ng bawat phases na ito, pero ang pagkakaalam ko ay meron siyang mga references. Nabanggit din kasi niya na may sinusulat siyang aklat tungkol dito.

 
At Tuesday, July 03, 2007 12:57:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sir Randy,

Maganda ang ginagawa mo ngayon sa larangan ng komiks. Ito ay isang para-an ng pag gunita sa mga orihinal na mga dibuhista at mga manunulat

Arnold

 
At Tuesday, July 03, 2007 4:01:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

I see this blog has now returned to its old secondary function as a stage for anonymous personal attacks.

 
At Tuesday, July 03, 2007 4:25:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Pasensya na sa mga bumibisita sa blog na ito na talagang hindi maiwasan ang ganitong bagay. Siguro ay kasalanan ko rin dahil hinayaan kong mangyari ang sobrang freedom. Maglalagay ako ng separate announcement tungkol dito.

 
At Wednesday, July 04, 2007 2:07:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Actually, maiiwasan naman iyon dahil kailangan ng approval mo ang bawat post.

The first comment on this post (that you seem to have removed now) was clearly a personal attack, not a no-holds-barred comment on an issue.

I enjoy a no-holds-barred discussion myself of issues and ideas. Wala din akong time sa plastikan at sugarcoating. I'm just surprised that you're vacillating in your posting policy. I think it's already widely accepted that anonymous posting and a productive (even if heated) discussion of issues are not compatible.

Personally I think most people who have had anything interesting to say on the various recurring komiks issues have already said what they think, so there's less postings since there's not a lot that's new to talk about. Notice the crickets chirping at PKMB as well, and when there's a lively discussion, it's usually not about komiks.

 
At Wednesday, July 04, 2007 10:15:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Nagulat na lang ako kanina sa emails ko, halos sampu yata ang nag-comments dito na puro anonymous. Umiinit na naman talaga ang diskusyon dito tungkol sa isyu ng anonymous comments, kaya hindi ko na ilalagay dito ang comments na hindi maglalagay ng tunay na pangalan na may link ng blog, website or email address nila.

 
At Thursday, January 07, 2010 10:46:00 AM, Anonymous Anonymous said...

helo sir randy, nabasa ko po ang blogs niyo tungkol sa komiks. Namangha ako dahil marami po kayong alam lalung-lalo na sa kasaysayan ng komiks. Sana po sa darating na araw ay matulungan niyo ako kung may gusto man akong malaman tungkol sa komiks para sa aking pag-aaral nito. Ako po'y c Jocil, isang estudyante ng Assumption College of NAbunturan.

 

Post a Comment

<< Home