RATE MY LOVE (Part 1)
“I have spent my career in the application of sequential art as a form of narrative language.”
Tumagos sa puso ko ang sinabing ito ni Will Eisner sa foreword niya sa ‘The Plot: The Secret Story of the Protocols of the Elders of Zion’. Ito kahuli-hulihan niyang graphic novel bago siya namatay ilang buwan matapos ito noong January 2005.
Habang unti-unti nating hinihimay ang komiks, at habang nagpupursige ang bawat isa sa atin na paangatin ang medium o ang industriyang ito, nadadagdagan din ang mga problemang kinakaharap natin. Dati, ang problema natin, masyadong makaluma ang komiks, kaya nang maging mainstream at kumita ang dati ay independent at underground komiks dito sa atin, nagsigayahan na rin ang karamihan ng nag-publsih ng komiks. Nauso ang ‘manga’, nag-manga na lahat. Kung meron nga lang komiks na ‘santol’, malamang marami na ring nag-santol ngayon.
Unang pinagtalunan sa blog na ito kung ano ba ang dapat: English ba o Pilipino? Colored ba o black and white? Newsprint ba o glossy? Bookstore ba o bangketa? Mura ba o mahal?
Nasa experimentation stage ang industry. Wala pang sagot sa mga tanong nating ito dahil wala pang nananalo. Wala pang magbibigay ng conclusion at magsasabing ‘kami ang tama.’
Nagwakas ang traditional komiks sa napakahabang taon din nitong pamamayagpag. Nabigo rin ang ‘manga-inspired’, gaya ng Culture Crash, na tumagal sa market, dahil sa napakaraming problemang kinaharap. Hindi rin maituturing na industry ito kung ang nakikita lang natin ay Arnold Arre-Carlo Vergara sa National Bookstore, Powerbooks at Fullybooked.
Noong isang araw, inilabas ng Mango Comics ang Bituin Komiks, na susundan ng iba pang titles (Joe D’ Mango at Maalaala Mo Kaya komiks). Bagama’t modern ang presentation nito (on the outer look), naka-pattern ang marketing strategy sa traditional komiks. P10.00 ang presyo, mabibili sa bangketa, maraming print copies, at malawak ang circulation (hundred thousand copies ang print run). In short, at base na rin sa content, mass-based ang komiks na ito.
Kukumpetensyahin ito ng isa ring malaking publisher (ayoko munang banggitin kung sino), na ganito rin ang strategy. Hundred thousand copies, mura ang presyo, well-distributed sa buong Pilipinas, at mass-based.
Noong isang araw din, sa meeting ng mga writers at illustrators at ng new publisher na ito, lumutang ang isyu ng page rate.
Hindi kayang magbigay ng malaking presyo sa writer at artist ang new publisher na ito dahil ayon sa kanya, kaya niya itong patakbuhin ng 3-5 years na tuloy-tuloy ang labas, ngunit ang kaya pa lang niyang ibigay na page rate sa mga contributors (sa ngayon, dahil nga nagsisimula pa lang) ay ang kasalukuyang presyo ng rate ng local komiks, tinumbok niya ang Liwayway, ngunit may konsidereasyon naman siya na mas mataas ng 25% kumpara dito. In short, mas mataas pa rin naman kesa sa GASI at Atlas noon. At para na rin sa information ng lahat, kahit noon pa man ay mataas na ang rate ng Liwayway kesa sa GASI at Atlas. Kabisado ko ito dahil contributor din ako ng mga publications na ito noon.
Ang hinihingi ng new publisher na ito ay kaunting pang-unawa, sabi nga, habang maikli daw ang kumot ay matutong mamaluktot. Ngunit kung magtatagumpay nga ito, puwede na rin namang pag-usapan ang increase.
Tahimik ang lahat habang binabanggit ito. Pakiramdaman. Ako ang unang nagtanong, “Personally, walang problema sa akin ang rate. Ang itatanong ko lang ay kung isasauli sa artist ang original drawings.”
Nasagot naman ako ng maayos tungkol sa original drawings issue. Ang nagkaroon ng commotion ay issue ng page rate dahil nakapagbitaw na ako na ‘okay lang sa akin ang rate’. Ang mali ko, dapat ay ten times kong inulit ang salitang ‘personally’.
Sinundan pa ito ng isa ring beterano, “Ano ba ang purpose natin kung bakit tayo nandito? Para buhayin ang komiks hindi ba? Gagawa ako ng komiks, libre. Hindi ako magpapabayad. Ang gusto ko lang ay makapag-drawing ulit.”
Pakiramdaman na naman. Nagsalita ang new publisher na hindi siya papayag sa ganito. Gusto niya ay makatanggap ng bayad ang lahat.
Matagal na pakiramdaman ulit. Nagsalita ang isang writer/editor, “Si Randy, kumikita sa komiks na ginagawa niya hindi dito. Out of of love kaya okay lang sa kanya ang rate ninyo (new publisher). Si beterano, wala na ring iniisip dahil kuntento na siya sa buhay, paano naman ang mga writers at artists na ang source of income ay maliit?” In short, paano nga naman sila makaka-survive sa sitwasyong ganito?
Nagkaroon ako ng realization dahil dito. Ang feeling ko, napaka-selfish kong tao. Marami nga naman sa mga kasamahan ko ang may pamilya. Kung hindi sila mabibigyan ng sapat na kita, aalis lang din sila sa linyang ito at hahanap na lang ng trabahong kikita sila ng malaki.
Hirap akong sagutin ang mga tanong na ito. Kung ako siguro si beterano, gagawa lang din ako ng libre. Kung ako naman siguro sa si writer/editor, hindi rin ako masisiyahan sa rate.
Parehong tagakomiks. Magkaiba ng ipinaglalaban. Love versus survival.
Saan ako lulugar? Pareho namang tama.
Puputulin ko muna ang aticle na ito dahil masyado nang mahaba. Abangan na lang ninyo ang aking ‘shocking’ conclusion dito sa part 2.
*****
Magkakaroon ng adjustment ang schedule ng seminar-forum na una kong ibinalita dito. Dahil kasisimula pa lang ng klase at loaded pala ang schedule ng venue sa U.P Diliman, hindi pa nakatitiyak kung kailan ito mangyayari. Abangan na lang ninyo ang announcement ko tungkol dito. Ngunit siguradong sa buwan din ito ng July.
Ganun pa man, sigurado na rin naman ang topic na idi-discuss ko para sa seminar-forum na ito. Ito ang paksa na tatalakayin ko: ‘Ebolusyon at Globalisasyon sa Komiks ng Pilipino.’
Pansamantala ay inalis ko muna dito ang pagiging komiks creator ko at itinuring ko ang sarili ko na estudyante na nagsasaliksik ng history. Kailangan kong gawin ito, kahit alam kong may magri-react sa aking mga kasamahan sa komiks, para naman mai-presenta natin ang ibang point-of-view ng pagtingin sa kasaysayan ng komiks.
Narito ang ilang halimbawa na kasama sa idi-discuss ko:
-- Si Jose Rizal, na itinuturing na nagpasimula ng komiks sa Pilipinas, ay gumawa ng komiks hindi para sa mga Pilipino kundi para ilimbag sa Trubner’s Record magazine na lumalabas sa Europa.
-- Ang ‘Kenkoy, na ginawa ni Antonio Velasquez (Ama ng Komiks) ay salamin ng isang kolonyal na lipunang Pilipino sa ilalim ng kulturang mala-Amerkano.
*****
Puwede nang magsaya ang mga ‘trolls’ at mga ‘stalkers’ ng blog na ito. Dahil puwede na kayong mag-post dito na hindi ninyo isusulat ang tunay niyong pangalan. Puwede na ulit kayong magtago sa mga identity ninyo para asarin ako hehehe.
Iyon nga lang, dadaan din muna sa akin ang mga comments ninyo. Ang sasalain ko lang naman ay ‘yung mga ‘below the belt’ na ang pinagsasabi. Pero sa kabuuan, mas may ‘freedom’ na kayo ngayon.
Nami-miss ko na kasi ang mga murahan at tirahan dito. Ayos ba?
9 Comments:
Dear Randy,
Salamat sa pag-discuss sa isyung ito.
Puwede na nating sabihin na ako ‘yung writer/editor na nag-ungkat ng tungkol sa contributors’ rate.
Sa umpisa ng pakilalahan ng mga nagsidalo ay sinabi ko sa mga taong naroon na I was there simply to observe. Ang sabi ko rin ay isa akong ‘showbiz magazine editor’ (na pinrotesta ng aking mga kasamahan dati sa komiks J). Hindi naman ibig sabihin nito ay itinakwil ko na ang pagiging komikero. It so happen na sa kasalukuyan ay ito ang aking hanapbuhay, ang I’m not doing serious comics stuff as of the moment.
I was enjoying the food, at nagsalita lang ako nang tanungin ako ng publisher kung ano ang masasabi ng ‘observer’ sa talakayang nagaganap. Ang isinagot ko lang, ang napansin ko, nang sabihin niya (publisher) ang tungkol sa 25% rate increase kumpara sa existing rate na ang magiging batayan ay ang ibinibigay ng Liwayway, ay parang lumungkot ang paligid. Kumpara ito sa aking inaasahan na pagkatapos ng kanyang announcement sa economic side ng pagpupulong ay magpapalakpakan ang mga naroroon, bagaman at may pahimakas na siya sa umpisa pa lang kung ano lang ang kanyang kakayanin.
I did cite yours and the veteran illustrator’s view on the rate, kasi nga ay iba’t iba na ang katayuan sa buhay ng mga komikero sa ngayon gaya nang iyong nabanggit. Ako, sa panig ko, ay puwede rin namang magsulat nang libre kung makapapasa sa pamantayan ng kanilang patnugutan. Sinabi ko lang ang obserbasyon ko na naging gloomy ang atmosphere nang mabanggit na ang rate dahil kilala naman natin ang mga komikero na hindi nagsasalita ang marami kapag harap-harap, at saka lang nagtatalakayan nang tumpuk-tumpok kapag tapos na ang miting.
Saka may mga Liwayway contributors doon at alam kong nagsagawa sila ng quick math sa kanilang isip. Kung nasiyahan sila sa offer, makikita natin iyon sa kanilang reactions.
Isa pa sigurong dahilan kung bakit ang mga naroroon ay hindi gaanong na-excite sa narinig ay dahil ang naunang publication (bituin & love notes) na naglalabas na ngayon sa bangketa ay nag-offer ng mas mataas na rate (P500/page sa writer, P1,000/page sa illustrator). May comparison na; at kung hindi makapapantay o kaya ay makahihigit, siyempre ay hindi iyon maglalagay ng ngiti sa kanilang mga labi.
Hindi ka naman dapat ma-guilty, and I don’t think you’re being selfish, dahil sabi mo nga, pagdating sa komiks ay mas nauuna sa ‘yo ang pagmamahal sa medium kaya lagi kang nagsasakripisyo ng time, money and effort. Hindi ito nakapagtataka dahil incidentally, dalawa lang kayo ng mentor mo na nag-offer ng sacrifice sa publisher. Nakikita ko na bukod sa kaalaman sa pagguhit, naisalin din sa iyo ng mentor mo ang kanyang values pagdating sa trabaho.
Ako ang parang nahiya nang gabing iyon dahil parang biglang-bigla ay nagmukha yata akong pera at naghahabol sa mataas na rate kahit wala naman akong planong mag-contribute. Dahil ang mga sumunod na sinabi ng mga tao (interestingly hindi naman mga talagang ang buong buhay at hanapbuhay ay sa komiks ginugugol) ay ang pagsasakripisyo, paggawa ng libre and to the extent na kahit na ang mga naroroon ang magbenta ng komiks na ipa-publish ng publisher. Samantala, ang mga tunay na komikero ay tahimik lang at nagmumuni-muni.
Ang punto ko lang, tutal naman ay milyun-milyon na rin lang ang binanggit na puhunan, bakit naman titipirin pa ang rate ng mga komikerong naroroon? Ang pinakaresonableng aksyon sa palagay ko ay tapatan kung ano ang kayang ibigay ng naglabas ng bituin at love notes.
Pero hindi ko na nasabi ito dahil naging emotional na ang talakayan, at nakatutuwa na rin namang makinig ng mga parabula ng mga mas nakatatanda sa atin—na sa aking palagay ay nag-iwan ng mahahalagang leksyon sa mga naroroon.
Samantala, masaya ako sa pagsulpot ng dalawang malalaking publikasyong ito. Anu’t anupaman, ito ay mga hakbang sa pagpapasigla ng industriya at nagbigay rin sa akin ng reyalisasyon na nagbunga ang paghihirap ng mga taong nasa likod ng komiks congress—at isa ka roon. Hindi ako nagsosombrero, pero hat’s off at saludo ako sa ‘yo, Ka Randy!
Natuwa din ako dahil pag-uwi ko kagabi sa bahay, nag-email kaagad si Tita Opi. Ito ang sabi niya:
'if there is one thing na hinahangaan ko sa iyo bukod sa pagiging level-headed, iyon ay ang iyong unwavering love and passion for komiks.i really admire you from the bottom of my heart.'
I'm very proud na nakasama ko kayo sa industriyang ito. Maraming lessons at realizations na nagaganap kung sana ay lahat ng mga komiks creators ay kasama nating lahat. Pinipilit kong maipasa, sa tulong ang aking blog, ang mga lessons at realizations na ito sa mga 'new gen' creators na na-miss ang makulay, madrama at masayang buhay ng local komiks industry.
tama lang yung mga naging comments sa pulong na iyon. pero siyempre sa issue ng rate, dapat lang kung ano yung pinakamataas na existing rate ang dapat maging batayan, dahil yung mga mgagaling ta nangangailangan ay pupunta doon kesa sa mas mababa. sana pantay na nga lang yung rate.
Thank you Randy for sharing your experience to us, the ‘new gen’. Napaka informative ng blog mo. I agree kay Ner, ang dapat ipatupad ay ang pinakamataas na existing rate. Kung ako naman din ang publisher ay mahihiya rin ako na hindi mabayaran ang writer at illustrator.
Hello Randy! Napaka-insightful ng post mo.
Nakausap ko ang mga Yonzon kamakailan, at sang-ayon ako sa kanilang stand sa page rates. Higit na makabubuti sa industriya kung bibigyan ang mga dibuhista ng compensation na pampropesyonal, lalu na sa mga beterano. Kahit na maliit ang flat fee nila kada pahina, ay mabigyan man lang sila ng kahit maliit na royalty.
Halimbawa, kung P0.05 ang royalty ng dibuhista, at 50,000 copies ang mabebenta kada linggo, ito'y halos P10,000 karagdagang income kada buwan!
While the love for drawing is noble, nariyan ang reality na habang tumatanda'y nadadagdagan ang medical needs, pati na rin 'yung tulad ng sinabi mong mga creators na may pamilya.
(Kung puede lang nga, insurance coverage for eyesight and the drawing hand.) :-)
Atsaka, good pay rates can attract newcomers to the industry, para tuloy-tuloy ang creative output at hindi centralized ang attention sa iilang mga talent lang. :-)
ner-
salamat. nag-enjoy naman ako sa fried chicken nung meeting hehehe.
gio-
salamat, pre.
carver-
that's true. re: royalty, isa iyun sa naging topic sa meeting, pero hindi pa gaaanong napapalalim ang usapan tungkol dito.
Walang tiyak na makapagsasabi na kahit itaas mo ang bayad ng mga writer at artist ay marami uli ang tatangkilik sa komiks.
Kung me mga writer at artist na di sang-ayon sa page-rates ng ibang maliit at nagsisimula, ay hindi ito para sa kanila.
Hindi sila pinipilit at wag naman sana nilang pilitin na isahin na lang ang mga page rate.
Kailangan ay iba-iba ang page rate at kondisyon ng kontrata ng iba't-ibang kompanyang susulpot para ma-accomodate ang iba-t-ibang interes ng mga writer at artist.
Ang negosyo ng publisher ay hindi CHARITY.
Kahit na ano pa mang rate yan, kailangang patunayan MUNA ng lahat ng mga komiks artisan na consistent at de kalidad ang kanilang mga gawa bago sila magdemanda ng pagkataas-taas na page rate. Huwag naman sana silang magbida-bidahan.
Ano ba ang nakain ng Mango comics at naisip nilang pumasok sa mass market "cheap" comics publishing? Ano na ang nangyari sa mga "anglicized" comics ni Hugo Yonzon? Di ba ito kumita? "Love" lang ba ang dahilan kaya niya ito nilimbag?
There's no harm in trying. Siguro naisip nilang mag-iba ng strategy sa marketing. Lahat kasi ng inilabas nilang komiks from the past, ang kini-cater ay bookstore audience.
Post a Comment
<< Home