Thursday, May 24, 2007

SPONSORS AT ADVERTISEMENTS

Hindi ko makuha ang puntong kaya lang naglalabas ng komiks ang isang malaking publication ng komiks ay dahil sa sponsors at advertisements at hindi dahil sa sales. Nalaman ko ito sa isang kaibigang editor na nag-resign na sa kanila kamakailan lamang.

Sabi niya: “Nagpi-print lang kami ng 800 copies para lang maipakita sa sponsors na meron kaming inilalabas.”

So, ang inaaliw niyo pala ay ang mga sponsors at hindi ang mga readers? E bakit hindi na lang kayo maglabas ng magasin tulad ng inilalabas ng isa pang malaking publisher na 70% ay puro advertisements ang makikita at kakaunti lang ang articles? Pinahihirapan niyo pa ang sarili niyo!

Malaking tulong ang sponsors kung tutuusin pero hindi ito ang main purpose kung bakit kailangan nating mag-publish. Kailangan muna nating makabuo ng readership, saka na natin isipin kung sa ganitong klase ng produkto ay sino ang sponsors na kakagat. Kung gusto ninyo ng isang product na advertising-driven, gayahin ninyo ang tabloid na ‘Libre’ na inilabas ng Inquirer na ipinamimigay lang sa lahat ng LRT at MRT stations.

Ang problema ng komiks ngayon ay readership. 85 million ang Pilipino, sabihin na nating kahit 20% lang dito ang nagbabasa at bumibili ng print products, milyon pa rin naman suma-total. Pwera pa ang mga OFWs na sabik na ring makabasa ng produkto ng mga Pilipino. At dahil global na ngayon ang sistema ng mga produkto, puwede na rin nating isama na mag-publish tayo ng English komiks para sa foreign market. Sa kabuuan, napakalawak ng market kung mata-tap lang natin ang mga binanggit kong ito.

Isang kilalang publisher ang nag-invite sa mga beteranong manunulat at dibuhista dahil maglalabas ito ng komiks para sa OFWs. Mahigpit ang standard, pero mataas ang rate ng mga contributors. Sa wakas, may nakaisip din nito!

*******

May negative at positive na epekto ang ‘global-thinking’ ngayon ng mga new generations of komiks creators.

Positive dahil napapatunayan natin na kaya nating makipag-compete sa ibang bansa kung talent lang din ang pag-uusapan. Few years from now, madami nang superstars ang mamamayagpag sa Marvel at DC na puro Pilipino. Karangalan ito sa atin.

Negative dahil sa ganitong klase ng pag-iisip ng mga bagong papasok sa komiks, naka-set tuloy sa isip nila na ang ‘goal’ ng paggawa ng komiks ay makapasok sa Marvel at DC. Nandoon ang pera at nandoon ang katanyagan. Ang kawawang komiks ng Pilipino, hindi na papansinin ng mga ceators na ito.

********

May pakiramdam akong hindi na matutuloy ang caravan ng grupo namin. Sa halip, ang grupo na lang nina Direk Carlo Caparas ang mag-iikot para magsalita tungkol sa komiks. Frustrating para sa amin dahil naka-ready na sana ang lahat ng magtuturo para sa scriptwriting at drawing. Kaso wala kaming magagawa, umaasa lang kami sa pondo ng gobyerno. At si Direk Carlo, kaya nakakapag-ikot ay dahil sariling bulsa niya ang gumagastos.

Nalaman ko ito noong isang gabi nang minsang manood ako ng Dial M sa channel 4. Nag-announce si Manoling Morato na successful daw ang ginawang caravan sa Iloilo nina Direk Carlo. Napatayo ako sa kinauupuan ko: “Ha! Tapos na ang caravan sa Iloilo?” Paanong hindi ako magugulat e kami sanang dalawa ni Karl Comendador ang pupunta doon para magturo.

Haay buhay! Dito na nga lang ako sa blog ko. At least solong-solo ko ito.

4 Comments:

At Thursday, May 24, 2007 3:45:00 PM, Blogger Reno said...

Ang pagka-global ay two-edged sword nga. Pero di mo rin masisisi ang mga Pinoy na dibuhista kung pupunta sila kung saan sila kikita. Sana nga lang, kapag mamayagpag na sa ibang bansa ay may desire pa rin na may magawa para sa komiks dito sa atin (tulad ni Gerry, halimbawa).

800 copies lamng? Kung ako yung advertiser at nalaman kong 800 copies lang lalabas ang ad ko ay magpu-pullout na agad ako sa publication na iyan!

Sana yuung nabanggit mong publisher ay sumubok din kumuha di lamang sa mga beteranong creators kundi pati sa mga baguhan. Tutal, mahigpit naman ang standard, pero di lang naman mga beterano ang kayang makaabot sa matataas na standards.

 
At Thursday, May 24, 2007 6:41:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

-Naiintindihan ko sila dahil ako din ay ganun ang thinking. Hindi rin ako interesadong gumawa ng komiks dito dahil sa dami ng pinagdaanan kong kamalasan sa local publications. Kung hindi nga lang ako naiimbitahan (gaya ni Kuya KC) na gumawa sa local komiks, wala naman talaga sa loob ko na gumawa dito. Ang naisi-share ko lang ngayon sa industry ay itong mga personal writings ko tungkol sa komiks. Malungkot, pero praktikal din akong tao. Kapag tumatanda ka pala, naiisip mo na ang security mo.

-Yes, very open ang sinabi kong publisher sa mga new gen. Sa totoo lang ay naghahanap talaga sila ng mga artists namagsa-sample sa kanila. Pero syempre, dahil OFWs ang market, natatakot na baka maging manga style or superhero styles ang lumabas. Ang pagkakaalam ko kasi, drama at love stories ang gagawin ng mga ito.

 
At Monday, May 28, 2007 11:07:00 AM, Blogger Arthur said...

Nauunawaan ko yung pangkasalukuyan situwasyon ng mga komikero tulad ninyo. Aaamin mismo, di ko na itinuloy ang pangarap kong mgaing isang komikero dahil na rin sa praktikal na dahilan gayundin sa unti-unting pagbagsak ng industriya. Nakakalungkot! Sana gumawa pa tayo ng paraan. Lalo na't panahon na ito ng globalisasyon.

Sana bumisita ka sa blog ko. May mga bago akong entries dun. Ano ba yan, nauubusan na ako ng Tagalog!!! XD

 
At Tuesday, May 29, 2007 2:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Wag ka na mag-komiks, ipapasok na lang kita sa URCC heheheh.

 

Post a Comment

<< Home