Thursday, May 31, 2007

KOMIKS REPORT

Nag-attend ng World Theater convention sina NCCA Chairwoman Cecille Guidote-Alvarez at KWF Komisyoner Joelad Santos na ginanap sa Cultural Center of the Philippines. Pagtitipon ito ng lahat ng mga bumubuo ng teatro sa buong mundo. Isa-isang nagpakilala ang lahat ng kalahok at kung saang theater group sila kabilang. Nang matapat ang mikropono kay Joelad, ito ang sabi niya: "I am Joelad Santos. I'm representing the illustrated theater of the world..."

Nagulat ang lahat kung ano ba itong 'illustrated theater of the world'.

"...which is KOMIKS." Dugtong ni Joelad.

Kaya kung dadalo kayo ngayon ng convention ng world theater organization, kinikilala na ang komiks bilang 'illustrated theater of the world'. Weird! Pero binigyan ni Joelad ng isang karangalan ang komiks sa mundo ng teatro.

****

Nagkuwento si Steve Gan na malaking inspirasyon pala sa kanya ang illustration na ito ni Norman Rockwell kaya niya nabuo ang costume ni Panday. Ginawa lang niyang sleeveless ang suot ng lalakeng nakapula.

Horseshoe Forging Contest by Norman Rockwell

****
Maganda ang feedback ng Slambang # 2. Napapansin na ito sa small presses at independent comics scene. Mababasa ang review na ito sa upcoming issue ng Comic Buyer's Guide na sinulat ni Karen O'Brien. Sinuwerteng sa 44 na contributors ng anthology na ito, at lima lang yata ang nabanggit, ay isa pa ako sa nakasama.

Puwede nang orderin ang kopya sa website ng Fanatic Press. Hindi kayo magsisisi sa dami ng mga kuwentong mababasa ninyo sa 200+ pages komiks na ito.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home